KABANATA 57

8.2K 179 2
                                    


Yakap-yakap ko ang magkabila kong tuhod habang nakatuon ang tingin sa sahig. Hinahayaan kong tumulo ang aking luha sa sakit. Sana nalang pala ay hindi na ako lumapit sa kanila. Sana ay hindi ko nalang sya hinanap. Humikbi ako ng iyak saka pumikit ng marahan. Mahal na mahal ko parin si Matteo. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa ginawa niya sakin.



"Mary?" Inangat ko ang ulo ko. Tumabi sakin si Rocky sa sofa. "Aalis muna ako saglit, babalik din ako agad." Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.

Pinunasan niya ang huli kong luha kaya napapikit ako. Nagbuntong hininga sya bago ito tumayo. Kita mula sa gilid ng aking mata kong pano niya ako titigan. Sumulyap ako kay Rocky saka ito ngumiti sakin. Binalik ko ang tingin sa pader. Nandito ako ngayon sa condo niya. Ayaw niya akong bumalik sa bar. Naiisip ko ang apat at alam kong nag-aalala na sila sakin. Hindi ko magawang etext sila dahil lowbat ako. Sana ay tama itong desisyon ko. Sana ay hindi ako magkamali.

Bumagsak ang mata ko at hindi ko alam kong pano ako nakatulog. Maging sa panaginip ko ay hindi ko magawang maalis si Matteo sa isip ko. Ang gaga at tanga ko. Nagmahal ako ng lalakeng hindi ko ka level. Isa lang akong mababa at mahirap, samantalang sya ay mataas at hinahangaan ng bawat tao. Bakit umabot ng ganito?


Nagising ako dahil sa mainit na palad na humimas saking noo. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at tumambad sakin si Rocky na nakangiti. Inalalayan niya akong bumangon.


"Bakit dito ka sa sofa natulog?" Kunot noo niya. Napahilot ako saking batok.


"Okay lang Rocky. Nasanay nga ako sa probinsya na kahoy lang ang nasa ilalim ng kama." Pagbibiro ko kaya tumawa sya ng mahina. Ginulo niya ang buhok ko.


"Hali ka kumain muna tayo," Tumango ako saka tumayo. Sinundan ko sya sa kusina at saka ako umupo sa highchair. Pinapanunuod ko ang bawat galaw niya. Napapangiti ako habang iniisip na nagkagusto parin pala ako sa kanya noon. Bahagya akong ngumiti kaya nahuli niya iyon. "Smilling while staring at me?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pangi-nginit ng aking pisnge kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili.



"Hindi may naalala lang ako," Sagot ko na ikina-singkit ng kanyang mata.


"Ano naman yun?" Tanong niya na ikinasulyap ko. Huwag na Rocky baka matawa ka pa pag sinabi kong nagkagusto ako sayo noon.


"Wala gutom na ako," Agad kong nilibang amg sarili sa pagkain. Hindi ko sya magawang sulyapan dahil sa binabalotan ang sarili ko sa kahihiyan.



"Anong balak mo?" Napahinto ako sa hapag. Sumulyap ako kay Rocky.



"Kailangan kong bumalik sa bar rocky." Natahimik sya sa sagot. Ang kanyang mata ay bumagsak sa pinaglalaruan kong pasta.


"Gusto mong ipagpatuloy ang pagtatrabaho dun?" Galit niyang tanong kaya nag buntong hininga ako.


"Hindi ko alam. Hindi ganon kadali Rocky dahil may pinermahan akong kontrata. Isang taon akong maninilbihan sa bar ni Clifford." Sagot ko na mas lalong ikinagalit niya.


"Isang taon kang mag-titiis na makita si Matteo dun? O baka umaasa kang babalik sya sayo." Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Pumikit ako ng marahan at ayaw kong mag-away ulit kami ni Rocky tungkol dito.


"Rocky gustohin ko mang umalis ngunit hindi ko magawa. Kahit gustohin mong  ilayo ako kay Matteo ay hinding-hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ganon kadali ang makalimot." Tumulo ulit ang luha ko. Ang mata koy bumagsak sa hapag. "Kahit lumayo ako mahal na mahal ko parin sya." Humagol-gul ako ng iyak kaya naramdaman ko ang yakap ni Rocky mula sa likod ko.



 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon