KABANATA 42

8K 177 4
                                    

Maaga akong nagising para sa byahe ko ngayong araw pauwi ng probinsya. Buti nalang talaga at pumayag si Clifford sa pag-uwi ko. Apat na araw lang naman akong mawawala kaya susulitin ko ang araw na iyon para mamasyal sa probinsya namin. Na mimiss ko ang pagtitinda ng mga sariwang gulay at isda sa palengke.

Lalo na ang dagat at puting buhangin. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. May halong lungkot at saya. Lungkot? Dahil hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo siguro ay kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong tanggapin na isa lang ako sa nilalaruan niya. Nagagalit at naiinis ako sa kanya. Kagabi ko pa ito iniisip, pagbalik ko dito sa Manila ay hindi na ako lalapit sa kanya muli. Masaya? Syempre madadalaw ko ulit si Nanay at Tatay sa simenteryo. Kailangan ko ring ipaayos at lagyan ng kisame ang puntod nila. Na mimiss ko ang baryo namin lalo na't malapit na ang ka fiestahan sa nayon.

Kanina pa nakabusangot ang tatlo habang tinutulongan akong ayusin ang mga dadalhin ko pauwi.

"Ma mimiss ka namin kahit apat na araw lang iyan," Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ivony.

"Babalik naman ako agad," Nakangiti kong sagot. Narinig ko ang iilang buntong hininga nila kaya nalungkot ako.

"Huwag mona kaming aalahanin, mag enjoy ka sa bakasyon mo." Sambit ni Jessica. Tumango ako bilang sagot. Nasa gilid sila ng kama habang ako ay isa-isang nilalagay ang iilang damit sa bagpack.

"Pano si Matteo? Baka hanapin ka niya samin?" Bigla akong napahinto sa ginagawa ko. Napaupo ako sa kama bago suminghap ng iilang hangin. Wala na akong pakialam sa kanya iyon ang nasa isip ko ngayon, pero sabi ng puso ko mahal ko parin sya.

"Bahala na..... Wala na syang magagawa. Babalik ako dito para sainyo hindi para sa kanya," Taas kilay kong sabi kaya sabay-sabay silang pumalakpak. Kumunot ang noo ko sa ginawa nilang iyon.

"Amazing!" si Ivony.

"Palaban," si Grace.

"Pero deep inside nasasaktan." Agad syang binatokan ng dalawa. Umiling ako saka tumawa ng mahina.

"Okay na sana eh. Sinabi mo pa yong totoo." Bulyaw ni Grace. Sumulyap ako kay Erika na busy sa kakapindot ng kanyang phone. Tinaas niya ang kanyang ulo kaya nahuli niyang nakatingin sya sakin. Bahagya itong ngumiti kaya binalikan ko rin ng ngiti. Hindi ko alam kong kailan kami naging okay ni Erika dahil bigla niya lang akong pinansin ng hindi ko namamalayan.

"Nandyan na sya," Saad niya na pinagtataka ko. Tumayo ito saka naunang lumabas ng silid. Nandyan na sya? Sino?

"Sinong nandyan?" Kunot kong tanong sa tatlo. Ngumiti lang ito bilang sagot saka nila kinuha ang dalawa kong bag.

"Tayo na..... Ihahatid ka namin." Ani ni Grace saka ako hinila sa kamay.

"Tika lang huwag nyo na akong ihatid gagastos pa kayo ng pamasahe eh." Hinila ko ang kamay ko ngunit nagmamatigas parin si Grace. Lumingon ako sa likuran at nakangiti lang si Ivony at Jessica sakin. Anong meron?

Hindi ko na nagawang pumalag at nag patianod sa hila ni Grace. Nakasalubong pa namin sina Aylana sa main door kasama ang mga kaibigan nito. Huminto kami saglit bago naglaban ng titig. Kusa silang sumuko sa titigan namin kaya agad namin silang nilagpasan.

May isang maitim na ferrari mula sa gilid ng bar at isang lalaking matangkad habang kausap nito si Erika. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala kong sino man ang lakaking yon.

"Erika," Kumaway si Grace. Sabay silang dalawa lumingon samin. Medyo may katandaan na sya ngunit hindi ipagkakaila na gwapo.

"Honey sila yung sinasabi ko sayong mga kaibigan ko. Si Jessica, Ivony, Grace at si Mary sya yung ihahatid natin sa airport." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Erika. Isa-isa ko silang tinignan ngunit ngiti lang ang ibinalik nila sakin.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon