◖Chapter Forty-seven◗

192 6 2
                                    

So much like you

Kumawala ang isang hikbi sakin nang tumigil siya sa paghalik. Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Marahas ko 'yong pinunasan at binaba ko ang tingin ko sa'king suot na takong. Pakiramdam ko hindi ko na siya kayang tignan ulit...

"Umuwi ka na." sabi ko at tinuloy-tuloy na ang lakad papasok ng bahay. Nanginginig kong sinaksak ang susi doon.

Hindi pa umaalis ang sasakyan niya kaya hindi matanggal ang kaba ko. Narinig ko ang pagbukas ng gate pero imbis na lingunin 'yon ay mabilis akong pumasok at sinarado agad ang pinto.

Kinabukasan ay mugto ang mga mata ko, late rin akong nagising. Hindi pa rin natatanggal sa sistema ko ang nangyari kagabi pero pinilit ko pa ring pumasok. Ayaw kong isipin ni Sir Titus na masyado akong nagpaapekto roon.

"Good morning, Vei!" bati ni Gretchen sakin nang masalubong niya ako. She's that employee from the first time I stepped here. Nginitian ko siya at bumati pabalik.

Ngunit abot langit na naman ang kaba ko habang papasok sa opisina ni Sir Titus. Nang pumasok ako doon ay naabutan ko ang isang babaeng nasa likuran niya at minamasahe ang kanyang sentido. Maikli ang buhok nito at chinita.

Bumaling sakin si Sir Titus at agad na ginalaw ang ulo kaya nalaglag ang kamay no'ng babae. Inalala ko pa kung saan ko siya nakita... Ah! I remember it now.

"Good morning Ma'am, Sir!" bati ko sa kanila bago dumiretso sa sofa na lagi kong inuupuan.

"Why aren't you going out with me these past few days?" malambing na sabi noong babae sa kanya at pinagpatuloy muli ang pagmasahe. Di man lang ngumiti sakin. Feeling. Wala namang dede.

Nag-iwas ako ng tingin. Dahil nakatingin sakin si Sir Titus at dahil nakakawalang ganang magtrabaho ang ayos nilang dalawa.

"I'm busy, Jesy. You should go home." malamig na utas ni Sir Titus. Tumayo siya at naglakad para buksan ang pintuan ng kwarto.

Padabog na tumungo roon si 'Jesy'. Her heels making a heavy and irritating sound. Lumabas sila pareho at napairap nalang ako sa hangin. Siguro girlfriend niya na 'yon.

Ilang sandali lang ay pumasok na siyang muli. Nakaramdam na naman tuloy ako ng pagkailang kaya hinarap ko nalang ang laptop ko.

"Uh, about last night. I'm-"

"Coffee, Sir?" malamig kong sabi para maputol ang sasabihin niya. I don't wanna talk about it.

Nagtama ang tingin naming dalawa at kita ko ang kanyang mga bloodshot na mata. Masuyo ang tingin niya sakin pero pinanatili kong malamig ang ekspresyon ko. I don't know, but I also feel like being cold right now.

"Let's talk." aniya.

Hindi ako gumalaw at hindi rin ako nagsalita. Sa tingin ko'y mas lalong nadagdagan ang pagod na nararamdaman ko sa lahat ng ito.

Mariin siyang pumikit bago ulit magsalita, "Just this once and I won't ask anything anymore."

Sinarado ko ang laptop ko para maayos siyang maharap. Marami akong nakikitang iba sa mga mata niya ngayon. But I really just feel like being cold.

"Three years ago, why did-"

"Talaga bang pag-uusapan natin 'to? Bakit pa? Tapos na 'yon." matabang kong sabi.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon