KABANATA 5

10.2K 252 12
                                    

Lumipas ang gabi ay pa rami ng rami ang pumapasok sa bar. Lahat kami ay natatarantang magbihis. Ngayong gabi na ito ay kulay pula na sobrang ikling fitted dress ang susuotin namin.

Panay ang hila ko sa damit habang tinatampal naman ni Ivony ang aking kamay.

"Umayos ka nga baka makita ka ni Ma'am Shelo niyan, ma papagalitan ka pa." Kunot noo niya kaya humalukip-kip ako. Sobrang ikli nito at halos kita na ang kaluluwa namin.

Hinahatid ko ang mga iilang bote ng alak sa mga numerong sinasabi ni Erika. Hanggang ngayon ay hindi niya parin ako itinuturing na kaibigan. Minsan na syang naging maldita sakin kaya hinahayaan ko nalang iyon.

"Bago ka miss?" tanong sakin ng lalaking matanda head to toe.

"Opo Sir." Nilapag ko ang bote sa mesa tska sya nginitian. Kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko sa bawat titig sakin ng mga tao dito. Mga titig na kulang nalang ay hinuhubaran ako.

Kanina pa ako pa linga-linga dito sa bar ngunit hindi ko pa nakikita ang mag pinsan. Gabi-gabi naman sila dito kasama si Venus at ang kaibigan nila ah. Bakit wala pa?

Bumalik ako sa counter na bagsak ang magkabilang balikat. Tama nga sila mukhang tuluyan na akong nadala sa huwisyo ng damdamin ko.

"Maey? Pakihatid naman ito oh!" nguso ni Grace kaya agad kong tinang-gap ang apat na bote ng san. Mig. "Thanks Maey." dugtong niya kaya ngumiti ako.

Nagtungo ako sa nakasaad sa sulat sa papel. Number 10, luminga ako sa bawat mesa sa paligid at nakita ko na ang numerong hinahanap ko. Nagtungo ako doon na may ngiti.

"Goodevening Sir." Inangat niya ang ulo niya tsaka ako tinignan head to toe.

"Bago ka miss?! hmhm what's your name?" kunot noo ng matanda. Mukhang nasa 50's na sya at hindi halatang matanda ito dahil sa gwapo sya at malakas pa.

"Mary po Sir." Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya iyon.

"Nice to meet you Mary. Im Roshan." ngiti niyang sabi sabay shake hands namin.

"Kinagagalak rin kitang makilala sir, enjoy your drink po." nag bow ako sa harap niya tsaka sya tinalikuran.

Bumalik ako sa counter na may ngiti. Nakita ko si Grace, Jessica at Ivony na nakatayo lang sa may counter.

"Oh? Ayan na pala si Maey." ngiting aso ni Ivony. Anong meron? At mukhang malalaki ang mga ngiti ng tatlo.

"Anong meron? Bakit kayo nakangiti dyan?" hinila ako ni Ivony para tumabi sa kanya.

"Sa darating na sabado mag na'night out tayo." singit ni Grace.

"Night out? Diba may trabaho tayo sa sabado?" Kunot noo ko kaya naningkit ang kanilang mata.

"Pagkatapos ng trabaho natin sa gabi ay didiretso tayo sa kabilang bar." Sambit naman ni Jessica.

"Ewan ko. Pero mukhang hindi ako makakasama." Sambit ko na ikinagalit nilang tatlo.

"Girl, mag-enjoy ka din pag may time. Naku kong alam mo lang sana." nagtawanan silang tatlo kaya mas lalo akong nagtaka.

"Anong alam ko lang sana? Bakit anong meron sa night out na iyan?" isa-isa ko silang tinignan ngunit sinuklian lang nila ako ng ngiti. Mukhang may balak sila at iyon ay hindi ko gusto.

"Mas madaming gwapong lalake sa kabilang bar kesa dito kaya mamiming-wit tayo." nagtawanan ulit silang tatlo kaya napailing ako.

Boys? Ewan ko dahil hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon