You with me always
"By the way, you won't go to the office tomorrow..."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya mula sa cellphone. Wag niyang sabihin na hindi ko na rin kailangang pumasok araw-araw? Aba.
"At bakit?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumisi naman siya.
"It's my parents' anniversary. Uuwi sila bukas from California."
Natigilan ako. Ano bang pinaplano ng lalaking 'to? Ni hindi pa nga ako nakakatungtong ng isang beses sa loob ng bahay nila tapos bibiglain niya 'ko sa ganito? Come on, we all know what he aims to do!
Inabot niya ang isa kong kamay habang nagmamaneho. Pinagsiklop niya 'yon bago ulit bumaling sa daan.
"Hindi sila nangangagat, don't worry." humalakhak siya kaya hinampas ko na sa braso.
"A-Anong gagawin ko doon? Ikaw nalang. Tsaka puro Escarcega panigurado ang nandon-"
"Magiging Escarcega ka na rin naman." seryoso niyang sabi at isang beses akong pinasadahan ng tingin bago ulit bumaling sa kalsada.
Nangyayari ba talaga 'to? Parang kahapon lang tarantado pa 'to e. Napaisip tuloy ako kung napakilala niya ba si Yuli noon sa mga parents niya o nakapasok na ba yun sa bahay nila? Ano kayang nagustuhan ni Titus sakin? Batay sa mga sinabi niya, baliw na siya sakin three years ago... Paanong tumagal 'yon hanggang ngayon? Posible bang magbago agad-agad ang taong tulad niya?
I mean, ilang buwan palang kaming magkakilala noon at nahulog siya agad sakin? He's a daredevil... reckless and daring. How was it possible for him to fall for someone as bitter as me? Kung sabagay, ako nga na tinaga sa batong hindi magkakagusto sa isang tulad niya, nahulog. Ganun lang din siguro sa kanya.
Ilang sandali akong tahimik hanggang sa makarating na kami sa bahay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero nanatili siya doon kaya hindi na naman ako makababa.
"Kinakabahan ka." matama niyang sinabi bago humalakhak, "Don't be. Besides, kahit 'yong mga pinsan ko dadalhin din ang girlfriends nila."
"Sila Slate? Akala ko next month pa sila uuwi?" tanong ko. Tumaas naman ang isa niyang kilay at madilim akong tinignan.
"Uh, nagkausap kasi kami ni Ellery sa Starbucks nung gabing-"
"Pinakilala ka ba niya sa mga lalaki?" lalong tumaas ang kilay niya at kumunot na rin ang noo. Umiling naman ako. Totoo nga ang sinabi ni Ellery sakin...
"Good. So, tomorrow okay?" aniya.
"Hindi mo naman ako girlfriend kaya bakit dadalhin mo ako doon?" inirapan ko siya. Wala pa nga kaming label! Hinalikan niya na ko't lahat pero hanggang dun palang. Wala na siyang ibang sinabi.
Busangot ako habang nakatitig sa silver niyang hikaw sa kanang tenga. Tagos ang tingin niya sakin kaya hindi ko siya magawang tignan sa mata.
Umawang ang bibig ko nang sinandal niya ang kanyang ulo sa'king balikat bago bumulong.
"I have to court you first. When you say yes, pakakasalan kita agad. We don't need to step on the boyfriend-girlfriend stage, you know... But for now, I'll do the things my Venus deserves." ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017