◖Chapter Thirty-six◗

187 6 0
                                    

Blood

"Kumalma ka nga." saway ko kay Gichi na kanina pa pabalik-balik ng lakad.

Abala ako sa pagse-set up ng music para maensayo ko na ang kakantahin ko bukas sa gig pero siya kanina pa hindi matahimik dito.

"I'm trying Vei. But how the hell?" bumuntong-hininga siya bago umupo sa sofa na katapat ng akin.

"At 'yang Zionne na 'yan? Ano mo siya? Lalaking yaya?" sabay turo sa kwarto kung nasaan si Zionne na pinapatulog na si Veyron.

"He's just a friend I met here. Tinutulungan niya 'ko. You could just thank him you know..." umirap ako.

"Does anyone from your family circle at least knows about this?" tanong niya ulit na inilingan ko.

Matagal siyang hindi nagsalita ulit kaya sinarado ko na ang laptop ko para maharap at makausap siya ng maayos.

"I'm sorry for not telling you about this Gichi..."

"I'm not taking anyone's side here, okay? Pero Vei, kung alam mo lang ang mga nangyari sa Pilipinas nung umalis ka..." umiling siya.

Kanina niya pa pinipilit buksan ang topic na 'to pero ayaw kong marinig ang tungkol doon. Natatakot ako na baka mali ang mga pananaw ko noon. Natatakot ako na baka totoo pala talaga ang nararamdaman niya para sakin noon. Natatakot ako kasi baka ako ang nagsayang ng pagkakataon na para sana sa'ming dalawa.

Pero imposible 'yon di ba? Tama... Imposible.

At kung sinasabi lang sakin ni Gichi 'to para umuwi na ako sa Pilipinas, natatakot akong makapagtanim ulit ng galit sa isang tao. Napatawad ko na si Papa sa mga ginawa niya at sapat na 'yon. Ayaw ko na ulit na kamuhian ang isang tao... Not Titus.

Natatakot akong magalit sa kanya dahil hindi niya ako hinanap. Dahil hindi niya ko ginustong makita matapos kong mawala. Mababaliw na 'ko kakaisip... Tatlong taon na 'kong baliw sa kakaisip dito kung ano ba talaga.

Kaya ngayon hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Gichi o hindi. Knowing her, she's a bit tricky. Baka ginogoyo lang ako nito para umuwi na ako doon.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan para yakapin ako.

"I'm so proud of you... Really. You amaze me so much." nginitian niya ako, "Hindi ko alam kung saan ka pinaglihi sa sobrang tibay mo."

Nanatili kaming ganoon. Tahimik lamang siya habang kinukwento ko ng buo kung paano ako nagsimula dito sa Qatar at pati na rin ang tungkol sa pag-alis ko noon.

"Siguro nga dapat akong mag-thank you sa Zionne na 'yan." umirap siya pero agad ding ngumiti.

Nasabi ko kasi sa kanya na si Zionne ang katulong ko habang lumalaki ang tyan ko. Nag-aaral pa siya noon pero nagagawa niya akong isali sa priorities niya. He's been a great friend to me.

"Aren't you planning to go back to college? Isang taon nalang din naman at ga-graduate ka na... That would help para makahanap ka ng stable na trabaho."

Hindi ako nakapagtapos. Matapos ko kasing makapagpacheck sa OB noon sa pangatlong beses ay sinabi sakin na magiging sensitive ang pagbubuntis ko.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon