Slaps
Pagka-dismiss na pagka-dismiss sa amin ay umuwi na kaagad ako.
May napansin pa nga sila Gichi sakin pagkabalik ng room galing sa likod ng university.
"O, bakit namumutla ka?" pare-parehas nilang tanong na di ko rin naman nasagot.
I'm still stuck to the feeling. Combined happiness, forlorn, and edginess. It's driving me insane.
Sinubukan kong ituloy ang pagme-memorize pero wala ng pumapasok sa kukote ko hanggang sa makatulog nalang.
I tried to ignore the thoughts and the possibilities about what I felt towards Titus. That maybe I just hallucinated... Nasobrahan sa kape, ganun.
Nagising ako dahil sa naramdamang init sa'king kamay.
Agad akong napaupo nang makita si Titus na nakaupo na sa gilid ng kama ko at hawak-hawak 'yong notes ko para sa pagme-memorize. Kinuha niya ang mga 'yon sa kamay ko.
"Opps, sorry..." ngumiti siya, "I just can't sleep."
Napalunok ako at tinignan ang wall clock, alas dose na ng hating gabi. Nakalimutan ko na naman palang isarado ang bintana ng kwarto ko.
"Go back to sleep." aniya nang di ako kumibo.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-muscle tee, nike sweat shorts, at havaianas siya. Gulo-gulo rin ang buhok niya na talagang humaba na nga ngayon.
Umupo siya sa sofa at sinandal ang ulo doon. Mukhang inaantok na rin siya kaya hinagisan ko na ng isa sa mga unan ko.
Ganun pa rin ang timpla ng tingin ko sa kanya nang magsalita ako, "Matulog ka na rin."
"You're letting me sleep here?" di makapaniwalang tanong niya sakin.
"Tibo ako. No big deal." sambit ko bago humiga ulit.
'Yan nalang ang itatatak ko sa utak niya, pati sa utak ko... para wala ng usapan. Kasi kung ang tingin niya sakin tibo, hindi rin papasok sa kukote niya na pwede ko siyang magustuhan. At kung yun din ang iisipin ko, baka sakaling magkatotoo at hindi na ako makaramdam pa ng weirdong kung ano sa kanya. Maging tibo na nga lang sana ako.
Sandali akong nakaidlip ulit pero nang maalimpungatan ay tinignan ko siyang tahimik na nakahiga na sa sofa ng kwarto ko.
Lumapit ako doon at pumamewang sa harap niya. He looks cold kaya kumuha ako ng makapal na kumot sa cabinet at pinatong 'yon sa kanya bago patayin ulit ang ilaw.
"Hello? She's still asleep. Oo, ako 'to."
Nagising ako dahil sa boses ni Titus na mukhang may kausap sa cellphone.
Kinusot ko ang mata ko bago bumangon at bumungad siya sakin na wala ng suot sa pang-itaas. Hawak-hawak niya ang cellphone ko habang nakatingin sakin.
Tumayo ako at kinuha 'yon sa kanya.
"Oh, shit." napamura ako nang makitang si Gichi 'yon.
"H-Hello Gichi?"
[ You have a lot of explaining to do. Alam mo ba kung anong oras na ha? ]
Tinignan ko ang wall clock at panibagong mura na naman ang nasabi ko nang makitang alas nuebe na. Alas syete ang usapan namin ngayon, birthday nga pala ni Lia!
"Nasaan na kayo?" tanong ko at tinignan s Titus na nakapamewang ngayon habang nakatingin pa rin sakin.
Napalunok ako nang mapansin ang nakabalandra niyang katawan.
[ Bato Springs na! Sumunod ka nalang! Ikaw tangina mo ka, sinasabi ko na nga ba may nangyayari na sa inyo ni Titus e! Di ka man lang nagsh-share— ]
Pinatay ko na ang tawag dahil hindi rin ako makakapag-ayos kaagad kung kausap ko siya.
"Bakit di ka pa umuuwi?" baling ko kay Titus habang pilit na iniiwas ang tingin sa ibaba ng katawan niya.
"Sorry, I just woke up and was about to leave when one of your housemaids..." tinuro niya ang muscle tee'ng suot niya kagabi na natapunan ata ng kape.
May nangahas na namang umakyat dito sa kwarto ko? Aba.
Sunod-sunod na katok ang bumulabog samin kaya padarag ko ring binuksan 'yon.
Natigilan ako nang biglang pumasok si Papa sa loob at nadatnan si Titus na ibabalik na sana 'yong mga unan ko sa kama.
Akala ko magagalit siya kay Titus pero laking gulat ko nang bumalik siya para harapin ako.
And right at the moment, his big hand landed on my cheek.
Napatabingi ang ulo ko dahil sa lakas non.
"Kababae mong tao! Hindi ka na nahiya!" sigaw niya sakin. Napangiwi ako dahil sa naramdamang sakit sa pisngi na ewan ko kung sa pisngi nga lang ba.
"Wala pong nangyari." dumalo sakin si Titus at hinawakan niya ako sa siko.
Kita kong umiling si Papa, "I'm so disappointed in you Vei. Hindi ka ba nahihiya sakin?"
Hindi ba dapat kay Titus siya nagagalit? Dahil ako ang babae dito kaya dapat yung lalaki ang pag-aalburutohan niya... Taliwas pala sa iniisip ko.
Magsasalita palang sana ako nang maramdaman ko na naman ang isa niyang kamay na sumampal sakin.
"Malandi kang bata ka." aniya.
Seriously? Sa harap pa talaga ni Titus nangyayari 'to?
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Genel KurguBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017