Gusto kong kausapin si Rocky. Gusto kong malaman ang lahat-lahat. Gusto kong marinig mula sa kanya ang lahat.
Pero pano?
Hindi ko magawang magsalita dahil hanggang ngayon ay sobrang bilis ng puso ko. Ito na ang pagkakataon na tanongin sya. Ito na ang pagkakataong malaman ang katotohanan.
"Rocky?" Tawag ko kaya bahagya syang lumingon sakin.
"Ano yon Mary?" tanong niya tska binalik ang tingin sa kalsada. Nag mamaneho sya ngayon para ihatid ako pabalik sa bar. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ko. Pano ko nga ba tatanongin sa kanya ito kong naduduwag ako. "Mary may problema ba? Okay ka lang?" Pabalik niyang tanong.
Binaling ko ang tingin sa kanya bago nagbuntong hininga.
"May sinabi sakin si Riza, at tungkol ito satin." Lumingon sya saglit sakin. Bumagal ang takbo ng kanyang kotse dahil sa tanong ko.
"Anong sinabi niya?" Mahina niyang wika habang seryosong nakatigin sa kalsada. Bawat andug ng kanyang adams apple ay nagpapahiwatig ng kaba.
"Mahal mo ako?" Agad syang lumingon sakin at inihinto ang kotse sa may gilid ng kalsada. Kita mula sa kamay niya ang mahigpit na hawak sa manebela. Ang kanyang mata na naglalaro dahil sa diretsahan kong tanong.
"What kind of question is that. Ofcourse, Mahal kita dahil kaibigan kita." Parang dinurog ang puso ko sa sinagot niya sakin.
"Mahal mo ako, higit pa sa kaibigan Rocky." Hamon kong sabi kaya umawang ang labi niya. Ngumiti sya ng bahagya tska inabot ang kamay ko. Hinawakan niya iyon ng mahigpit.
"Mary, kaibigan kita. Syempre mamahalin kita dahil malapit ka sakin. Kong ano man ang sinabi sayo ni Riza kalimotan muna iyon." Sinimulan niya ulit paandarin ang kotse.
Ang kaninay dibdib ko na sobrang gaan, ngayon ay sobrang bigat. Ang sakit marinig mula sa kanyang bibig. Kaibigan lang ako at wala ng mas hihigit pa dun. Hindi ko alam kong nagsisinungaling lang ba sya o denideny niya lang ang totoo niyang nararamdaman para sakin. Pero gumugulo parin sa isip ko ang sinabi ni Riza. Bakit niya naman sasabihin yun sakin?
Hindi ko talaga alam kong anong takbo ng utak ni Rocky ngayon. Hindi na ako muling nagsalita pa. Sobrang sakit ng dibdib ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa? Ilang ulit na akong nasaktan kay Rocky at siguro naman tama na ito para kalimotan ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakagat ko ang labi ko tsaka sya sinulyapang muli. Ang kaninay mukha niyang may ngiti, ngayon ay walang ekspresyon. Sana hindi nalang ako nagtanong, edi sana hindi ganito kailang ang pumagitna samin.
Sa haba-haba ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakaabot na kami sa bar. Lumingon ako sa kanya at nahuli ko syang nakatitig na sakin.
"Flight ko bukas pabalik ng Dubai." Una niyang salita kaya yumuko ako. Ma mimiss ko sya at sobrang sakit isipin.
"Mag-iingat ka dun." Buntong hininga kong sagot. Inabot niya ang kamay ko tska niya iyon hinawakan ng mahigpit. Lumingon ako sa kanya at naglaban kami ng titig.
"Gustong-gusto ka ni Riza para sakin, kaya niya nasabi iyon. Kaibigan kita Mary at ayaw kong may magbago sa pagtiti-nginan nating dalawa." Eksplenasyon niya. Napapikit ako sa bawat buka ng kanyang bibig. Mali ang iniisip ko kanina. Pareho kami ni Rocky ng pinanghahawakan. Ayaw kong masira kong anong meron saamin ngayon.
"Sorry Rocky. Kalimutan na natin yun." Yun lang ang tangi kong naisagot. Hindi ko alam pero unti-unti ko naring naiintindihan ang lahat. Hanggang doon lang talaga!
"Isang buwan lang ako sa Dubai. Babalik din ako dito, anong gusto mong pasalubong?" Agad akong lumingon sa kanya na nakangiti.
"Camel sana," Sagot ko kaya tumawa sya ng malakas. Ginulo niya ang buhok ko tsaka sya umiling.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...