New
Nang makarating ako sa bahay ay wala pa si Papa kaya naisipan kong kumain na agad tutal di naman ako nakakain kanina sa mall.
"Mam, ngayon nalang po kayo ulit kakain dito sa baba a?" puna ng isa sa mga kasambahay namin.
Tinignan ko lang siya pero hindi ako nagsalita kaya umalis na rin siya kaagad sa harap ko matapos ilapag 'yong mga pagkain.
Natagalan ang pag-upo ko doon dahil panay ang reply ko sa mga text ni Gichi.
Ako:
Yeah, I've seen her earlier. She bought the black one.
Hindi ako nagbubukas ng fb account ko kaya hindi ko alam na pinag-uusapan pala nila kung anong kulay ng bikini ang isusuot sa Sabado. Kaya rin siguro sinabi ni Yuli sa kanila na nakabili na siya ay dahil di naman ako online at hindi ako makakasingit sa usapan.
I'm still considering her as my friend of course, but I don't know why I have this feeling... Like I'm happy that she's still pissed by me.
Gichi:
Oh. Nakita ka ba niya?
Ako:
Hindi. She's with Titus.
Gichi:
Eheee! Stalker much?
Ako:
I'm not stalking them.
Gichi:
***him ?
Magtitipa na sana ako ulit nang biglang pumasok si Papa sa dining room kaya halos mapatalon ako.
Agad ko nang inubos ang pagkain kong natitira sa plato bago tumayo. Nakatingin lang din siya sakin habang umiinom ng tubig.
"Mag-usap tayo."
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ko siya hinarap.
"Boyfriend mo ba ang batang Escarcega'ng 'yon?" tanong niya.
"Hindi." diretso kong sagot bago tuluyang umakyat sa kwarto.
Alam ko namang iniisip niya 'yan. Malamang. Hindi maiiwasan dahil laging pumupunta dito si Titus at kadalasan pang may dalang pagkain para sakin. Pero ano bang pakialam niya sa buhay ko? Tatay ko lang siya dahil dugo niya ang dumadaloy sakin pero hindi ibig sabihin non na pinaramdam niya sa'king ama ko talaga siya.
Until now, I still can't talk to him. I'm still full of anger.Nang mag-Biyernes ay panay na ang pag-uusap nila Lia sa pagpunta sa Bato Springs.
"Nakabili ka na ba ng bikini mo?" tanong ni Gichi sakin na inilingan ko lang. Pati siya kinukulit ako sa pagsuot ng ganun.
I'm close to buying one the last time I went to the mall but glad my craziness didn't hit me.
Absent ang professor namin sa susunod na subject kaya naisipan kong tumambay nalang sa likuran ng Canossa.
Alas tres na ng hapon at medyo mainit kaya mabuti na rin at may mga punong masisilungan dito. Isali mo pa ang masarap na simoy ng hangin.
Gusto kong yayain sila Gichi pero masyado silang maingay kaya mawawalan din ng silbi ang pagpunta ko dito kung isasama ko sila. Konting konti nalang talaga ang dapat kong i-memorize para sa examination next week. I think I could finish it now.
Maingay akong mag-memorize. Gusto ko yung talagang binabanggit ko ang bawat salita, hindi ako kuntento na mata ko lang ang gumagalaw.
"You look cute when serious."
Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang malalim niyang boses.
Hindi ko alam kung ilang araw na rin kaming di nakakapag-usap. Basta alam kong huli ay 'yong huli rin siyang pumunta sa bahay.
"Not now Titus. I'm busy." sabi ko na agad. But the truth is, I want him to talk and sit beside me.
"Sayang naman. May good news ako e." aniya.
Minsan hindi ko na rin talaga siya matanggihan at ewan ko kung bakit. Siguro dahil kumportable na rin naman ako sa mga kagaguhan niya?
Napairap ako dahil sa sariling naiisip, "Spill."
"Magpapaligaw na siya sakin!" malakas na sigaw niya habang nakaharap sa hanging humahampas sa mukha at medyo mahaba niya ng buhok.
Malaking ngiti ang binungad niya sakin matapos akong tabihan sa damuhan, "Turuan mo akong manligaw!"
Wala pa rin namang bago sa hinihiling niya. The thing is, nung una, handa na siyang manligaw kahit walang assurance kung sasagutin ba siya ni Yuli o hindi. Pero ngayon, gagawa nalang siya ng paraan para makuha yung 'oo'. And he needs me.
"Please?" nag-puppy eyes siya.
"Kailangan ko munang makuha ang oo mo bago ang oo ni Yuli." nakangiti niyang sabi sakin.
I suddenly felt something painful. Para may malaking batong tumama sa dibdib ko.
Tinignan kong mabuti ang mga mata niya.
I don't know what's pushing me to do this always but I've seen something different in his eyes now.
Okay, one more shot Vei. One more.
"Kaya mo na yun!" pilit akong ngumiti.
I don't know why I need to force it and why can't I just let my real smile show. Feels hard to do.
This feeling is new.
"I need you to help me. She's your friend, alam mo ang mga gusto niya..."
Without removing the smile plastered on his face he said that. He really is happy. And I could add up something to make him happier.
"Okay." I give up.
Nginitian ko siya at bahagya namang nanlaki ang mga mata niya bago ako yakapin ng mahigpit.
"Hindi ko alam kung anong sumapi sayo ngayon but thanks!" tuwang tuwa niyang sambit habang pinapalupot sakin ang magkabilang braso.
And right at that moment, I've felt the new beat of my heart. I felt something different.
Though I'm still not sure if this is the thing I've seen in movies, I know it's something new.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017