No
"Mag-isa mo!" sambit ko sa kanya at agad na natawa.
Tuloy-tuloy ang pag-uusap namin na kadalasang nagpapatawa sakin...
I know he's trying to cheer me up. And he's not failing.
Dumating na ang mga inorder niyang pagkain na saksakan ng dami. Hindi ko nalang pinuna 'yon dahil gutom na din naman ako.
Una kong nilantakan 'yong Ripe Mango Crepe. It's so good!
"Feeling better?"
Nakasubo sakin ang kutsara nang bigla siyang magsalita. Magkasaklop na ang dalawa niyang kamay at nasa ilalim 'yon ng baba niya. His devil eyes looking tired.
"Yeah." I sincerely smiled, Thanks."
Nagpunas muna siya ng bibig gamit ang table napkin bago naman pumangalumbaba.
"Are you going to Bato Springs after this?" tanong niya.
"Bukas na siguro. My eyes are still..."
Mataman niya 'yong tinignan kaya nag-iwas ako ng tingin at di na naituloy yung sasabihin. Tinuloy ko nalang ang pag-kain. His eyes suddenly got intimidating to me. I find it only devilish but...
"So you're going home?"
I don't really know. I have no money, but if I do I'd choose to stay in a hotel for the mean time. I'll wait for Papa to leave.
Gusto ko sanang tanungin si Titus kung anong nangyari kanina noong iniwan ko silang dalawa ni Papa but I don't want to open up that topic again.
"I'll stay in my friend's house." I still have to ask them actually, and I pray one of them agrees.
Halos lahat kasi sila strict ang parents, even Gichi's. I no more want interviews from anybody but I have no choice.
Kuminang ang silver earring sa kanang tenga ni Titus kaya napatingin ako doon. Only to find out he's still looking at me intently with those brown creamy eyes.
Kanino kaya niya namana ang mga matang 'yan? Sa Tatay ba o sa Nanay? Sana ganyan nalang din ang mga mata ko... Well, minus the devil look of it. I don't know exactly what makes his devilish. Maybe the thick eyelashes and brows? It's devilishly attractive.
"You can stay in my house."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Noong una akala ko may halong kamanyakan 'yon pero hindi pala... He's pitying me. Obviously just pitying me.
"No, thanks." I don't need sympathies. I'm just down but I'll get up again in no time. I'm fine.
Alright. To be honest, my heart can finally recognize how good Titus is. But my brain still needs convincing, and it's like my soul needs more evidence.
Yes, I'm finally letting him pass through my walls. But that doesn't mean I'm giving in to him fully... I'm still scared of the possibilities. He's no different from Papa and it scares me.
Mabilis na lumipas ang mga araw para sakin. Doon ako tumutuloy kila Gichi ngayon, mabuti nalang talaga at pumayag yung parents niya. And since I got no choice, nalaman niya rin yung nangyari samin ni Papa.
[ Asan ka na? ] boses ni Titus sa kabilang linya.
"Nasa gate na 'ko."
Sakin halos lahat ng tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Siguro dahil di tulad nila, naka-civilian lang ako. Gichi insisted that I should borrow her uniforms though. Nahihiya na lang kasi talaga ako. Sobra sobra na yung tulong na binibigay niya.
And the other thing is, may dala akong pagkalaki-laking bouquet ng roses ngayon. Kaya talagang center of attention.
'Eto na yun. Sineryoso ko na talaga yung pagtulong kay Titus sa panliligaw niya kay Yuli. Nung nakaraang linggo nga puro ako ang sumasagsag para kunin yung malaking teddy bear na pinacustomize niya. Meron din yung tee shirt na pinagawa niya pa malapit sa Santuario na ako rin ang sumagsag para kunin.
Papunta ako ngayon sa likuran ng Canossa dahil doon sila magkikita ni Yuli.
Tinakbo ko na ang malaking distansya para mapabilis ang punta doon.
"Oh." sabay abot ko sa kanya nung mga bulaklak bago mapasalampak sa damuhan dahil sa sobrang hingal.
"You really are the best." ngumiti siya at bahagyang lumebel sa pagkakaupo ko para yumakap.
Ganito lagi ang eksena. Kapag nagagawa ko yung mga dapat siya ang gumagawa, lagi akong may yakap.
Hindi rin naman siya nagrereklamo sa mga sinasabi kong gawin niya kahit puro kakornihan 'yon. Mukha namang nagwo-work ang mga idea ko so far kaya worth it din. Not for Yuli but for Titus.
He's happy with this.
Kumalas siya sa yakap at ginulo ang buhok ko bago ako tapikin sa braso.
"She'll be here in no time..."
That's the sign.
Tumayo na ako at nagpagpag ng puwitan.
"Good luck." tango ko sa kanya bago maglakad palayo, pabalik sa mga building.
He'll ask Yuli for dinner, which I also arranged. That's with the roses. And during that dinner, tatanungin niya na kung pwede na ba siyang sagutin.
Huminto lang ako saglit para lingunin siya ulit doon sa ilalim ng malaking puno. Yuli's there now.
A smile plastered on his face while giving her the flowers I chose.
Saglit 'yong tinignan ni Yuli bago tanggapin. And right at that moment, Titus hugged her na akala mo sinagot na siya. He looks so happy. I'm not blind to not see that whenever he's with Yuli.
"No..." napailing ako sa sarili dahil sa bagong naramdaman habang nakatingin sa dalawa.
I tightly shut my eyes and right after I opened it, I was shocked when a tear fell.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017