It's about time
Sabado ngayon at napag-usapan naming magpipinsan kagabi na mag-ikot ikot tapos bukas ay pupunta kami sa Bato Springs.
"I think that'll look good on you. Wanna try?" tanong sakin ni Ate Ruffa habang nakatingin sa isang kulay itim at off shoulder na midriff dress.
Si Adam at Tomlin naman ay humiwalay muna samin para tumingin at mamili rin ng mga gusto nila.
"Wala rin akong pagsusuotan nyan Ate." pagdadahilan ko.
But the truth is, I don't like that one. Too much skin will show up kung isusuot ko 'yan. At unang-una, hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganyang damit.
"Don't you go to bars?" ngumisi siya, "That's perfect for a night out! We should go out later..." tumango-tango siya sa sariling sinabi bago ako hilahin papasok doon sa boutique na natipuhan niya.
Umupo lamang ako sa sofa doon habang pinapanood siyang paikot-ikot sa pagtingin ng mga sexy dresses.
"Omg, Vei. This would be perfect on you!" sabay pakita niya sakin ng isang maikling peplum skirt at crop halter top na parehong kulay pula.
Tumunog ang cellphone ko at si Gichi 'yon na tumatawag, "Wait lang Ate R."
Nginiwian ako ni Ate Ruffa bago tumango at sinabing bibilhin daw niya 'yon para sakin.
"Hello?"
[ Nagpunta si Yuli dito sa bahay! ] bungad niya sakin.
"So?" pumamewang ako habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone. What now?
[ She told me na makikipag-ayos na sana siya sa'yo pero nakita niya si Titus na bumababa ng bintana ng kwarto mo. She freaked out, really! ]
Hindi ako nakapagsalita.
[ I'm sure kaya siya absent kahapon dahil don. Lasing siya kanina... She called you names and you won't believe she showed me her boob para lang sabihin na nagalaw na siya ni Titus at hindi ka papatusin non dahil ang pangit mo raw. ]
Naiimagine ko ang pag-irap ni Gichi sa kabilang linya pero kahit ganon ay hindi ko mahanap ang tamang reaksyon na dapat ipakita.
Because I know I'm at fault. I should've let Titus go inside my room and worst, sleep there for a night from the very start. I'm at fault because I'm feeling something for a guy taken by my friend... Fuck.
"Hayaan mo na siya."
[ Are you kidding me? Baka magpakamatay 'yon! Nagalaw na pala e! ] mapait siyang tumawa at alam kong inis din dahil sa inasal ng kaibigan namin.
Gusto kong magreact sa kagustuhan ni Yuli'ng makipag-ayos sakin pero hindi makatakas sa utak ko na may nangyari na agad sa kanila ni Titus. It's been what? Wala pa ngang isang buwan mula nung naging sila a?
Hindi nalang ako sumagot pa sa huli niyang sinabi at imbis ay pinatay ko na ang tawag.
Papasok na sana ulit ako sa boutique nang mapadaan sa harapan ko ang isang grupo ng mga babae. Lahat sila'y nakatingin sakin na para bang isa akong joke na nakakatawa. Isa pa sa kanila ay ni-head to foot ako sabay ngiwi.
Saglit akong napatigil dahil doon. Kung normal lang na raw ito at may nakatanim sakin na pagkairita, isa-isa ko nang pinaghihiklat ang buhok ng mga 'yon pero hindi ko naman talaga sila masisisi.
Nandito kami sa mall at isang sweatpants at white loose tee shirt lang ang suot ko. Of course, maraming makakapansin sakin.
Dumiretso ako kay Ate Ruffa na nakaupo na sa sofa at hinihintay nalang 'yong paper bags ng mga pinamili niya.
"I bought it for you na ha? Punta tayo sa isang bar mamaya." aniya habang abala sa cellphone.
"Where can we buy pumps?" I asked.
Agad niya akong tiningala at kita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha. Is it that surprising?
Matapos namin doon ay hinila niya na agad ako sa isa pang boutique na sumisigaw ng mas mahal na mga presyo at tatak. Napili niya para sakin ang isang kulay itim na pumps. Hindi nalang din ako tumanggi doon.
"Let's get my hair fixed." anyaya ko ulit na siya na namang nagpatameme sa kanya. This makeover thing really excites her.
Binantayan niya ang bawat galaw ng baklang parlorista sa ginagawa sa buhok ko.
"Pantayin mo'ng maayos yung curls sa dulo." bilin niya pa habang nakapamewang sa likuran ko.
I decided to have my hair cut hanggang upper back na dati'y umaabot na sa taas ng pwet ko. Pinalagyan na rin ni Ate Ruffa ng big curls sa dulo na lalong nagpalabas ng volume nito.
Umiiling siya habang nakangiti at pinagmamasdan ako, "Marami kang palang paiiyakin na lalaki." tumawa siya.
Nasa tapat kami ng ice cream parlor na hinintuan namin ni Titus nung huli kaming gumala. Mapait akong napangisi nang makita 'yong couple na tumatawa habang nagsusubuan ng Rocky road ice cream. Nag-iwas ako ng tingin doon.
At nagtama ang tingin namin ng dalawa kong pinsan na lalaking awang-bibig na nakatingin sakin.
"We just left you two for hours and now..." umiling si Tomlin bago pitikin ang dulo ng buhok ko.
"Have a say on my powers Adam?" tanong ni Ate Ruffa kay Adam na nakangiti rin at mukhang di makapaniwala sa bago kong itsura.
"Your features are more defined now... God Vei, you could be any man's karma." tumawa siya bago ako kurutin sa pisngi.
About time for some change right?
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017