Tears
"Wow, ma'am! Lalo kang gumanda sa gupit mo!" lumabas ang ulo ni Yaring sa bintana ng sasakyan habang tinatanaw ako.
"Madisen, wait!"
Nilingon ko ang tumawag sakin. Akala ko ba magpapagupit siya?
Huminto talaga ako sa paglalakad hanggang sa maabutan niya ako.
Hindi ko dapat kalimutan na nakita niya na si Veyron kanina. And we probably should talk about it. I don't know, but it feels like the right time just came.
"Are you free tonight?" tanong niya nang tuluyan nang makalapit sakin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya. His hair is still like that, his eyes still so attractive, and his jaw just got more evident.
Napalunok pa ako bago tumango sa tanong niya.
"Great! So, I'll fetch you two later? Saan ba kayo-"
"No need. Just text me where and what time." sabi ko.
Napakamot siya sa batok na para bang nahihiya siya sakin.
"Okay, then..." nilingon niya ang sasakyan namin, "Is he asleep?"
Tumango ako, "Uuwi na muna kami."
Kahit nagsalita na ako ay nanatili pa rin ang mata niya sa sasakyan kung nasaan ang anak namin.
May mainit na humawak sa puso ko nang mapansing namumungay ang mga mata niya. Damn!
"I'm giving you a chance with Veyron, Titus. Sana 'wag mong sayangin."
Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Para bang ang bigat-bigat sa pakiramdam dahil sa tingin ko sobra siyang nasasabik na hawakan at makasama yung anak namin.
Siguro yung saming dalawa, hindi na talaga mabibigyan ng pagkakataon. Pero hindi ko ipagkakait sa kanya si Veyron dahil lang nasaktan ako.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nasasagot ang mga tanong ko sa kanya. And I don't know if I should ask him all that for closure at least dahil natatakot ako sa mga maaari niyang isagot.
Binuhat ko si Veyron paakyat sa kwarto at lumabas din agad para makapagshower.
Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko si Yaring na nagpupunas ng lababo.
"Yaring magluto ka nalang ng kakainin mo at lalabas kami ni Veyron mamaya."
Nilingon niya ako, "Sige po ma'am."
Saglit akong nagbabad sa loob ng banyo. Nakakapanibago rin sa pakiramdam na ang gaan ng ulo ko ngayon dahil umiksi yung buhok ko.
Lalabas na sana ako nang maalala ko bigla yung sinabi ni Titus kanina dahilan para mapaharap ako sa salamin. Hotter daw?
Pinasadahan ko ang buhok kong sumasalat nalang ngayon sa balikat ko. And for a minute, I found myself half smiling.
Tinampal ko ang sarili ko bago tuluyang lumabas.
"Tang ina talaga 'yang kalandian mo e hano Vei? Kailan yan mawawala ha?" bulong-bulong ko.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Ficción GeneralBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017