◖Chapter Twelve◗

188 7 0
                                    

Ate

Hindi ko alam kung ilang oras nang tanong ng tanong si Titus. Ang dami na rin niyang naiinom, ako puro cocktails lang samantalang siya puro whiskey.

"Who's that Knight again?" tanong na naman niya.

"Kaibigan ko nga. Paulit-ulit?" umismid ako.

"Are you two always hanging out? Fuck buddies?"

What the hell.

Hindi ko na rin siya gaanong pinapansin at pinapatulan dahil baka mapatay ko pa.

Malay ko rin ba kasi kung lasing na talaga 'tong gagong 'to, maayos pa ang mukha e.

"Umuwi na tayo, lasing ka na ata e." sabi ko.

Bahagya siyang tumawa at binewala lang ang sinabi ko.

Leche, iwanan ko na kaya siya dito?

"Hey Titus, wanna dance?" may babaeng biglang lumapit sa kanya at kumandong nalang bigla sa kanyang isang hita.

Umaalon ang buhok niyang itim na itim at labas ang cleavage sa suot na damit.

Tinapunan ako ni Titus ng isang tingin bago siya binalingan.

"Althea? Rizi? Mikaela?" pinaalis niya yung babae sa kandungan niya, "Can't remember you."

Akala ko pa naman tuluyan niya ng paaalisin pero agad niya ring hinitak ang bewang nito para magabayan sa pag-upo ulit sa kanyang hita, ng paharap. Napangiwi ako dahil sa posisyon nilang dalawa.

"Aw. I'm Ria!" sabi nung babae, fuck her disgusting tone. "I'll help you remember..."

At tulad ng inaasahan, naghalikan silang dalawa sa napakalaswang posisyon na 'yon.

Ganito malamang ang gawain ni Titus. I wonder kung sa dami ng mga babae at naging babae niya, meron na siyang hidden child ngayon? Baka may mga nabuntis pala siya na ayaw ipaalam nung babae, o di kaya may anak na talaga siya pero di niya lang sinasabi. Kung hindi ba naman kasi tarantado e.

Pumayag na kaya ako sa pagtulong ko sa kanya kay Yuli? Para naman mabawasan yung kauri ng tatay ko sa mundong 'to. Baka sakaling tumino siya.

Hinitak ko ang laylayan ng damit niya para matigil silang dalawa sa ginagawa.

Nakangisi siya nang binalingan ako samantalang yung babae halatang iritado sakin.

"Let's go." sabi ko sa kanya at hinila na patayo. Confirmed. May tama na nga ang gago.

"Wait, who are you ba?" hinawakan nung babae ang braso ko na agad ko ring tinabig.

Nakangisi pa rin ang mukha ni Titus sakin. Nakaka-bother yung ngiting pinapakita niya, akala mo mangr-rape.

Alas nuebe na ng gabi kaya sobrang sarap sa pakiramdam nung makalabas kami sa Creekhouse. Parang nabingi na nga ata ako sa sobrang ingay sa loob.

Nang makalapit kami sa kotse ay doon ko siya pinapasok sa shotgun seat.

Wala akong tiwala kung siya ang pagmamanehuhin ko gayong lasing siya kaya sinimulan kong kapkapin ang magkabilang bulsa ng shorts niya.

"Anong ginagawa mo?" aniya habang nakapikit at nakahilig ang ulo sa upuan.

"Keys?"

He laughed, "I knew it. Nagugustuhan mo na 'ko."

"I said keys." sabay lahad ko ng kamay sa kanya. Mabuti pang balewalain nalang ang mga pinagsasasabi niya. Letseng 'to. Nagugustuhan ko na siya? Utot.

"If that's what you want then..." dumilat siya at hinawakan ang kamay kong naghihintay ng susi.

Kasabay non ang paghawak niya rin sa batok ko para mapalapit sa kanya.

May naramdaman akong parang tumutusok sa'king likod. Para 'kong nag-ground kaya agad kong tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sakin.

"I thought you want a kiss?" aniya bago umismid.

Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa ginawa niya. Damn it!

Kinalma ko ang sarili ko atsaka huminga ng malalim, "Susi ng kotse."

Keys... Kiss? Fuck.

Iniwas ko ang tingin sa mga mata niyang tutok na tutok sakin ngayon. Parang nawala ang kalasingan sa sistema niya dahil sa ginawa.

Hinagis niya ang susi sakin kaya pinaandar ko na agad ang sasakyan. Buti at hindi na siya nagreklamo pa. Hindi ko na rin siya kinausap kaya tahimik ang maikling byahe. Mabuti nalang din at nakatulog siya para mabawasan ko ang pagkailang.

Idiniretso ko ang sasakyan sa Zenancielo. Magco-commute nalang siguro ako pauwi, no choice naman kasi dahil lasing siya.

Maliwanag sa labas ng bahay nila dahil tatlong poste na may ilaw ang naroon kaya agad kong namataan ang kapatid niyang babae na nags-skateboard.

Kumunot ang noo niya nang makita akong lumabas mula sa driver's seat. I forgot sa kanya nga pala 'tong Gallardo.

"Uh, I used your car..." nanatili ang tingin niya sakin kaya ibinigay ko na 'yong susi, "I... uh, just drove Titus home... he's drunk."

Hindi ko matuloy-tuloy ang pagsasalita ko dahil nakaka-intimidate siyang tumingin. Hindi maipagkakailang magkapatid talaga sila dahil bakas sa ganda ng mukha niya kahit parehas pa sila ni Titus ng mata, malademonyo.

"It's okay." aniya bago maglahad ng kamay, "I'm Avis."

Akala ko maiinis siya dahil ginamit ko ang kotse niya pero hindi pala. Mukha naman pala siyang mabait.

Tinanggap ko 'yong kamay niya, "Vei."

Sinilip niya sa loob ng sasakyan ang kapatid bago ulit bumaling sakin, "I'll just get him inside and I'll drive you home. Wait here, Ate."

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon