◖Chapter Thirty-seven◗

176 5 0
                                    

Daddy

Tinapik ko ang pisngi ni Zionne para magising siya.

"Sleep in my room. Tatabi ako kay baby." sabi ko sa kanya.

"Okay, good night Vei. Magpahinga ka na. Hands off your laptop!" pabulong niyang sinabi para di magising si baby.

Tumango ako.

Zionne's the owner of the bar where I always sing kaya ayos lang na hindi ako nakakapag-gig paminsan-minsan para mas mapatuonan si Veyron.

Tumabi ako sa anak ko at inayos ang pagkakakumot sa kanya... Napapangiti ako habang hinahawakan ang mga kamay niyang maliliit na tanging namana niya sa'kin.

Nakatanggap ako ng text kay Gichi at bahagyang napatawa dahil nasa kabilang kwarto lang naman siya.

Gichi:

Don't forget my request. Good night Ei! *V card missing alert* Hahahaha kidding!


Ako:

If I know, laspag ka na dahil fucker ang boyfriend mo. :P

Agad siyang nakapag-reply sa text ko.


Gichi:

Wow! After hours, nakatanggap na rin ako ng kababuyang salita mula sayo. Hahahaha! I've been waiting for that!

Ako:

Shut up.


Gichi:

But no bulls, you've matured a lot. Sinong mag-aakala na kung sino pa ang pinakatibo sa'ting magbabarkada, siya pa'y mauunang magtino. :P


Ako:

Tibo pala, a? Manood ka na nga lang ng porn dyan.
( ̄_ ̄)凸


Gichi:

No need to remind me. Ginagawa ko talaga 'yan kapag magkaaway kami ni Phil. Namimiss ko e.(╥_╥)


Tuluyan na akong natawa kaya bahagyang naalimpungatan si Veyron na nagpatigil sa'kin.

Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi at noo para makabalik ulit sa pagtulog.

Naaalala ko pa nung una ko siyang nakita. That time when the nurse handed him to me... Sobra-sobra ang pag-iyak ko noon dahil sa saya. Naiisip ko si Mommy na ganoon rin siguro ang naramdaman noong una niya akong nakita at nakarga.

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang araw na 'yon sa kahit na anong araw ng buhay ko.

Even those hard times he let me experienced while he's inside my tummy...

Hindi naman ako naging mapili sa pagkain nang ipinagbubuntis ko si Veyron. Tanging inayawan ko lang ang pickles at nahilig ako sa ripe mango crepe. Pero sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko noon dahil malalakas ang sipang nagagawa niya.

Nakatulog ako ng mahimbing sa tabi ng anak ko pero maaga ring nagising dahil sa paglalaro niya sa mata ko. Hinahawakan niya ang pilikmata ko matapos ay hahalikan 'yon.

"Hmmm, baby, antok pa si mommy..." bulong ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

"Momma, yo laptop..." aniya na dahan-dahang nagpamulat sakin.

Tinuturo niya ang laptop ko na nakailaw at may tumatawag sa Skype... Nakalimutan kong nag-install nga pala ulit ako kagabi at naiwan ko 'yong nakabukas.

Kinarga ko si Veyron bago tignan kung sino ang tumatawag at kumalabog agad ang dibdib ko nang makitang ang pangalan ni Papa sa screen.

Alas kwatro palang ng madaling-araw dito kaya bale alas onse ng gabi doon.

Inayos ko ang buhok ko at nilapag sa mat ng kwarto si Veyron para mahayaan muna siyang maglaro doon.

I should take this slowly.

Nang sinagot ko ang tawag ay agad na bumungad sakin si Papa na seryosong nakatingin sa screen. Pero nang makita niya ako ay unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.

"Vei?"

Unang salita niya palang ay gusto ko nang maiyak. God, I missed my dad so much.

"Papa..." kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang nagbabadyang luha.

Tumingala siya at parang nagpipigil din ng luha.

After three years, ngayon nalang ulit kami magkakausap. Ang huli pa naming pagkikita ay hindi naging maganda.

"Where are you? Sobra-sobra ang pag-aalala ko sayo! Hindi ko na alam kung saan kita ipahahanap!" aniya na nagpangiti sakin... He cares. I was just too blind to see that.

"I'm in Qatar, Pa. I'm sorry..."

"Come back, anak. I need you here right now." aniya na nagpatigil sakin. He look stressed.

Why? What happened?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong personal kaming makapag-usap kaya walang pag-aalinlangan akong sumagot.

"Okay, Pa. I'll be home next week." ngumiti ako na nagpaaliwalas ng kanyang mukha.

"Oh God, thank you!" pasimple siyang nagpunas ng luha na para bang ayaw niyang makita ko 'yon. "I'll make it up to you Vei... I promise anak."

I have a lot of surprises to give and explaining to do... Sana ay matanggap ni Papa ang buhay na mayroon ako ngayon. Sana ay matanggap niya bilang apo ang anak ko.

Saglit lang din kaming nakapag-usap dahil sinabi kong magpahinga na siya. Hindi nalang din muna ako nagtanong ng kung ano-ano.

Sa ngayon ay gusto ko nalang umuwi sa Pilipinas agad dahil pakiramdam ko'y maraming nangyari habang wala ako.

Bumalik ako sa mat para buhatin si Veyron palabas ng kwarto. Kapag ganitong oras siyang nagising ay nanonood kami lagi ng Cartoon Network.

"Momma..." sumandal siya sakin habang nanonood kami ng tv kung saan magkasama si Steven Universe at ang tatay niya sa screen.

"Yes, baby?"

He pouted his lips bago nagsalita. Nagulat din ako nang makita ang kaonting luhang namumuo sa gilid ng mga mata niya bago muling ilipat ang tingin sa tv.

"Daddy?"

I froze.

Agad ko siyang inangat para maikandong ng maayos sa'king mga hita. Sumandal siya sa'king dibdib at dumikit sa mukha ko ang kanyang buhok na bahagyang nakataas.

A familiar feeling climbed onto me. It feels like Titus is resting on my chest.

Bahagya kong inalog ang ulo ko para mawala ang iniisip na 'yon. Crazy thoughts.

"Momma... daddy?" pag-ulit niya sa tanong.

And again, I'm lost for words. Tanging naisagot ko lang sa kanya ay ang yakap at halik ko sa kanyang ulo.

"You'll meet him someday, baby... I won't take that right away from you and your dad."

I smiled as I started hugging him tightly again.

This is the love that won't ever fade... a love of a mother. I'm sure of that.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon