◖Chapter Seventeen◗

181 8 0
                                    

Let me

"Wala po talagang nangyari. Sa sofa lang po ako humiga. I'm sorry if I slept in your daughter's room." walang kabang paliwanag ni Titus pero binalewala na naman 'yon ni Papa dahil nasa akin pa rin ang buo niyang atensyon.

"You." dinuro niya ako, "Is this how your mom raised you?!"

At sa puntong 'yon, tuluyan nang uminit ang dugo ko.

Kinalas ko ang pagkakahawak ni Titus sa siko ko at hinarap si Papa. Tutal nasimulan na niyang makita akong masampal, patatapusin ko na rin.

"Don't you dare take mom into this." mariin kong sambit, "You don't have a say on anything she taught me."

Umamba na naman siyang sasampalin ako pero hinarap ko 'yon kaya napahinto siya.

"Sige, sampalin mo pa 'ko!" hinawakan ko ang kamay niya at pilit na idinikit sa pisngi ko.

"Dyan ka naman magaling diba? Ang manakit!" I sarcastically laughed, "Patayin mo nalang din ako!"

Kumunot ang noo niya sa huli kong sinabi.

What? Don't tell me hindi sumagi sa isip mo na sinisisi kita kung bakit wala na akong nanay ngayon? Fuck you!

"Ang lakas ng loob mong bumalik pa dito sa bahay a? Tapos ngayon sinasampal-sampal mo ako? Magaling!"

"Are you blaming me? Kung bakit namatay ang mommy mo?" di niya makapaniwalang tanong.

"Oo!" buong lakas kong sigaw, "Kung sana hindi ka nambabae ng nambabae, hindi siya inatake sa puso! The blame's all on you!"

Ramdam ko ang titig ni Titus sakin habang nagsasalita ako.

Pero kahit na ganito ang sitwasyon, I'm trying so hard not to cry... no, not in front of anybody.

"Kung sa tingin mo gumagaya ako sayo na kung sino sino ang kinakalantari, nagkakamali ka."

Parang nanghina si Papa dahil sa mga sinasabi ko.

Right, ganyan nga. Gusto ko magdusa ka. Gusto ko kahit papaano maramdaman mo lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sayo.

"Walang masamang itinuro sakin si Mommy kaya wag na wag mo siyang isasali sa kahit na anong usapan dito." umismid ako, "Talagang hindi ko lang alam kung paano makipagdeal sa isang kaibigang lalaki dahil hindi ko naman naranasang maging kaibigan ang sarili kong tatay."

"Nak..." pumungay ang mga mata niya sakin at kita ko ang pamumuo ng luha doon.

Tumawa ako.

"You left me in this house alone when she died." pinaalala ko sa kanya, "Hindi mo ba naisip na kailangan ko ng masasandalan? Nasaan ka noon? Nasa mga babae mo diba?"

"I'm sorry, anak..."

You're allowed to miss the people who were bullets to you but you're not allowed to let them shoot you again.

I always miss him during those days. I want to feel that I have a dad to lean on. But now that I've grown, he's just a bullet from the past. And I won't let him shoot me again. If I listen to his apologies, that's stupidity. So there is no way.

Umiling ako, "Just leave me alone. Umalis ka nalang ulit. I don't need you here."

Suot ang pambahay, lumabas ako ng kwarto at sumakay sa kotse ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta maneho lang ako ng maneho.

The tears won't stop rolling down my cheeks kaya naisipan kong ihinto na ang sasakyan sa lugar na walang katao tao.

Lumabas ako sa kotse nang nakahawak sa dibdib dahil hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak.

Ayaw ko namang tumuloy sa Bato Springs na ganito. Ayokong may nakakakita sakin kapag mahina ako.

I want to talk about what happened in my life years ago without mentioning how much it hurt. There has to be a way.

To at least care for the wounds without reopening them. To speak about the pain without inviting it back to me.

Pero sa ngayon, wala talaga akong ibang mapaglalabasan kundi ang sarili ko lang din. Siguro tinamaan na rin ako ng takot na magtiwala sa ibang tao. It seriously scares me.

Matagal na rin akong hindi umiiyak ng ganito katindi kaya pakiramdam ko bumalik na naman yung noon sa ngayon.

Sometimes I feel like spitting out my entire life's story to anyone whom I know can listen but fear always takes over.

And I hate it. Because I feel like I don't have the right to be brave and share a part of my heavy world to make it a bit easy to carry.

"I never thought it's possible to be next to somebody who's completely broken and not even notice it."

Hindi ko namalayan ang pagdating niya pero hindi ko rin 'yon pinansin.

Siya ang unang taong nakakita sakin sa isa sa mga pinakamababang punto ko sa buhay. Naiinis ako na natutuwa. I'm felt relieved na siya ang nandito ngayon.

Idiniin ko ang ulo ko sa'king mga tuhod dahil sa mga naiisip. Paano na naman ba 'ko nasundan ng lalaking 'to?

Pilit niyang inangat ang ulo ko at sa unang galaw palang, nagawa niya agad 'yon.

Blangko ang ekspresyon ng mukha niya ngayon at hindi ko mabasa ang kung anong naiiisip niya tungkol sakin ngayon.

You've seen a lot for today, Escarcega.

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas pa rin sa mga pisngi ko bago tabigin ang mga kamay niya.

"Your hands look heavy. Let me hold it for you..." aniya bago hitakin ang isa kong kamay kaya napadiretso na rin ako sa dibdib niya.

Naalala ko tuloy noong una kaming nagkakilala... ganyan na ganyan din halos ang linya niya.

What he said was supposed to be a joke para mapatawa niya ako pero lalo akong naiyak.

If letting him enter my world would be a lot to pay for, then be it. I just need a shoulder right now.





• • •

Next update? Di ko pa alam. But hopefully, this week kung di masyadong busy. :) Thanks for reading!

-simplyponchiie

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon