Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasamahan ko dito sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at unang bumungad sakin ang malaking box sa gitna.
"Goodmorning Maey." ngiti sakin ni Ivony. Tumayo ako galing sa kama tsaka lumapit sa malaking box. Isang panibagong uniporme na naman?
Ngumiwi ako tska bumalik sa kama. Inayos ko ang kumot tska binaling ang tingin sa mga kaibigan kong may iilang ginagawa. Tumatawa sina Jessica at Grace habang may tinitignan sa cellphone.
Napailing ako sa tawa. Napagdesyonan kong kumuha ng damit at towel bago pumasok sa banyo. Naabotan ko si Erika na kakatapos lang ding maligo kaya agad akong nagtungo sa kabilang shower room.
Halos may naliligo sa bawat cubicle kaya napagdesyonan kong lumabas nalang.
"Oh? Tapos kana?" tanong sakin ni Ivony kaya umiling ako agad. Umupo ako sa kama habang humalumbaba. "Pwede kang maligo sa banyo sa ibaba, tutal wala namang naliligo dun kaya samahan na kita." agad akong napaisip sa sinabi ni Ivony.
Gusto ko naring maligo dahil medyo sumisikat narin ang araw at ramdam ko na ang init saking katawan.
Sinamahan ako ni Ivony sa ibaba. Pinihit ko ang pintoan at bumungad sakin ang limang shower room.
"Huwag muna akong samahan sa loob. Dito ka nalang sa labas maghintay." saad ko kay Ivony kaya tumango ito habang may kinakausap sa cellphone niya.
Hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan at hinayaang mabasa ng mainit na tubig ang aking balat. Ang sarap damdamin ng bawat patak ng tubig sa mukha ko. Tumingala ako habang nakapikit. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang nakita kagabi. Pangalawang beses na itong nangyari sakin at ayaw ko ng maulit pa iyon.
Minabuti kong linisin ang aking katawan.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintoan at bumungad sakin si Matteo na naka short habang may towel sa kaliwang balikat nito. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Agad kong niyakap ang aking sarili sabay ng pagtalikod niya.
Anong ginagawa niya dito?
"Bakit ka nandito? Nambubuso ka noh? Ahhhhhh!" sumigaw ako sa kahihiyan. Sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang bilis niyang nakalapit sakin. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang isang kamay.
Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Isinandal niya ako sa pader habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Nangi-nginig ang magkabila kong tuhod at nangi-nginit ang magkabila kong pisnge.
"Fuck.... Dont shout!" bagsak boses niya at dahan-dahan tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
Nag laban kami ng titig kaya halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong bato dahil sa naninigas ang katawan ko. Ang mapupungay niyang mata, ang matangos niyang ilong at ang hininga niyang amoy na amoy ko. Sobrang bango, napaka perpekto.
"Hindi mo ba alam na may naliligo dito?," una kong salita ngunit tinititigan niya lang ako sa mata.
"No one told me that this area is for girls only. You naked and fvck." mura niya tsaka nag-iwas ng tingin sakin. "What do you think are you doing huh? Everyone here will probably see your naked body, did you ever think that woman?" galit niyang sabi kaya mas lalo kong niyakap ang aking sarili.
Bakit sya nagagalit? Dapat ako ang nagagalit. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Malapit ng magkabang-ga ang ilong namin.
"Nakita mo ang katawan ko?" nginig kong tanong subalit ngumiti lang sya mula sa gilid ng kanyang labi.
"And what are you expecting for?" Asar niyang ngiti. Tinakpan ko ang dibdib ko sa isa kong kamay hanggang palapulsohan. Habang ang isa kong kamay naman ay nasa ibaba.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...