Welcome
Abot langit ang kaba ko nang ihinto niya na ang sasakyan sa tapat ng kanilang malahiganteng bahay. May magagarang kotse na ring nakaparada roon na lalong nagpataas ng kaba ko.
Nakangisi si Titus nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Para bang natutuwa siya dahil sa kalagayan ko ngayon.
"Tumigil ka kung ayaw mong mapalitan ng pustiso 'yang nga ngipin mo." sabi ko na nagpatawa sa kanya.
Iginiya niya ako papasok sa loob ng malaki nilang bakuran. Kung tutuusin, parang hindi "bahay" ang tamang term na gamitin dahil sila na ata ang may pinakamalaking sakop ng lote dito sa Zenancielo Estates.
Sa labas palang ay naririnig ko na ang ilang pamilyar na boses. I'm excited and nervous at the same time. God, it's been three years.
Pagkatapak palang namin paloob sa pintuan ay unang una kong namataan ang lalaking may necklace with hanging "S" pendant. Slate. Talking and laughing with a girl. Marami sila sa loob pero siya talaga ang nakita ko agad.
"Oh! Vei Madisen Celendrez!" aniya nang makita rin ako. Inilapag niya sa mesa ang dalang wine bago iwan ang babaeng kaharap. Okay, I get it. Hindi pa rin siya seryoso ngayon.
Naramdaman ko ang kamay ni Titus sa bewang ko nang umambang yayakap si Slate sakin. Bahagya niya akong nilayo kaya itinaas ni Slate ang dalawang kamay bago natatawang umatras. Ngayon ko lang napansin na malaki ang pinagbago ng katawan niya. It's bulkier.
"Back off, Slate." utas ni Titus.
Umiling saming dalawa ang pinsan niya,
"After three years of longing, finally! Kayo rin naman pala sa huli, nag-hide and seek pa kayo." he laughed."Hindi kami." diretso kong sabi na parang trigger na na-pull dahil tumawa na naman.
Tinignan ko si Titus na malamig na ang ekspresyon habang tinitignan ako. Unti-unting bumaba ang kamay niya mula sa bewang ko at nag-iwas ng tingin.
Nakikita ko na ang iba pa niyang mga pinsan na papalapit na samin.
"Not yet, Slate." utas ko na nagpatigil sa tawa ni Slate.
Kinapa ko sa gilid ko ang kamay ni Titus para pagsiklupin ang mga daliri namin. Kita kong napatingin siya sakin pero diretso ang tingin ko sa mga papalapit.
"Good to see you again, Ate." ani Avis at lumapit sakin para bumeso. Ngiting-ngiti siya.
"It's good to see you too..." ngumiti rin ako. She's still beautiful, actually, more beautiful now. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang katawan kahit naka-sweatpants at simpleng tee shirt lang.
Lumipat ang tingin ko sa kakambal niyang si Ajax na nakatingin sa kamay naming dalawa ni Titus habang pinaglalaruan ang silver ring sa index finger niya. At sa unang pagkakataon, ngumiti siya sakin. Pare-parehas silang magkapatid nila Titus ng ngiti. Nga lang ay mas malademonyo ang dating kapag si Titus na.
"Nice to finally meet you. I'm Connor." naglahad siya ng kamay at tinanggap ko 'yon. Parehas sila ni Ellery na blonde na ang buhok ngayon pero mas mahaba itong kanya. Mukha siyang masungit pero natatabunan ng sobrang kagandahan. Speaking of Ellery, wala siya rito ngayon.
"You're too quiet." bulong ko kay Titus nang naglalakad na kami patungo sa pool kung nasaan ang parents nila. Kinakabahan na naman ako.
"I just love staring at you. Naiimagine ko na pag kinasal tayo... Lalong dadami ang magagandang lahi sa mundo dahil sa genes nating dalawa." seryoso niyang sinabi kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Napangisi siya dahil doon pero hindi natinag. Damn this guy.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Ficción GeneralBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017