Chapter 7

203 8 0
                                    

Shot

Sa lalim ng tulog ko, pagkagising ko kinabukasan ay para akong may hangover. Imbis na maging masigla, pakiramdam ko mas bumigat pa ang pakiramdam ko dahil hapon na 'ko nagising.

Remnants of last night then started lingering in my system. Agad akong bumangon para tignan ang buong kwarto ko. Ang malaking bintana ng kwarto ko ay nakasarado na ngayon. Pumikit ako nang mariin sa bigat na nararamdaman.

I wasn't dreaming, was I? Titus was here. And he mentioned... courting. He'd like me to show him how to do it. I smirked at the thought. Unbelievable. 

Why would he ask me that in the first place? He has male cousins who, without a doubt, can provide better advise than I can. They appear to be indifferent about serious relationships, but still, they must be greater advisors than me!

"Ma'am... pinatatawag na po kayo ng Papa niyo para magtanghalian," kumatok ang isa sa mga kasambahay namin sa pintuan ng kwarto ko. 

Ito na ang pinakamatagal na stay ni Papa rito sa bahay. Ilang araw palang siya rito pero pakiramdam ko isang linggo o higit na. No'ng nakaraan ay sa tawag lang, a? Ngayon nagpapaakyat na rin ng kakatok sakin dito sa kwarto?

Binuksan ko ang pintuan ko para sabihan ang kasambahay namin. Hindi na siya 'yong kagabi pero bakas din sa mukha niya ang pagiging kabado na makipag-usap sakin.

"Paakyat nalang ho ako ng tanghalian ko rito kung ayos lang..." 

Isang mata ko lang ang dilat dahil ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Gusto kong humiga maghapon. Malayo pa naman ang monthly period ko pero para na akong nalalantang gulay!

"Pero sabi po ni Sir-"

"Bababa nalang ho ako kapag nagutom na," sabi ko nang matantong hindi yata susundin ang sinabi ko. May pagkain pa naman sa mini fridge ko pero masarap din sana ang mainit na sabaw ngayon, "Thank you."

Naubos ang kalahating araw ko na na sa kama lang. Hindi ako nakakatulog pero para rin akong nare-recharge dahil sa hindi paggalaw. Umiikot lang nang umiikot ang utak ko sa mga nangyayari nitong nakaraang araw. 

I suddenly miss Mom. She'd be here on days like this. And if only she's still here, I would have someone to talk to about everything... I won't be this overwhelmed.

It's five in the afternoon when one of our househelpers went to my room again. 

"Ma'am, binilin ho ni Sir na pababain kayo para kumain ng hapunan..." anito.

Mula sa pintuan ay naglakad ako pabalik sa kama para ayusin saglit 'yon. Gusto kong punahin na ang aga pa para sa hapunan pero gutom na rin ako at ayaw kong parusahan pa lalo ang sarili sa pagkain ng malamig na pagkain kaya napagdesisyunan kong bumaba na.

"He went somewhere?" I asked, kahit pa halata na 'yon sa una niyang sinabi.

"Oho, ma'am," napangiti ako ro'n, "May bisita rin ho pala kayo sa ibaba, ang Papa niyo na ho ang tumanggap bago siya umalis kani-kanina lang."

Natigil ako sa ginagawa. Nilingon ko ang kasambahay at napansin ang saglit na pagdaan ng kaba sa mukha niya dahil sa sama ng titig ko, "Sino na naman?"

Bago pa siya makasagot ay sumungaw na ang ulo ni Titus sa pintuan ko.

"Good afternoon, Miss!" He cheerily greeted.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon