Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay panay ayus ng mga kaibigan ko sakin.
Maaga nila akong inayusan dahil sa alas syete emedya magbubukas ang bar mamaya. Nasa trabaho na sila sa mga oras na iyon kaya hindi nila ako ma aayusan.
Kanina pa ako titig na titig sa salamin. Sobrang sakit na ng buhok ko dahil sa panay ang kulot ni Grace nito. Isang oras na ako sa salamin ay hanggang ngayon hindi pa sila natatapos sa ginagawa nila sakin. Sobrang galing mag make-up ni Ivony dahil medyo nag-bago ang mukha ko.
Ang makapal kong kilay ay nu'mipis, ang pisnge kong mapula ay naging pink. Ang labi kong kurbang puso ay mas lalong kumurba. Ang mataas at straight kong buhok ay kinulot nila.
Pagkatapos ng isang oras at kalahati ay natapos narin sila. Literal silang nagulat habang nakatitig sakin. Kumunot ang noo ko sa titig nila kaya napagpasyahan kong humarap ulit sa salamin.
Kahit na ako ay nagulat. Isa lang itong simpleng make-up ngunit pinaganda ako. Napagtanto kong bagay sakin ang kulot na buhok, ang kilay kong marahang naayos dahil sa lapis. Ang ilong kong matangos ay mas lalong tumangos. Nakagat ko ang labi ko tsaka mas lalong tinititigan ang mukha sa salamin.
Naalala ko si nanay pag nakikita ko ang sarili sa salamin. Kamukhang-kamukha ko sya at hindi iyon ipagkakaila.
"Maey, ang ganda mo. Sa pustora mo palang ay mayaman na mayaman ang dating. Sigurado akong hindi ka mahahalata." Umikot-ikot si Grace mula sa harap ko hanggang sa likod.
"May kamukha ka Maey eh!" Tinaas ni Jessica ang ulo niya habang nasa baba ang kanyang hintuturo.
"Oo nga noh? Nahalata mo rin pala Jessica?" Nakangiting malapad ni Grace tsaka tumabi sakin. Kumunot ang noo ni Jessica dahil sa pag akbay sakin ni Grace. "Oh diba? Kamukhang-kamukha niya ako."
Agad nanlaki ang mata ni Ivony at Jessica sa sinabi ni Grace. Nahuli kong tumawa si Erika kaya natawa narin ako.
"Ang feeling mo din, ano?!" Bulyaw ni Jessica kaya bahagyang tumawa si Grace. Nakataas parin ang noo ni Jessica habang iniisip kong sino ang kamukha ko. "Sino nga ba iyon? Ano ba yan nakalimutan ko eh." Pagmamaktol niya tsaka kinati ng pabalik-balik ang kanyang ulo.
"Hyley Atwell," Sagot ni Erika na ikinalingon naming lahat. Nagulat ako sa sinabi niya kaya bahagya akong ngumiti.
"Oo, yung bida sa Cinderella. Kamukhang-kamukha mo talaga eh." Suring sambit ni Jessica habang inaayus ang kaltas ng buhok ko.
"Oo nga noh? Ngayon ko pa napagtanto na kamukha mo pala si Ella. Tapos si Anastasia ay si Jessica at si Grace naman yung Drazella." Natatawang singit ni Ivony kaya tinaponan sya ng masamang tingin ng dalawa.
"Oo tapos ikaw yung malditang ina namin na si Lady Tromaine." Highfive ni Jessica at Grace kaya tumaas ang kilay ni Ivony. Sobrang sakit na ng tiyan ko dahil sa pinagsasabi nila. Pinipigilan kong tumawa ng malakas.
"Aba, nakaayos ka yata ngayon Mary ah. Saan ang duty mo ngayong gabi?" Sambit ni Alyana kasama ang mga kaibigan niyang kadadating lang.
"Hay naku, may nakalimutan pala tayo noh? Sila yung mga daga sa buhay mo, Maey." Maarteng sambit ni Grace kaya literal na napa nga-nga si Alyana.
"Excuse Me? Anong sinabi mong daga." Iritang tanong ni Alyana kaya lumapit doon si Grace. Hindi ko na sya pinigilan dahil tinaasan niya ko ng kilay. Hinayaan ko si Grace sa maari niyang gagawin.
"Yung mga daga sa Cinderella diba kayo yun? Hay naku Alyana, mga kamag-anak mo hindi mo kilala? Grabe ka naman." Na lag-lag ang panga ni Alyana sa sinabi ni Grace. Humagik-ik ng tawa si Ivony kasama si Jessica at Erika. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang iyon.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...