◖Chapter Thirteen◗

196 6 3
                                    

Biggest K

"Saan ka nakatira Ate?" tanong niya nang makalabas kami ng bahay nila. Tinulungan ko na kasi siyang ipasok si Titus dahil ang gago, sa sobrang ganda ng katawan, sobrang bigat din.

"Wag mo na 'kong tawaging ate." tumawa ako, "Sa Bien Estates ako."

"Okay, Vei." aniya at ngumiti nang makalabas na kami sa Zenancielo.

Hindi na gaanong traffic kaya hindi rin kami natagalan sa daan. Bukod doon ay mabilis magpatakbo ng sasakyan si Avis.

"What are they doing here?" dinig kong sabi niya nang makahinto ang sasakyan sa gilid ng bahay namin.

Tinignan ko ang tinitignan niya at nandoon si Slate at Peyton. Mukhang kanina pa nila ako hinihintay dahil pareho na silang nakaupo sa semento ngayon. Yung kotse ko naman ay maayos na nakapark sa kabilang gilid ng bahay.

Tumayo silang dalawa nang sabay kaming lumabas ng Gallardo.

"O, Avis, bakit nandito ka?" tanong ni Peyton. Ganun din ang bungad ni Slate bago binigay sakin ang susi. Naalala kong hindi nga pala ito ang unang beses na napunta si Avis dito.

Nag-iba ang ekspresyon ni Avis pagdating sa kanilang dalawa, kung kanina'y ngumingiti pa siya sakin ay kunot noo nalang siya ngayon sa mga pinsan.

"Alam ba ni Kuya'ng nandito kayo?"

Tumingin sakin 'yong dalawa, "Where is he, anyway?" ani Peyton.

"Lasing. Nasa Zenancielo na." sabi ko.

"You two dated in a bar?" napatingin sakin si Avis dahil sa tanong ng pinsan.

"We didn't date." pagkaila ko. Hindi naman talaga ah?

"Are you and Kuya in a relationship?" tanong ni Avis sakin.

"Nako, hindi!" umiling ako, "Ano ba kayo! Joke lang yung kanina!" baling ko dun sa dalawa.

Mataman nila akong tinignan bago sabay na umiling din, "Avis, sasabay na kami sayo. We have a lot of questions to ask your brother tomorrow kaya sa inyo na rin kami matutulog." ani Peyton habang di pa rin kinakalas ang titig sakin.

What? So they seriously think what happened earlier is real?

"Salamat pala Vei. We won the race, your car's good." ani Slate at ngumiti.

I didn't expect myself to be easily close to them. Pero mababait naman pala. Mukha nga lang akong overused napkin kapag katabi sila.

So, they won... meaning Knight lose. I'm sure siya ang kumarera kanina dahil sa pag-alis ko.

I suddenly felt guilty. Masyado ba 'kong naging hard? Baka naman tinitrip lang talaga niya 'ko pero ako 'tong sumeryoso sa sinabi niya? Besides, sino nga ba ako para isipin na may magkakagusto talaga sakin?

Pinasada ko ang tingin sa kanilang tatlo na nasa harap ko. They're all good looking. Even Avis. Kahit medyo malalake rin siyang manamit, maganda pa rin. Naalala ko na naman tuloy yung salita ni Yuli sakin. She really is right. I'm just so hopeless.

"Mauna na ko sa kotse." tinapik ni Peyton si Avis, "Guess I don't have to call you ate, right?" atsaka bumaling sakin.

Sabagay, parang ang pangit din kung tatawagin niya pa 'kong ate gayong mas matangkad pa sila sakin. Pati si Avis na ka-height ko lang din.

Tumango ako sa kanya.

"Good night." nilahad niya sakin ang kamao na nakikipag-fistbump. Ngumiti ako at ginawa ang gusto niya.

"Bros?" ani Slate at nakipag-fistbump din. Ngumiti siya nang ginawa ko rin 'yon.

Nauna silang dalawa sa kotse ni Avis kaya kaming dalawa nalang ang naiwang nakatayo doon.

"I like you." biglang sabi niya sakin.

What?

Napansin niya kaagad ang reaksyon kong di maipinta kaya natawa siya.

Kasabay non ang pagdungaw ni Slate sa bintana ng Gallardo niya, "Did you just laugh Avis?" di makapaniwalang sabi nito. Nanlalaki pa ang mga mata at nakaawang ang bibig.

Tinaliman ni Avis ang pagtitig sa kanya kaya umiiling itong sinarado ang bintana ng sasakyan. Pero malamang nakatingin pa rin samin. Tinted kasi ang kotse.

Bumalik ang masayang ekspresyon ni Avis nang bumaling ulit sakin, "That's not what I mean." umiling siya. Oo nga naman Vei, estupida ka talaga! Babae yan no!

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin at nang magsasalita na siya ay biglang may nagring na cellphone.

Kinapkap ko pa ang bulsa ko para tignan kung akin ba 'yon pero naunang maglabas si Avis. Parehas kami ng ringtone.

"What?" bungad niya sa tumatawag, "Yes, hinatid ko. Nandito ako sa bahay niya..."

Sumulyap siya sakin at ngumisi, "Okay, kuya."

"Do you like him?" tanong niya sakin matapos ibaba ang cellphone.

Hindi ko naman na kailangan pang itanong kung sino ang tinutukoy niya kaya agad na akong umiling.

Ngumiti siya, "Good. Don't like him yet."

Aba, hindi ko naman talaga siya magugustuhan! Gusto ko sanang sabihin sa kanya 'yan pero kakakilala pa nga lang namin e. Ayos na yung pa-shy type shy type muna diba?

"Magkaibigan lang kami ni Titus, babaero yun kaya hindi ko rin papatulan. Friends lang." kumindat ako sa kanya. Though, alam kong hindi naman din talaga magkakagusto sa tulad ko yung kuya mo. At ayoko ring magkagusto sa kalahi ng tatay ko, kaya ayos na talaga yung magkaibigan lang kami.

Nakangiti siyang umiling siya, "You'll be his biggest K. I can sense it already."

Umalis na rin sila matapos nun pero ako medyo natagalan pang nakaupo sa kama ko kakaisip sa sinabi ni Avis. Yung huli. Ang lalim kasi, di ko magets.





• • •

Straight three updates, pambawi. ;) Baka this week din ang sunod na UD. Enjoy reading!

-simplyponchiie

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon