Hundreds
"Can you drive?" tanong ni Titus matapos ang mahabang katahimikan.
Sikat na sikat na ang araw at ramdam ko ang sakit ng mata ko dahil sa sobrang pag-iyak kanina.
Hindi nakatali ang buhok ko ngayon na malamang gulo-gulo rin. I feel so down right now. But I'm glad God finally sent me someone who'll stay in times like this. May mabuti rin palang pwedeng idulot 'tong si Titus sakin.
Tumango ako sa tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kabuuan ng lugar. Ngayon lang ako napadpad dito at sa tingin ko, ito na ang pinakalikuran ng mga bars na meron dito sa San Pablo.
"Let's go eat somewhere..." yaya niya sakin bigla. Malamang gutom na 'to dahil ilang oras na rin kaming nakatambay dito na parang mga tanga.
Atsaka ko lang naalala na wala akong nadalang pera. Kung nagtataka kayo kung paano ako nakakapag-aral na walang tulong mula kay Papa, it's because of my mom. May malaking pera siyang iniwan sakin bago siya mawala. Enough for me to finish college, I'm taking up accountancy. Pare-parehas kaming magkakaibigan.
May oil business kami na alam kong inaalagaan pa rin naman ni Papa kahit noong umalis siya sa bahay noon... It's just really me whom he turned his back on. Not his whores, not the money and business. Just me.
"Ilibre mo 'ko." sabi ko sa kanya at tumayo na.
I want to let out more of my shits but I guess, him seeing me miserable and down and crying is enough. He's here, that's contentment. No need for more words.
Nag-iwas ako ng tingin nang makita siyang hinubad 'yong muscle tee niya para magpalit ng puting tee shirt.
Nakasunod lang ako sa sasakyan niya sa pagmamaneho.
Nangunot ang noo ko nang malagpasan na namin ang Canossa at Yenzi Estates. Saan ba kami pupunta?
Huminto siya sa harap ng PatisTito Garden Café na hindi ko pa naman napupuntahan.
"Ang layo, a?"
"You're going to Bato Springs... Malapit lang 'to dun kaya di ka na maha-hassle." aniya nang sabay kaming bumaba sa kanya-kanyang sasakyan.
Hindi ko talaga alam kung pupunta pa ba ako o hindi na. Ito ang unang beses na may mami-miss akong event saming magkakabarkada kung ganoon.
"Can I borrow your phone?" tanong ko kay Titus habang naglalakad kami papasok sa loob.
Vintage ang disenyo at mga mwebles dito pero malinis at masarap tambayan. Pero dahil maaga pa, walang gaanong tao.
"Here." inabot niya sakin ang Iphone niya bago tumuloy doon sa parte ng lugar na maraming halaman. Hindi pa man ako nakakalapit ay inusog niya na 'yong isang upuan kung dalawang tao lang talaga ang pwedeng umupo.
"I'll just order, dito ka lang." sabi niya bago ulit umalis.
Umupo na ako atsaka kinalikot 'yong cellphone niyang walang password para i-text si Gichi.
Ako:
Baka bukas na ako makapunta dyan. Pa-happy birthday nalang kay Lia. -Vei
Habang naghihintay kay Titus ay hindi ko napigilang galawin ang cellphone niya. I even read messages.
Bar girl 1:
Hey, hottie. You free tonight? I need you to fire me up. ;)
Bar girl 27:
Hi, babe! I'm horny right now. Can you come over?
Puro babae halos ang mga nakakausap niya at puro kagaguhan ang mga topic nila. How can he handle tons of girls? I can't believe him!
Nakita ko rin ang iilang mga text sa kanya ni Avis na nagpapasundo pero imbis na mag-reply doon ay tinetext niya si Garvan para siyang sumundo sa kapatid. Tamad.
Tinignan ko rin ang Photos niya kung saan puro litrato ng iba't ibang kotse ang meron. Now I know what kind of business their family's handling.
Kaya naman pala saksakan ng ganda ang mga kotseng ginagamit nilang magpipinsan.
Si Titus naka-Porsche Panamera, si Avis naka-Lamborghini Gallardo, at sa mga nakita kong litrato, naka-Porsche Spyder naman si Garvan, panigurado yung iba pang Escarcega ay bigatin din ang mga ginagamit.
Agad kong nilapag 'yon sa lamesa at ni-clear ang task bar nang makitang pabalik na si Titus sa table namin.
"Ten minutes pa daw." ngumiwi siya. Gutom na nga talaga.
"Bakit ka nga ulit nag-transfer sa Canossa?" tanong ko sa kanya.
I need to make it even for the both of us. Masyado siyang maraming nalaman sakin sa araw na 'to, I should know more about him too.
"I want to be with my cousins." kibit balikat niya.
"Accountancy din ang tini-take mo sa dati mong university? Saan ka nga ba before Canossa?"
Kumunot ang noo niya na para bang nagtataka kung bakit all of a sudden ang dami kong tanong. Pero sumagot pa rin naman siya.
"Ateneo de San Pablo. I finished Business Ad there and I just decided to transfer here to take Accountancy."
Bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ako nga atat na atat ng matapos sa pag-aaral pero siya gusto pang humirit?
"Plano mo bang mag-aral forever?"
Tumawa siya, "It's for my future kiddos. I'm planning to make hundreds."
Nginiwian ko siya. Baka nga may mga anak ka na ngayon, tarantado ka.
"If I were to ask you, payag ka bang ikaw yung nanay?"
• • •
Okay, hands up! Last update na muna talaga 'to for now. Hahaha! Matutulog muna si Author. :) lovelove
-simplyponchiie
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017