Handa ako
Alas diyes na ng gabi nang matapos ko ang paggawa ng diagrams no'ng mga folders na pinaayos ni 'Sir' Titus. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik dito sa opisina. Kaya yung binili kong lunch sana niya kanina ay nanatili lang na nasa mesa niya.
Natulala pa ako saglit doon. Alam niya na pala na may anak ako. Pero hindi niya alam na siya ang tatay. I should ask Gichi about this.
Inayos ko na ang mga gamit ko para makalabas na ng building. Nilugay ko ang buhok kong maghapong nakatali at inihip 'yon ng malakas na hangin paglabas ko palang.
Tiningala ko ang mataas na building na pag-aari ni Titus Ajeon A. Escarcega. Hindi ba delikado ang ganitong klaseng negosyo? Ngayon ko lang naisip yun, a.
Sinakyan ko na ang kotse ko para pumunta muna sa Starbucks. Kanina sa pagpasok sa opisina ay nagtaxi lang ako. Mabuti't hindi niya talaga ako sinundo sa bahay...
Tahimik akong nakaupo sa mesa sa labas ng shop. Nakasaksak ang earphones sa magkabila kong tenga habang sumisimsim ako ng kape.
"From the way you smile
To the way you look
You capture me
Unlike no other." pagsabay ko sa kanta.Kung tanggapin ko na kaya 'yong offer sa Manila? Tutal ay di naman siguro aabot ng dalawang buwan para makuha ang advertisement.
"So don't ever think I need more,
I've got the one to live for
No one else will do
And I'm telling you-"Natigil ako sa pagkanta nang mamataan ang isang babaeng pamilyar. Nakangiti siya sakin at bumaling saglit sa kasama niyang lalaki para malapitan ako.
I removed my earphones when she's already in front of me with her hand asking for a shake. Tinanggap ko 'yon at agad namang siyang umupo sa katapat kong upuan.
"So..." bahagya siyang tumawa, "I'm not sure if you know me. I'm Ellery Escarcega by the way."
Hindi maipagkakaila 'yon dahil sa physical features niya palang ay bakas na ang kagandahan. Di tulad no'ng huli ko siyang nakita, her medium length hair is now blonde.
"Yes. I know you." ngumiti ako sa kanya. Bakit niya kaya ako nilapitan?
"I heard you're working for T? I'm here to thank you for that..." tumango-tango siya habang malaki pa rin ang ngisi. Perfect set of whites.
Hindi na ako nagtaka na alam niya ang tungkol doon. Of course, they're cousins... Pero bat siya nagth-thank you? At nasaan na kaya sila Slate at Peyton? I have to many questions in mind.
"Uh, sila Slate? Kumusta na?" tanong ko. Sana lang ay hindi niya isipin na masyado akong feeling close. I'm just curious.
"Oh. Slate's abroad with her sister Connor. They'll be back maybe next month. My brother Peyton, well, busy dahil ga-graduona siya this year." aniya, "By the way, kumusta ang trabaho?" bumalik ang mapanuri niyang ngisi.
Oo nga pala. Nung fourth year college ako, first year college palang si Peyton. He surely is the youngest of them.
"Ayos lang." hilaw akong ngumiti. Sinungaling na nga ata talaga ako.
Tumango siya, "I'm really glad you're back. Sayang at ngayon lang kita nalapitan. I was trying to when we were still in college pero ayaw ni Titus at baka ipakilala ka raw namin sa mga friends naming lalaki ni Connor. Protective."
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Tiểu Thuyết ChungBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017