KABANATA 31

10.4K 194 12
                                    

Nagising ako sa isang malambot at mabangong kama. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata at napagtanto kong nasa kwarto ako ni Matteo. Bukas narin ang malaking bintana mula sa veranda habang sumasabay ang kurtina sa hagpas ng hangin. Umupo ako sa pagkakahiga at tanging kunot na kumot ang nasa gilid ko. Wala si Matteo? Nasan sya?

Luminga-linga ako sa paligid ng mahagilap ng mata ko ang isang pulang rosas mula sa gilid ng kama. Meron din iyong puting kapirasong papel kaya inabot ko agad.

Thankyou lastnight, Mary. I love to come into my room, when you are in bed and kiss you all in all. But i have to attend this meeting, and please dont leave. I'll be back emediately after this. I love you baby.

                             

Napangiti ako habang paulit-ulit na binabasa ang sulat niya. Sumulyap ako sa katawan ko na hubot hubad pa hanggang ngayon. Napadpad ang tingin ko sa isang pulang paper bag mula sa paahan. Pinulupot ko ang kumot sa katawan bago gumapang at inabot ang paper bag. Napagtanto kong  isa itong damit na pambabae. Meron ding isang kapirasong papel kaya binasa ko agad.

I dont know, whats your size. But i think kasya yan sayo.

Sinulyapan ko muli ang paper bag. Kinuha ko iyon mula sa kinalalagyan at isa itong short at puting t-shirt na may nakasulat na "Mine" Napangiti ako bigla. Sobrang laki ng ngiti ko habang paulit-ulit na binabasa ang plainted shirt. Umiling ako tsaka tumungo sa banyo para maligo. Hindi ko magawang ilakad ng maayos ang paa ko dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman ko mula sa ibaba. Nakagat ko ang labi ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Tuluyan na akong sumuko kay Matteo at pilit ko iyong pinapaniwalaan.

Wala na ako? Wala na ang kina ingat-ingatan ko.

Maging sa pagligo ko ay sumasagip sa isip ko ang bawat haplos at halik na idinadampi ng labi ni Matteo sa buong katawan ko. Ang kanyang labi na naglalakbay saking leeg hanggang sa batok. Tila nag sitaasan ang balahibo ko habang naiisip iyon. Binalik ko ang aking sarili sa pagligo tska nagsabon.

Pagkatapos ay isinuot ko ang damit na binili ni Matteo. Bumaba narin ako sa sala's. Sobrang tahimik at naiisip ko tuloy hindi kaya naboboring si Matteo mag-isa dito? Hindi kaya sya nalulungkot dito?

Siguro ay tama ang naiisip ko. Dahil sa itsura palang ng bahay niya ay kahit larawan ng kanyang pamilya ay wala kahit isa. Hindi ko alam kong anong stadu ng pamilya niya sa stadu ni Matteo ngayon. Siguro ay meron silang hindi pag kakaintindihan.

Bumalik ako sa sarili tska nagtungo sa kitchen. May note sa ref kaya agad ko iyong binasa.

I cooked some healthy foods. Happy breakfast baby.

Sumimangot ulit ako sa nabasa. Hindi ko alam na ito ang bubungad sakin pag-gising. Ang sarap sigurong maging asawa ni Matteo. Naiisip ko palang iyon ay literal na akong natutulog ng gising. Umiling ako tska binuksan ang ref. Hindi ko alam kong anong klasing pag-kain ito. Umupo ako sa highchair tsaka nagsimulang kumain.

Taco? Fruity Salad at Fiesta roll?

Hindi ko alam kong tama ba ako. Dahil may ganitong pagkain sa Lanao. Isang tikim ko palang ay sobrang sarap nga. Panay ang ngiti ko habang kumakain. Hindi ko rin alam kong bakit bigla-bigla nalang akong ngumungiti ng walang dahilan. Siguro epekto ito sa nangyari kagabi.

Pagkatapos kong kumain ay ang paglinis ko ulit ng pinagkainan. Bigla akong napahinto sa gilid ng ref ng may salamin mula sa gilid. Binaba ko muna ang plato sa counter tsaka tinititigan ang sarili. Kumunot ang noo ko dahil mas lalong pumula ang pisnge ko. Ang labi kong pula ay parang nilagyan ng magic lispstick dahil sa kintab nito. Hindi ko alam pero naging iba ang aura ng mukha ko ngayon. Ibang-iba at sobrang blooming ko.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon