KABANATA 51

7.6K 195 55
                                    

Pangalawang araw na ito at hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo. Hindi ko narin nakikita si Clifford at Robi sa bar. Bawat tibok ng aking puso ay nagpapakaba sakin. Sana ay mali ang kutob ko sana ay walang nangyaring masama sa pamilya niya.

Bumalik kami sa childrens park na pinasyalan namin noon. Nagyaya silang kumain narin ng ice cream kaya naiing-ganyo akong sumama. Bawat ngiti nila sakin ay binabalikan ko rin ito ng ngiti.

Ayaw kong mag emote at malungkot sa harap nila, ayaw kong pawiin ang mga ngiti nila sa labi. Sa pagkakataong ito ay ayaw ko munang pag-usapan si Matteo sa harap nila. Kailangan kong sumabay sa tawanan nila para naman maibsan ang pag-aalala ko kay Matteo.


"Night out tayo sa susuod na sabado," Sambit ni Ivony. Bilib na bilib ako sa kanya dahil nagagawa niyang tumawa kahit na hiniwalayan niya ng tuluyan si Josson. Naging masaya sya sa pagiging single.


"Ay go na go ako dyan!" Excited na singit ni Grace. Sumulyap sila sakin kong sang-ayon ba ako sa night na iyan.


"Sasama ako!" Ngiti ko sa kanila kaya unti-unti lumapad ang kanilang ngiti.


"Naku Maey dapat lang. Kasi nong nasa probinsya ka ay gabi-gabi kaming nag na'night-out" Ngumiti ako ng mahina sa sinabi ni Jessica.


"Huwag mo munang isipin ang mga problema mo. Mabuti pa ay subukan mo kayang uminom kahit kunti lang." Ningkit mata ni Erika. Hindi pa ako nakakatikim ng lubosan sa bagay na yan. Siguro ay titikim ako kahit kunti lang.


"Huwag kang mag-aalala Maey. Dahil sa umpisa lang yan mapait pero kalaunan ay siguradong masasarapan kana sa lasa." Singit ni Grace. Mukhang wala namang masama kong iinom ako. Tutal ay babae ang mga kasama ko.


"Sige susubukan ko." Sagot ko na ikinatuwa nila.


"Yes.... masaya to!" Malademonyong ngiti ni Jessica. Umiling ako saka nagpatuloy narin sa kinakaing ice cream.

Nagsimula ulit ang kabaliwan ng apat at naglaro ulit ito sa ground. Tulad ng ginawa nila dati. Hindi ko maiwasang tumawa nalang ng tumawa dahil hindi ko maisip na babalik sila sa pagkabata. Sila yung tipong matanda na pero isip bata parin. Dalawang oras din kaming tumambay sa park. Ang sarap ng hampas ng simoy ng hangin dito. Ang mga dahon ng punong kahoy ay sumasabay sa sayaw ng hangin. Tumingala ako sa langit habang pinapanunuod ang mga nagsisiliparang ibon. Saan na kaya sya ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Bakit kaya hindi sya nagpaparamdam sakin ngayon? Ang daming katanongan na hindi ko magawang sagotin.

Nang sumapit ang hapon ay bumalik kami ng bar. Kanina pa ako kinukulit nito ni Rocky dahil na mimiss niya raw ako. Bumalik ulit sya sa Dubai para taposin ang trabaho niya dun. Isa na talaga syang magaling na Engineer. Siguro ay pag nakabahay ako sa kanya ako mag papagawa, napapangiti ako habang iniisip yun.

Pagkatapos naming magbayad kay manong tricycle driver ay ang pagparada ng isang maitim na kotse sa gilid ng bar. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil pamilyar sakin ang kotse. Nauna akong bumaba sa tricycle at dali-daling lumapit dun. Alam kong kay Matteo ang kotse na yon kaya sobrang lapad ng ngiti ko. Napahinto ako sa paglalakad ng bumaba ang isang lalake na isa sa mga gwardya ni Matteo sa bahay niya. Literal akong nanghina dahil akala ko ay si Matteo ang bubungad sakin.


"Maey kilala mo ba iyan?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako bilang sagot. Hindi ako nagkakamali kilala ko si manong. Lumapit sya sakin na nakangiti.


"Magandang hapon po sainyo ma'am  Mary." Bati niya nito agad.


"Magandang hapon din Manong. Bakit po kayo napa rito?" Hindi ko alam kong anong pakay niya pero kinakabahan ako.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon