◖Chapter Thirty-one◗

219 7 5
                                    

Medyo SPG.

• • •

Not dreaming

Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos na 'yong search for Mr. and Ms. Canossa College kung saan nanalo si Yuli. Matagal na ring nakauwi ang mga pinsan ko pabalik sa Nueva Ecija.

Nobyembre na ngayon at wala kaming pasok sa araw na 'to. Syempre dahil kanya-kanyang punta sa mga puntod halos lahat ng tao.

Naglakad ako patungo sa nag-iisang puntod na lagi kong pinupuntahan sa petsang ito. Maraming tao pero hindi ko kinailangang makipagsiksikan.

Hinahangin ang buhok kong mabilis na humaba agad at hinahawi ko 'yon. Nakasuot ako ng simpleng dress na kulay puti... Gulat noon si Gichi nang makita ang bago kong ayos, pati na rin ang iba ko pang mga kaibigan. Bukod kay Yuli na may galit sa akin.

"Now what? You're changing yourself for my boyfriend?" sarkastiko siyang tumawa matapos akong harangan sa field ng school.

"Not everything here is about Titus." kalmante kong sabi na lalo pa atang nagpaalab ng galit niya. She's paranoid and I won't blame her.

"Bitch!" singhal niya sa akin. Mabuti at walang ibang tao rito kundi paniguradong matatalo siya sa gaganaping pageant.

"Tapos ka na?" inip kong tanong nang tumigil sa kakasalita sa'kin, "Talk to your boyfriend. I no longer want to communicate with him but he's pretty persuasive..."

Ngumiwi siya at tatawagin na naman sana ako sa kung anong pangalan pero inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"Don't worry. I'm not going to betray you." not again.

"You already did! And I'm sure naikama ka na rin niya!" sigaw niya na naman.

Huminga ako ng malalim. This is tiring.

"Kung nag-sex nga kami, wala na sana kayo ngayon Yuli... Because I'll make sure that he'll be badly smitten by my touch kung may nangyari na nga."

Kita ko ang pagtigil niya dahil sa sinabi ko. Bago pa man siya ulit makapagsalita ng kung ano ay umalis na ako doon.

Till September, patuloy pa rin si Titus sa paglapit sakin. But eventually, he also stopped. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman doon.

Mula noong napag-usapan namin siya ni Ate Ruffa bago sila bumalik sa Nueva Ecija ay lalong lumaki ang dahilan ko para tuluyan na siyang iwasan. Mahirap pero pilit kong kinaya.

Mahirap dahil tuwing nakatitig sakin ang brown na brown niyang mga mata ay parang gusto ko nalang malusaw at bumigay agad. He's to good to be true, and to be resisted as well.

"I miss you, Ma..." bulong ko sa hangin bago ilapag ang dala kong mga bulaklak sa puntod ng aking ina.

"Malapit na po akong makagraduate. Sana nandito ka..." bumaba ang tingin ko sa aking suot na flats. Kasabay non ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

Sumalampak na ako sa damuhan para mapapantay sa puntod ni Mommy. Pinunasan ko ang pangalan niyang medyo nadumihan na.

"Do you like my new look?" pilit akong ngumiti, "I know you've been waiting for me to be like this... I'm sorry Ma."

Umihip muli ang malakas na hangin kaya hinawakan ko na ang buhok ko para ipirmis 'yon sa aking balikat.

"Now I know how it feels. Now I know why you stayed kahit nasasaktan ka ni Papa..." tumulo ang aking mga luha na di ko na napigilan.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon