Pointless
"Thank you for tonight, Vei." ani Titus nang nasa labas na kami ng restaurant.
Tulog na rin si Veyron at nasa loob na siya ng sasakyan.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya katahimikan ang bumalot saming dalawa.
Papasok na rin sana ako sa sasakyan nang magsalita ulit siya.
"I'm sorry," umiling siya, "I'm so sorry for leaving you after the accident. I was scared... I'm sorry Vei."
"And I'm sorry for running away," sabi ko.
"Let me explain everything. Please." aniya.
Pagod ko siyang tinignan. Yes. Go Titus, go explain everything. I want it all clear. Please...
"Knowing you... You'll have doubts after what Jesy did. I was scared that those doubts may drive you away from me again," umiling-iling siya, "And I can no longer afford that. I can't afford to lose you again. So I chose the other way."
"Pasensya na. Kung mas pinili ko yung ibang daan, pasensya na kung tanga man 'tong naging desisyon ko sa paningin mo..." he sighed, "Pasensya na kasi dahil sa takot kong umalis ka na naman, ako ang umalis."
Hindi ako makapagsalita. Ayaw ko muna dahil gusto kong ubusin niya lahat ng tanong sakin.
"I went here hoping I could make things better. Umaasa ako na babalik ka sakin kapag naayos ko na lahat ng kailangan kong ayusin dito. Umaasa ako na ngayong sigurado na ang kinabukasan mo sakin, babalik ka. Na kakalimutan mo ang ginawa ni Jesy at babalik ka sakin. Na may tiwala ka sakin. Na hindi mo na ko iiwan ulit sa kabila ng mga nangyari."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko 'yon.
"Baby, I'm so scared to lose you so I chose to lose myself," he weakly smiled, "I'm sorry for letting you sleep feeling lonely those nights. I'm so sorry..."
He then pulled me closer for a hug. Kahit 'yan palang ang sinasabi niya ay nalulusaw na ang mga gusto kong masagot.
It feels like I don't need any other answers. I just want my Titus back. I want us back.
"Is there still a chance? Tell me... Can I win you back, my Venus?" he whispered in my ears.
Sa dinamidami ng mga 'paano kung' at 'bakit' ko sa mundong 'to, isang yakap niya lang nabura na lahat.
Kasalanan ko rin.
I trusted my instincts too much. Hindi ko muna hinayaang magpaliwanag siya sakin.
Kasalanan ko kung bakit takot siyang mawala ulit ako.
Kasalanan ko kung bakit niya piniling umalis muna para masiguro nang hindi na ako aalis ulit, kasalanan ko na napuno siya ng takot.
Kasalanan ko dahil sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ang nararamdaman niya. I was too selfish.
Kaya ngayon, hindi lang para pambawi o dahil talagang gusto ko namang sundin siya, kundi para iparamdam na mahal na mahal ko siya, susugal na ako.
"Why do you need to win me back when from the very start, I was yours already?" I whispered.
Sa sinabi ko ay humigpit ang yakap niya sakin.
"I don't want you scared Titus. Because this time, you won't be losing me... " I hugged him back, "Hindi na ako kakawala sayo. Hindi na ako tatakbo. Dahil kahit ano namang pagtakas ang gawin ko alam kong naghihintay ka sa dulo. It's pointless. You'll always be my ending... I know that pretty well Escarcega."
• • •
This is the last chapter.
Sunod na ang Epilogue. Thank you so much for reading! Sana maharap ko na rin agad mag-update since last na.
Ngayon nalang ulit sinipag. Haha, kaya thank you sa nag-iinspire sakin na magsulat ngayon. Uwi na po, may bukas pa para sa dota. :)
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Ficción GeneralBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017