Some names
"What the hell are you doing here?!"
Agad kong pinatay ang stove nang marinig ang malakas na singhal ni Gichi mula sa kwarto ko. Doon siya natulog?!
Nasa sala si Veyron at nanonood pa rin ng tv habang naglalaro kaya umakyat muna ako para tignan si Gichi.
"Anong nangyari-"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang naka-bra lang habang tinatakpan ng comforter ang sarili samantalang si Zionne ay nakaupo sahig na mukhang nahulog sa kama.
"He fucking touched my butt!" dinuro ni Gichi si Zionne na nakataas lang ang isang kilay sa kanya.
Imbis na pagsabihan sila ay hindi ko napigilang matawa.
"What?" bumaling sakin si Zionne, "I didn't know she's here!" depensa niya.
"Let's just eat downstairs." tumawa ulit ako na na nagpamura kay Gichi.
Pagkababa ay kinuha ko na si Veyron sa kanyang mat para madala sa dining.
I designed this house at gusto kong magkalapit lang ang living room, kitchen, at dining para kahit nagluluto at naghahanda ako ng pagkain, nakikita ko pa rin si Benz pag naglalaro siya sa living room.
Nagkalat ang picture frames ng anak ko sa bawat sulok ng bahay. Minsan nga namamalikmata pa ako kapag nadadaanan ang mga 'yon... Mukha ng tatay niya ang nakikita ko.
"Let's eat na okay? Then we'll take a bath right after, hmm baby?"
"Yes, mommy..."
Napangiti ako dahil sa diretso niyang salita. Veyron is still working out on his straight speaking, medyo bulol pa siya pero mas bihasa sa ingles dahil kay Zionne na lagi siyang kinakausap. And me too, nakakagwapo kasi sa isang lalaki 'yong magaling mag-english.
Pangatlong subo ko na kay Veyron nang bumaba 'yong dalawa mula sa itaas. Masama ang tinginan nila na ikinatawa ko na naman.
Kung iba ang makakakita, pagkakamalan silang magjowa na may LQ. At kung hindi lang din nakatali 'tong si Gichi kay Phil, matagal ko na siyang nilakad dito kay Zionne. Probably a deserving one for her.
"Nabuksan mo na yung mga accounts mo?" tanong ni Gichi sakin bago kagatan 'yong hotdog.
"Why would she?" ani Zionne, "You wanna keep this a secret, right?" bumaling siya sakin bago sila magkasamaan ng tingin ni Gichi.
"Maybe later, G. Skype palang ang nabuksan ko... And Dad and I talked."
"What- ang bilis, a? So, alam mo na lahat?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Veyron and I are flying back to Philippines next week... But it's okay if you wanna stay here G. Zionne can accompany you."
"No thanks!" sabay nilang sambit na nagpatawa na naman sakin at ganun din ang anak ko na natawa dahil sa tawa ko. Nag-apir pa kaming dalawa.
Matapos kumain ay kinuha ni Zionne si Veyron sakin kaya kami nalang ni Gichi ang makakapag-usap sa kitchen.
"What are your plans, V? Ang kulit mo naman kasi. Magbukas ka na ng accounts mo." aniya sa seryosong tono.
"Basta uuwi muna kami ng anak ko doon. At babalik din siguro kami dito after one month." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga plato.
Bumuntong-hininga siya bago umakyat sa itaas. Akala ko sumuko na sa pangungulit pero bumaba siyang dala ang laptop ko.
"Just open the goddamn accounts Vei. Kahit facebook mo lang." sabi niya bago ako paalisin sa tapat ng sink, "Ako na dito... Do it."
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
Ficción GeneralBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017