Beginning
"Nasa public place tayo, hoy!" natatawang pagbawal ko sa mga kaibigan na abala sa panonood ng explicit videos online.
Kanina pa napapatingin na sa amin ang iba rito sa coffee shop dahil sa mga ingay at nagiging usapan namin. Magkakalapit lang halos ang mga mesa kaya hindi maiwasan.
"Hindi ba makakapaghintay 'yan? Nakakahiya kayo!" tumawa si Yuli bago hinablot ang cellphone na pinagpapanoodan nina Sia, Gichi, Lia, at Olivione.
"Anak ng- paclimax na 'yon!" iritadong sambit ni Gichi sabay hampas sa mesa.
Siya ang may pakana no'ng panonood. Sa aming anim, siya rin ang may pinakamalawak na kaalaman tungkol kung anu-ano basta't bastos.
Muling napatingin samin ang ibang naka-dine in doon, ang iba'y mukhang natatawa, pero karamiha'y mukhang naiirita na sa ingay. Hinilamos ko ang mukha ko para mapigilang tumawa rin nang malakas. Nandito kami para sana magreview pero 'eto ang nangyayari.
"Tangina, walang pumapasok sa kukote ko!" pinanlisikan ko na sila ng tingin nang matapos ng ilang minuto, tumuloy na naman sila sa pag-iingay.
Sinipat ni Sia ang librong binabasa ko at nangasim ang mukha niya bago sumimsim ng kape.
"Pinoproblema mo 'yan? Makisaya ka nalang kasi samin!"
Hinilot ko nang bahagya ang sentido ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga equations sa libro. Kanina pa ako sa parteng 'yon at di na 'ko nakausad.
I took a look at my friends who are all now again, equally busy with their phones at sa tuwing may makikitang nakakatawa roon ay ipapakita sa isa't isa bago sabay-sabay na tatawa.
Sinarado ko na ang librong hawak at nagsimula nang magligpit ng mga notes na nakakalat sa lamesa namin. I should just go home, rest for a while, then continue recalling these fucking lessons.
"O, uuwi ka na?" natatawang baling ni Lia sakin.
Tatawa-tawa silang lima na parang kanina pa inaabangan ang pagsuko ko sa pagrereview. Palibhasa matatalino at may laman ang mga utak kahit hindi magbasa ng libro!
"Oh, shut up!" inirapan ko silang lahat bago tumayo at magmartsa palabas ng coffee shop.
Kahit na sa labas na 'ko, kita ko pa rin silang naghahagik-gikan. Natanaw ko pa si Gichi na tumayo mula sa loob, ang kaliwang kamay ay nakaporma ng pabilog habang ang kanan ay nagpapasok ng tatlong daliri roon. Hindi ko na napigilang matawa. I raised a middle finger, enough for all of them to burst out laughing.
Gustong-gusto ko pa sanang tumambay pero simula na ng exams bukas at wala pang pumapasok sa utak ko ni isa. Nakikinig naman ako kahit papaano tuwing discussion pero hindi ko talaga maretain. Leche.
Ito namang apat kong kaibigan, matatalino nga, pero bobo magturo. Puro kagaguhan lang din naman ang sasabihin kaya wala talaga 'kong choice kundi ang magself-study.
"Hi!"
Bumagal ang lakad ko nang mapansin ang lalaking bumati. There's no one else near us so I assume that it's me he's talking to?
Sporting a white shirt, black shorts, and branded slip-ons, tumaas ang isa kong kilay nang mapansing nakasandal siya sa pintuan ng kotse ko habang nakapamulsa at nakangisi.
Hindi ako sumagot pero nang lumapit ako'y lalong lumawak ang ngisi niya. Bahagya rin akong napapikit nang tinamaan ng sinag ng araw ang silver earring sa kanan niyang tainga.
"Your lips look lonely, wanna meet mine?" he asked playfully that I almost choked on my saliva.
Imbis na sumagot ay dinedma ko ang banat niya. Kahit ang totoo, gusto ko nang humalagapak sa tawa. Gwapo nga, pero ang cringey ng banatan! Mukhang fuck boy na kinakalawang na!
"Excuse me," pinatunog ko ang sasakyan ko kaya't napadiretso siya ng tayo.
His thick brows furrowed before looking at my car, then back at me. Something from his expression is telling me he's amused pero hindi niya kayang ibalandra 'yon.
I tilted my head a bit while looking straight to his eyes but he just wouldn't take the cue. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan ng sasakyan ko kaya hindi ako makapasok.
"As you can see, my lips are pretty plump. Feel free to use the same line on someone else, I promise I won't tell." I joked back.
His lips parted, and the ghost of smile plastered on his face earlier got swept off before he stepped back a bit- enough for me to finally open my car door.
Isang beses ko siyang pinasadahan ng tingin bago tuluyang pumasok sa driver's seat. Hindi naman siya mukhang pulubi o may saltik. Ano kayang trip ng lalaking 'to?
I started the engine at nang makalayo ay hindi ko naiwasang sipatin siya sa side mirror ko. I thought he'd be gone already but he remained standing there. May dalawang lalaki rin na lumapit sa kanya habang tumatawa pero nakatingin pa rin siya sa sasakyan kong papalayo.
Habang nagmamaneho at hanggang makarating sa bahay, bigla-bigla nalang akong natatawa. Wala dapat ako sa mood dahil sa dami ng dapat kong reviewhin pero 'eto ako parang kinikiliti ng multo dahil sa lalaking 'yon.
I can't get his cringey line off my brain! Ang laki ng katawan pero ang baho ng pinagsasasabi!
I burst out laughing again.
Made my day.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017