Yes
Inayos ko ang suot kong peplum dress bago magsimulang maglakad papasok sa building na pagtatrabahuhan ko.
Siguro nga ito na talaga 'yon. I can't escape him, anyway. I can't keep the secrets forever. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang magpakapormal sa harap niya at mag-ipon ng lakas ng loob kung sakali mang dumating na yung araw na malalaman niya na lahat.
Bumisita ako sa bahay ni Papa kahapon para makita si Veyron. He seems so fond of that place. Parang nasanay na siya kaagad.
"Good morning, Ma'am! How may I help you?" salubong sa'kin ng isang babaeng may maikling buhok at siksik ang dibdib. She's too hot for an employee.
"May I know where the office of Mr. Titus Escarcega is?" I smiled. Kasabay noon ang pagkunot ng kanyang noo at pag- head to foot sakin.
Hindi na siya kumibo at iginiya na lamang ako sa elevator para mapuntahan namin ang tamang floor.
Sobra-sobra ang pagkalabog ng dibdib ko nang matanaw ang pintuang kulay itim. It's obviously his dahil ito ang pinakakakaibang pintuan kumpara sa mga nadaanan ko.
"In case of any problem, nandito lang po ako sa labas Ma'am." aniya bago tumalikod at hinintay ang pagpasok ko roon.
Marahan akong kumatok bago pihitin ang doorknob. Pakiramdam ko ay may lalabas nang kabayo sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito.
Bumungad sakin ang tahimik na kwarto. Wala namang tao doon kaya umupo muna ako sa sofa na malapit sa table kung saan may "Titus Ajeon Escarcega" na nakalagay para maghintay.
Napatagal ang titig ko roon. He really is successful now. Very much.
Mukhang may cr pa dito dahil may papasukan ka pa sa bandang kaliwa. Baka nandoon siya.
The thought of me seeing him again makes me shiver... Seriously.
Tumindig ang balahibo ko nang makita ang isang babae na lumabas doon. Siksik ng laman ang katawan niya na tama lamang para maipakita ang tamang mga kurba. She's fixing her clothes, gusot-gusot 'yon.
Pinagtaasan niya ako ng kilay at kasabay non ang paglabas ng taong hinihintay ko mula rin sa cr na nilabasan niya.
Ilang mura ang naiisip kong ilabas dahil nag-aayos din si Titus ng kanyang damit na medyo lukot na. Tumriple ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa pagtitig pa lamang sa kanya.
His body got bulkier, his hair on a clean but cool cut but is messy right now, and that fucking silver earring that makes him look like an asshole... a goddamn good looking asshole.
Ramdam na ramdam ko ang lamig sa'king tyan habang nakikita silang magkalapit no'ng babae. Nang lumipat ang tingin niya sakin ay tumayo ako at nag-iwas ng tingin. Pero hindi tumakas sa mata ko ang pagkagulat niya sa presensya ko.
"I'll just go back tomorrow or maybe later..." sabi ko pero bago pa man makaalis doon ay hinila niya na 'yong babae palabas ng kwarto.
"What the hell?" sabi pa no'ng babae bago tuluyang maisara ni Titus ang pintuan. Nang bumaling siya sa'kin ay tsaka ko palang siya natitigan sa mata. It shows nothing but coldness and unknown feelings.
"Sit." aniya sa isang mariing boses na para bang nagdikta sakin na gawin nga 'yon... at lahat pa ng gusto niyang iutos.
Umupo siya sa swivel chair ng katapat ng inuupuan kong sofa. Mataman niya akong tinignan pero pinilit ko ang sarili kong wag mag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017