Chapter 3

261 7 0
                                    

Follow

I sat there quietly. Dahil sa pagtanggap ni Yuli sa kamay ni Titus kanina ay na sa lamesa na namin ngayon ang mata ng halos lahat ng mga estudyante. 

Wala naman sanang kaso sa 'kin 'yon lalo't hindi naman ako ang nakipagkamay sa kanya. Pero kahit di kasi ako mag-angat ng tingin, ramdam ko ang mapanukso niyang titig sakin.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Pinsan mo pala si Garvan?" si Olivione na nakikisali na rin sa usapan.

Pinirmi ko ngayon ang mga mata ko sa lamesang iniwanan ni Titus. Naroon pa rin silang lahat at mukhang wala namang pakialam sa lalaking 'to. Bukod sa kapatid niyang kambal, may dalawang babae roon na puwede nang tumigil sa pag-aaral at magmodelo nalang. Sila 'yong palaging dumaraan sa hallways na talagang nagpapahinto sa mga lalaki. Kahit ako rin napapahinto, e. Katabi nila si Garvan, kilalang basketball player dito sa Canossa. At gaya ni Titus, halatang nagg-gym dahil sa pambihirang katawan. 

My lips twisted. Mukhang wala naman silang ibang lahi pero angat talaga sila kung titignan.

'Yong kapatid na babae ni Titus, sobrang amo ng mukha. Mahaba ang buhok niya at kahit hindi mag-ayos, para pa ring naka-makeup dahil sa natural na pamumula ng mga pisngi. 

Sunod na nagtagal ang tingin ko sa kambal no'ng lalaki. Mas maliit ang katawan niya kumpara kay Titus at mas maamo rin ang mukha. 'Di gaya ng mga nasa lamesa nila, abala siya sa pagbabasa habang kumakain nang tahimik. Malayong malayo rito sa asungot na kaharap ko na kung 'di mukhang gago kakangiti, mukha namang walang gagawing matino.

"Matunaw naman, 'oy!" siniko ako ni Gichi at nilingon din ang tinitignan ko.

"Gago." I laughed a bit.

Dahil doon ay napansin kong na mula sakin, lumipat ang mata ni Titus sa lamesa ng mga pinsan niya. At nang bumalik sakin ang tingin ay nakakunot na ang noo.

I raised a brow at him. 

Among his cousins, he really carries a heavier aura. I don't know if it's only me, but something about him screams menace. Even from our previous encounters, his hair's always messy and although he's not really smiling, he seems to always be thinking about things. 

"They're my friends by the way," ani Yuli sa kanya, "This is Gichi, Sia, Olivione, Lia..."

Patango-tango lang si Titus habang nakikinig sa pagbanggit niya ng bawat pangalan.

"...and Vei," Yuli continued. I saw how Titus' lips protruded at the mention of my name.

Without tearing his eyes off me, he said something that almost made me vomit. And for the second time! 

"Yuli... your lips look lonely, wanna meet mine?"

Kasabay ng paghagalpak ng mga kaibigan ko'y napapikit ako ng mariin. Binawi ko lang agad ang reaksyon na 'yon at nakisabay wari sa tawanan kahit ang totoo, mamamatay na ata ako sa pagka-cringe! Tanginang lalaki 'to! May saltik ata talaga!

"'Wag gano'n! Baka maihi si Yuli rito!" biro ni Lia na nagpalakas pa ng tawanan.

Yuli's cheeks are so red now. At hanggang sa na sa sasakyan ko na kami, para siyang nanaginip at pabigla-bigla nalang impit na titili.

"O, kilalanin mo muna ha. Nagkukulay kamatis ka na agad," biro ko sa kanya habang nagmamaneho.

Gaya ng pangako ko kahapon ay ihahatid ko siya ngayon. Mayaman naman 'to e, malay ko ba kung bakit ayaw pang magmaneho ng sariling kotse o di kaya'y maghire ng personal driver!

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon