◖Chapter Forty-four◗

194 5 0
                                    

I don't know

Tumayo siya at umambang aalis sa kinatatayuan para ng puntahan ang taong tinutukoy niya.

Lalong kumalabog ang puso ko at napatayo na rin dahil sa taranta. Lintek talaga.

"No need. I just wanna know if you could still be in touch with our company, that's why I came here." sabi ko para mapigilan siya.

Tumaas ang isa niyang kilay sa akin at umupo nang muli sa kanyang swivel chair. Ganoon din ang ginawa ko.

Pilit ko siyang tinignan ng diretso sa pagbabakasakaling mapapawi ang kaba ko pero lalo lang ata 'yong nadagdagan dahil sa expression ng mukha ni Garvan.

"Well, if it's me you're going to ask, I'd be willing. Kung ako lang ang sana ang masusunod sa bagay na ito..." aniya.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago muling magsalita, "It's a no, then?"

He gave me an apologetic look... Well, then I guess I don't have a choice.

Hindi ako tanga para hindi malamang si Titus ang tinutukoy niyang dapat na makausap ko dito. Pero mas lalong hindi ako tanga para magmakaawa sa kanya.

Well yes, I could work knowing I'm inside their company circle, I could interact with him again and act like nothing happened, I could do everything. But never to beg him! Pinasok ko ito at alam kong maaaring bumaba pa ang pride ko sa katawan pero ayos lang naman na magtira kahit kaonti diba?

Marahan kong nilapag ng isang puting folder sa lamesa ni Garvan. Tinignan niya lamang 'yon bago ulit bumaling sa'kin na parang nagtatanong.

"I'll apply here, then." matabang kong sabi.

Kung kinakailangan kong pagsilbigan at ligawan ang kompanyang 'to, so be it. You're such a weakling, Vei. Why can't you just see him in the other room? That would be easy!

Kumunot ang noo niya sa'kin bago binuklat 'yong folder. Natagal pa siya doon na parang minemorize ang bawat nakasulat.

Di gaya ng aura niya kanina, naging seryoso na siya ngayon at diretso ang titig sa'kin.

"You didn't graduate?" ito ang una niyang tinanong.

"Yes. I'm willing to take any job you can give me, but of course except the cleaning-"

"Why?" pagputol niya sa pagsasalita ko bago umayos ng upo.

"Financial problems." pagsisinungaling ko. I'm hating myself already, but this is a no-choice situation...

Tumagilid ang ulo niya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Stable pa ang kompanya niyo 'nong mga panahong yun." he stated.

Napalunok ako at dinapuan na naman ng kabang panandaliang nawala kanina. Lalo pa't itong nasa harap ko ay naiimagine kong si Titus... Hindi sila magkamukha pero parehas ng aura.

"Am I qualified for any position?" pag-iiba ko ng usapan. Natatakot ako na baka kusang gumana ang dila ko sa pagsasabi ng totoo.

"I have no space that needs to be occupied here but you can be an assistant..."

Tingin ko ay lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon