Pagkatapos ng nangyari kahapon ay agad akong umalis sa pagitan ng tatlo. Nakakahiya kong mas lalo pa akong makikihalubilo sa kanila. Hindi ko maintindihan kong anong sinabi ni Matteo kahapon kong tanging pintig ng puso ko ang naririnig ko lang. Ewan ko pero para akong nabunotan ng tinik dahil sa binitaw niyang salita.
Hanggang ngayon gumugulo parin sa isip ko ang bawat bigkas niya. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko ngayon dahil napapangiti lang ako bigla pag iniisip iyon.
Naging busy narin kami sa pag-aayos ng sarili namin. Kulay itim ang susuotin namin sa gabing ito. Nasanay narin ako sa uniporme namin gabi-gabi.
"Night out ulit tayo sa susunod na gabi." Sambit ni Grace habang naglalagay ng lipstick sa labi. Sinusuklay ko ang buhok ko habang tinitignan sila mula sa salamin.
"Sounds exciting. Go ako dyan---" Singit ni Jessica bilang pasang-ayon.
Hindi na ako sumambat sa usapan dahil alam ko naman na sapilitan nila akong isasama sa night-out na iyan. Okay lang naman din sakin para hindi ako masyadong mabagot kong puro trabaho lang ang iniisip ko.
"Get ready girls dahil may mga artista na iinom dito sa bar ngayon." Bulyaw ni Mam Shelo sabay palak-pak nito sa kamay. Hindi na ito bago para samin dahil araw-araw ay may nakikita kaming artista dito sa bar. Noong una ay na star'struck ako sa bawat artista na nakikita ko, ngunit kalaunan ay nasanay narin ako.
Sabay kaming lumabas sa silid.
Naging busy ang gabi na ito dahil sa sobrang daming nag-sipasokan sa bar. Kahit madami ay kasya sa bar ni Clifford dahil sa sobrang lawak ng bar.
"Maey pakihatid sa number one." Baling sakin ni Erika tska ko iyon tinanggap.
Naglakad ako sa dagat ng mga tao sa gitna. Sobrang mausok na at medyo may maagang na lasing. Naaninag ko ang iilang grupo ng lalake sa pulang sofa at mukhang mga desente at big time. Lumapit ako dun na may bahid na kaba ngunit may ngiti.
"Goodevening Sir." Wika ko tska sila isa-isang tinignan. Napadpad ang tigin ko sa kapatid ni Matteo na si Clark. Nagsalubong ang mata namin kaya agad syang tumayo.
Agad akong nag bow pagkatapos nilapag ang iilang bote sa mesa nila. Dali-dali akong umalis habang bitbit ang tray. Natatakot ulit akong mabastos. Natatakot ulit ako na baka nandun yung lalake na nambastos sakin noon.
Bigla nalang may humila sa pala'pulsohan ko kaya napaharap ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nasa harap ko si Clark. Nagkatitigan kaming dalawa. Ang kurba ng kanyang labi ay parehong-pareho kay Matteo, lalo na ang kanyang mata na kulay palubog na araw.
"Miss im sorry can I talk to you for a while?" Una niyang salita. Hindi ko alam kong bakit niya ako gustong kausapin pero kinakabahan ako kong ano man iyon. "Im sorry for what happen that night." Direkto niya habang hawak parin ang pulsohan ko. Hindi ko magawang bawiin iyon kahit may iilang nababangga na saking likuran.
"Okay lang po sir. Kalimutan na natin yon." Basag boses kong sagot dahil sa kaba. Dahan-dahan niya akong binitawan.
"He was drunk that night and we're very sorry for that. Im Clark by the way, what your name?" Nilahad niya ang kanyang kamay kaya agad ko iyong tinanggap.
Bawal na bawal makipag usap ng matagal sa isang costumer.Pero ayaw ko namang maging bastos. Iba si Clark dahil pinsan din ito ni Clifford kaya hindi ko magawang umalis agad.
"Nice to met you sir Clark. Im Marylyn." Sabay kaming nag shake hands. Sobrang lambot ng kanyang kamay kaya nahihiya akong hawakan iyon. Naiilang narin ako dahil sa paninitig ng mga tao samin.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...