KABANATA 38

8.7K 185 16
                                    

Kaya pala gumawa ng surprisa si Matteo dahil sa mawawala sya ng ilang araw dito sa Pinas. Pagkatapos ng gabing iyon ay hinatid niya ako pabalik ng bar. Dumiretso agad sya ng Airport papuntang Macao.

Dalawang araw na syang hindi nag paparamdam sakin, dalawang araw na akong naka abang sa cellphone. Maging sa trabaho ay hindi ko magawang mag concentrate dahil sa panay ang tingin ko sa cellphone. Ka'da minuto, segundo, oras ay wala akong sinasayang para sulyapan ang phone ko. Sobrang sikip sa dibdib at hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Nakailang mensahe na ako sa kanya sa messenger ngunit wala parin itong sagot.

Napapikit ako habang nakapatong ang phone sa noo. Suminghap ako sa nararamdaman ko ngayon. Yong pakiramdam na namimiss mo iyong isang tao ngunit wala kang magawa kundi maghintay.

Miss na miss na kita Matteo. Siguro ay tuluyan na akong nagmahal ng sobra. Ito ang unang pagkakataon na nagmahal ako at sa unang lalake na sinukuan ko pa.

"Hoy Maey," Naimulat ko ang aking mata ng hinalbot ni Ivony ang phone ko na nakapatong sa noo. Napaupo ako sa kama saka binawi sa kanya ang phone. "Kailan pa naging mesa yang noo mo at ginawa mong patungan ng phone? Mag-isip ka nga, sobrang lakas ng radiation ng phone tapos pinatong mo pa dyan sa noo mo. Tsaka kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi ka naman sumasagot dyan." sermon niya sakin kaya napakati ako sa may batok. Nakatayo sila sa harap ko at tila na nag hihintay sa maaari kong reaskyon.

"Sorry pagod lang siguro ako," Sagot ko bago tumayo sa kama. Nag tungo ako sa salamin saka sinuklay ang buhok. Kanina pa ako gising ngunit hinihila lang ako pabalik sa kama pahiga dahil sa pagod at bigat ng naramdaman ko ngayon.

"Sa jollibee nalang tayo mananghalian." Sambit ni Jessica. Tinignan ko sila mula dito sa salamin. Sumulyap sila sakin saka sinusundan ang bawat kilos ko.

"Tara..... gutom narin ako eh." Pagmamaktol ni Grace kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili. Sa totoo lang ay gutom narin ako.

"Tayo na," Saad ko sa kanila. Sabay kaming lumabas ng bar. Napagpasyahan naming sumakay ng taxi dahil medyo malayo ang Jollibee. Hindi ito ang unang pagkakataon ko sa resto na iyon. Palagi akong dinadalhan ni Matteo sa bar kaya nakakain din naman ako.

Kanya-kanya kami ng order. Pagkatapos ay umupo kami malapit sa salamin, para mas kita ang iilang kotse'ng dumadaan sa paligid.

"Kanina ka pa namin nahahalata Maey. Kanina ka pa sulyap ng sulyap sa phone mo. May problema ba?" Direktong tanong ni Grace kaya tumingin ako sa kanya. Bawat titig nila sakin ay may bahid na pagtataka. Inikot-ikot ko ang straw sa baso.

"May problema ka ba? Pwede mong sabihin samin." Singit ni Ivony. Nakagat ko ang labi ko dahil ayaw kong magsalita. Nag tiim ako ng bagang na tila pinipigilan ang buka ng aking bibig.

Mahihiya ba ako kong sasabihin ko sa kanila na miss ko si Matteo?

"Na miss mo si sir Matteo noh?" Taas kilay ni Jessica. Natahimik ang kaluluwa ko sa tanong niya. Ang pintig ng puso ko ay sumisigaw sa pangalan ng taong hinahanap-hanap ko ngayon.

"Normal lang naman iyan Maey huwag kang mahiya, syempre sino ba namang hindi makakamiss sa abs ni sir." Halak-hak ni Grace kaya sabay kaming napatingin sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dadating kami sa puntong ito.

"Oo nga sino ba namang hindi makakamiss sa gwapo niyang mukha." Natatawang saad rin ni Jessica. Sumimangot ako sa sinasabi nila. Alam kong kalog silang lahat pero sa ginagawa nila ngayon ay mas lalo kong namiss si Matteo.

"Baka naman kasi busy si Sir. Baka nakalimutan mong CEO ang boyfriend mo, sikat na executive chairperson sa isa sa mga pinakamalaking construction supplies dito sa buong Manila. Sino ba namang hindi makakamis kay Sir eh cement ang business nila, kaya kasing tigas at kisig ni Sir." Kilig na kilig na salaysay ni Grace kaya binatokan sya ng dalawa. Panay ang tawa ni Erika kaya napapangiti narinako. Napailing ako sa sinabi nila. Natawa tuloy ako.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon