Hanggang sa sumapit ang umaga ay hindi parin ako makatulog sa nakita ko kagabi.
Normal lang ba ito?
Normal lang ba ang makaramdam ng paghihinaing..
Parang may milyon-milyong bultahe ang naramdaman ko sa gabing 'yon.
Hindi ko alam, pero nong makita ko sila sa kotse ay hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa buong sistema ng katawan ko. Parang dumadaloy ang nagliligyab na apoy sa magkabila kong pisnge.
"Maey? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan ah."Putol ni Ivony saking imahinasyon.
Dali-dali akong umiling tsaka pinikit ang mata.
"A-h! Oo okay lang napagod lang siguro ako kagabi." Pagsisinungaling ko kaya naningkit ang mata nito.
Umiwas agad ako ng tingin dahil alam kong hindi ako magaling sa ganoong bagay. Ang magsinungaling!
"Gusto mong sumama? Mag mamall kami ngayon." Anyaya sakin ni Jessica kaya umiling agad ako bilang sagot.
Mall? Mukhang masaya pero nakaka dismaya. Kailangan kong mag-ipon para makabili ng mga importanteng gamit.
"Kayo nalang siguro. Mag hapon nalang siguro akong mag papahinga dito." Sagot ko kaya nagkatinginan sila isa-isa.
Nasanay na akong mag-isa simula nong nawala ang magulang ko. Hindi na bago sakin 'to.
"Sigurado ka huh? Ang booring kaya dito Maey. Hindi ka ba mababagotan dito?" pagmamaktol ni Grace.
Oo may bahid din sakin ang bagot. Subalit kailangan kong matulog dahil hanggang ngayon ay dilat pa sa tarsier ang mata ko. Ilang sandali lang ay napagdesyonan nilang umalis. Hindi nila ako napilit at sa huli ay iniwan nila akong mag-isa. Kanina pa ako alingasa sa kama. Kaliwa, kanan ang higa ko kaya hanggang ngayon ay di ko magawang maipikit ang mata ko sa kakaisip.
Bumangon ako sa kama tsaka nagbihis. Suot ang kulay maron na tattered short ay pinarisan ko ng white strap spageti. Lumabas ako sa kwarto tsaka nagtungo sa ibaba kong nasan ang dance floor.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at sobrang mamahalin ng bawat kagamitan dito. Mula sa mga inumin at mabibiyak na baso. Nagtungo ako sa railing ng dancefloor. Hinimas ko yun pababa at pataas tsaka ako tumingala sa mga nakasabit na disco light mula sa itaas.
Lumibot ako sa bawat sulok ng bar. Mukhang walang tao at wala rin dito si Ma'am Shelo, wala rin sina Clifford. Nagtungo ako sa maliit na mini stage at umupo sa nakahalerang kagamitan pang DJ. Namili ako ng iilang musika para pa tugtogin. Wala naman sigurong masama kong mag papatugtog ako kahit mahina lang.
Napili kong tugtogin ang work by rihanna ft. Drake. Bumalik ako sa railing ng dancefloor. Nagsimula ng tumugtog ang musika. Ibinuhag-hag ko ang aking buhok tska sumabay sa tugtug.
Iginalaw-galaw ko ang magkabila kong bewang habang nakabahagi ang magkabilang kamay pataas. Umikot-ikot ako sa railing tsaka ikinembot-kembot ang bawat galaw.
Na mimiss ko ang pagsasayaw lalo na nong highschool pa ako. Sumasali ako sa mga dance contest ng bawat baranggay at ito rin ang ginawa kong talent portion sa mga beauty contest na sinasalihan ko noon. Oo,marunong akong sumayaw at kay Tatay ko iyon namana.
Ginaya ko ang mga galaw ni shakira. Umikot-ikot ako kaya bawat galaw ko ay sumasabay sakin ang mataas kong buhok. Mas lalo akong ginaganahan kaya mas lalo ko pang ene'enjoy ang tugtog. Bawat talon at alon ng buhok ko ay isinusuklay ko saking mga daliri.
Itinaas ko ang kamay ko habang kumembot ng pababa.
Nang matapos ang tugtog ay hingal na hingal ako sabay ng magarbong palakpakan sa may likuran ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng bumungad sakin sina Clifford, Robi at Matteo.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...