◖Chapter Twenty-six◗

190 5 0
                                    

Bloodshot

Mataman niya akong tinignan matapos kong sabihin 'yon. Mukha siyang aso na inaaral pa ang bawat kilos ng bagong amo.

"Really? Then why do we have to cut the talking?" aniya.

Pumikit ako ng mariin, nagdadasal na sana ay iba ang ibig sabihin nito sa kanya. Nang dumilat ako ay kunot-noo na siyang nakatingin sakin.

Why do I have to like him anyway? Why him?

"Hindi ka ba natatakot na i-break ni Yuli? You know we're not in good terms Titus." huminga ako ng malalim, "You think me and you hanging out would be good for your relationship? No."

Umangat ang gilid ng kanyang labi bago sumandal sa bintana.

"That's it?" he laughed sarcastically, "Well then I guess I have to tell you that I don't care."

He don't care? Sa mga sinasabi ko o kung makipagbreak sa kanya si Yuli? God, he's such a big question to me.

Napilitan akong tumayo para isindi ang aircon ng kwarto.

"Isasara ko na ang bintana. You should go now." nag-iwas ako ng tingin sa brown na brown niyang mga mata at kunwari'y inabala ang sarili sa cellphone.

May iilang text doon si Gichi na mamaya ko nalang siguro babasahin.

"You're pushing me away again." sa malamig na tono niyang sinabi.

Hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa umupo na ako ulit sa kama. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa paanan niya habang hinihintay siyang gumalaw para umalis pero mukhang wala talagang plano.

Naputol lang ang katahimikan namin nang kumatok si Adam sa pintuan ko.

"Vei, I can't sleep. Can I watch a movie here in your room?" dinig kong sabi niya.

Nanlamig ako sa di malamang dahilan. Para akong kinabahan dahil sa presensya ni Adam ngayong nandito si Titus.

"Ano pang ginagawa niyan dito?" mariin ang bawat pagbitiw niya ng salita habang ramdam ko ang titig niyang nanunusok.

Tumayo na ako at agad siyang hinawakan sa braso, nagtama ang mga tingin namin at para siyang napaso.

"Umuwi ka na."

"I want to sleep here."

Mariin na naman akong napapikit. I think I should read ways of resisting someone. This is getting harder.

Pinilit ko ang sarili kong ilingan siya doon.

Sa huli, umalis din siya at agad kong binuksan ang kwarto ko para papasukin ang pinsan kong si Adam na gustong manood ng movie.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sakit ng leeg nang bumiling ako.

Nakatulog ako sa sofa at si Adam naman ay ganoon din. Nakaakbay ang braso niya sakin kaya malamang masakit din ang mararamdaman nito mamaya.

Hinayaan ko nalang siya doon at dumiretso na ako sa banyo para maligo at gumayak.

Minu-minuto pa nga akong natitigil at napapatulala habang bumubuhos ang tubig ng shower. Lumilitaw sa utak ko ang mukha ni Titus kagabi.

Damn it.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako agad. Binalot ng mabangong amoy ng crab and corn soup ang ilong ko kaya naglakad ako patungong kitchen.

Ate Ruffa's with her pull over shirt and white denim shorts... That ex-boyfriend of her probably is a big jerk for letting this cousin of mine go. Tunganga.

"Good morning V!" bati niya sakin, "Kain ka na."

"Tulog pa rin si Adam sa kwarto mo?" tanong niya habang nilalapag ang bowl ng soup sa harap ko, "Yup." sagot ko naman.

Nagkaroon pa kami ng maikling kwentuhan bago dumalo si Tomlin sa hapag na sinundan din agad ni Adam.

"I'll drive you to school." aniya habang hinihilot ang batok. Ang bilis niyang kumilos, nakaligo na agad.

Pumayag naman ako syempre. Sumama na rin si Tomlin at nagpaiwan naman si Ate Ruffa dahil magj-jogging daw siya.

"Anong oras ang uwi mo? We'll fetch you." ani Tomlin nang makalabas ako sa Fortuner ni Adam.

"Five-thirty." sagot ko habang hinahagilap ng cellphone sa bag.

"Okay. Five-thirty then." tango ni Adam bago inilabas ang ulo niya para halikan ako sa pisngi. He's my sweetest guy cousin I must admit. Normal nalang sa kanya ang paghalik sa ulo o pisngi kahit noon pa man.

Abala ako sa pag-scroll ng mga text ni Gichi na sumabog kagabi at ngayong umaga habang naglalakad.

Pero hindi ko na 'yon natuloy nang matapat ako sa room at agad niya akong hinila sa braso.

"Ikaw gaga ka! May boyfriend ka na ba, ha?" sita niya sakin habang nakahalukipkip.

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ng tingin ang mga text niya na puro ganoon nga rin ang laman.

"Answer me, hey!" she snapped.

"What are you talking about?"

Baliw na siya. Baka nasobrahan sa porn kagabi o di kaya'y ngayong umaga kaya kung ano ano na naman ang tinatanong.

"Sige nga!" kinapkap niya ang kanyang cellphone sa bulsa at hinarap 'yon sakin, "Explain this!"

Bumungad sakin ang picture ko at ni Adam na magkatabing natutulog sa sofa. It was uploaded by Ate Ruffa at naka-tag ako doon. Kagabi pa niya pinost.

Ruffa Celendrez Abrejas:

They missed each other so much and stayed up late for a movie, ended this wasted. <3

Mahigit two hundred ang naglike at fifty-eight naman ang comments.

Saktong namataan kong pumasok si Titus sa room at bukod doon ay kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ang bloodshot niyang mga matang sakin kaagad nakadirekta.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon