Business
Taliwas sa iniisip ko ang nangyari nang magkita-kita kaming magkakamag-anak, nang makita nilang may karga akong bata pagkapasok palang ng bahay.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga pinsan kong pinagkakaguluhan si Veyron na ngayo'y nakatawa na naman.
Pati ang mga tito't tita ko na malalaki ang ngisi. Ate Ruffa's also here... With her husband. Hindi ko na naman tuloy maiwasang mag-isip kung ano ba talaga ang mga nangyari noon.
Umakyat na muna ako sa kwarto ko para sana makapagpalit ng damit pero nang mapasok kong muli 'yon at natulala nalang ako sa isang gilid.
"Vei?"
Nabalik ako sa katinuan nang pumasok si Papa sa kwarto. Ngumiti siya sakin at isang maliit na ngiti lang ang naisukli ko doon.
"Bakit nandito ka? Are you okay?" aniya bago ako tabihan. I'm glad he didn't get furious when he saw Veyron.
"I'm fine, Pa..." niyakap ko siya. I'm feeling unusual about myself but I just really feel like doing this. Pakiramdam ko sobrang dami kong pagkukulang.
Napapikit ako at pilit na pinigilan ang mga luhang nagbabadya. Ilang sandali kaming natahimik bago siya ulit magsalita na lalong nagpangilid sa luha ko.
"You've grown into a lady... I'm proud of you, anak."
Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. This is the time to say this... personally.
"I'm sorry Papa... I'm sorry for disappointing you."
Hinagod niya likuran ko, "If you're talking about my grandson, then you're wrong. He's so handsome!" tumawa pa siya.
Kumalas na ako sa yakap. I forced a smile. I know he's been wanting to ask me questions... And now I can see in his eyes that he already figured everything out. Of course.
"What's your plan now?" nilagay niya ang buhok ko sa'king likuran, "Alam niya ba 'to?"
Umiling ako bilang sagot sa huli niyang tanong bago sagutin ang nauna, "May isang recording company sa Manila na nag-offer sakin Pa. Makakatulong 'yon sa pag-iipon ko."
"You don't have to save money for Veyron's future. I can handle that..."
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng anak ko.
"How's the company by the way?" tanong ko. Nangayayat si Papa at nagmukhang maluwag na sa kanya ang suot na puting polo shirt.
Tinanggal niya ang kanyang salamin at bahagyang hinilot ang ulo bago sumagot, "It's not in good condition. We lost the grip to the Escarcegas."
Bahagya akong natigil dahil sa pagbanggit niya ng apelyidong 'yon. Nanatili lamang akong tahimik at hinintay pa ang mga sasabihin niya.
"Pinlano namin ng mga tito mo noon na ipagkasundo si Ruffa sa isang Escarcega. Yun nga lang ay mali ang napili namin... Hindi pala dapat 'yong si Titus." umiling siya at binigyan ako ng isang apologetic look. Like he's sorry for business, and to me because he thinks about this special bond between me and Titus.
"What happened?"
"Atsaka lang namin nalaman na Garvan pala ang pangalan ng dapat na nilapitan ni Ruffa dahil 'yong si Titus ay walang balak sa negosyo. Pero pumayag ang batang Escarcega'ng 'yon sa pag-aakalang ikaw ang Celendrez na tinutukoy namin. At sobra ang naging galit niya nang malamang 'yong pinsan mo pala."
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Ficción GeneralBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017