Umiiyak ako habang nakasakay ng bus. Kahit galing ako sa trabaho kanina ay pinilit kong umuwi agad. Kailangan kong umuwi at buti nalang ay pinayagan ako ni Clifford.
~Flashback~
Sabay ng paghulog ng phone ko ay ang patak ng aking mga luha. Ang bahay na kina ingat-ingatan ni Nanay at tatay ay nasunog. Nakatitig lang sakin si Ivony at tila literal na nagulat sa reaskyon ko.
"Maey anong nangyari? Sinong tumawag?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya bumalik ako saking sarili. Sumulyap ako sa kanya saka humagol-gul ng iyak.
"Kailangan kong umuwi sa probinsya. Kailangan kong umuwi." Paulit-ulit ko saka hinilamos ang mukha. Mawala lang sakin ang lahat huwag lang ang bahay ng mga magulang ko. Iyon nalang ang natitira kong ala-ala sa kanila.
"Maey gabi na pwede bukas nalang?" Umiling ako sa sinabi ni Ivony. Tumayo ako agad sabay ng pagtayo niya.
"Ivony kailangan kong umuwi ngayon. Nasunog ang bahay namin sa probinsya kaya uuwi ako ngayon din." Bulyaw ko saka sya tinalikuran. Naramdaman kong sumunod sya sakin kaya dali-dali kong pinihit ang pintoan ng storage.
Bumungad sakin si Clifford na papasok sana sa loob.
"Nagamot mo na ba ang sugat mo?" Direkto niyang tanong saka ako tumango. Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon tinignan. Nakaramdam ako ng ilang sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Hindi ko aakalain na ganito sya mag-alala sakin.
"Sir pwede ka bang makausap kahit saglit lang?" Diretsahan ko kaya dahan-dahan niyang binaba ang kamay ko. Tumango sya bilang sagot saka ito pumasok sa office niya na katabi lang ng storage room.
Sumulyap ako kay Ivony at tahimik lang ito sa gilid ko. Iniwan ko sya agad nang hindi nagsasalita.
"About Matteo and Venus?"
"Sir wala po akong pakialam sa kanilang dalawa. Gusto ko kayong makausap dahil magpapaalam sana ako sayo ngayon." Direkto ko kaya kumunot ang noo niya.
"Mary you don't have to quit this job for Matteo. I know you hurt pero may kontrata kang pinermahan dito." Umiling ako agad sa sinabi. Dyan sya nagkakamali.
"Sir hindi po ako aalis sa trabaho ko. Aalis po ako dahil gusto kong umuwi sa probinsya. Sir nasunog ang bahay namin at kailangan kong umuwi ngayon. Please sir Clifford hindi ito tungkol kay Matteo. Wala akong pakialam sa kanya." Sabi ko na ikinabuntong hininga niya. Tila may reaksyon syang gulat at halo-halong pag-aalala.
"Im sorry. Sige papayagan kitang umuwi I hope you'll back here for good. I like your performance Mary and im very disappointed dahil nadadamay ang trabaho mo dito dahil sa issue ninyo ng pinsan ko. I want you to stay here." Salaysay niya na ikinatahimik ko. Hindi ko alam kong pano ito nasasabi sakin ni Clifford. Kong marami naman syang makukuhang kapalit sakin.
"Sir babalik ako. Babalik ako para sa trabaho ko." Tanging nasagot ko at kalaunan ay pumayag narin sya.
~Fast Forward~
"Kailangan mo ba talagang umuwi ngayon? Hindi ba pwedeng ipag bukas mo nalang yan?" Malungkot na sambit ni Ivony. Humarap ako sa kanila na namamaga parin ang mata.
"Masasayang ang oras ko kong bukas pa ako aalis. Kailangan kong malaman kong sino man ang sumunog sa bahay namin." Sagot ko saka nagpatuloy saking ginagawa. Narinig ko pa ang iilang buntong hininga nila kaya hindi na ako muling umimik pa. Ayaw kong matagalan.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...