◖Chapter Forty◗

189 6 0
                                    

Lost

"'Cause I got time while he got freedom,
'Cause when a heart breaks, no, it don't break even..."

Dinig na dinig ko ang hiyaw ni Gichi sa dagat ng mga taong nandito sa bar ni Zionne. Malaki ito kaya laging maraming tao pero nasanay na rin naman ako dahil karamihan naman sa kanila'y nakakakilala na rin sakin.

"His best days were some of my worst,
He finally met a girl that's gonna put him first.
While I'm wide awake,
he's no trouble sleeping.
'Cause when a heart breaks, no, it don't break even..."

Napapikit na ako dahil sa sariling pagkalunod sa kanta. I usually pick alternative rock since I first stepped here pero feel kong mag-iba ngayon.

When I was still young, I love singing because it feels cool. But now, it's different. I sing because I love it. A passion...

"What am I supposed to do when the best part of me was always you?
And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay?
I'm falling to pieces, yeah,
I'm falling to pieces."

Habang nakapikit ay naalala ko ang mukha ni Titus noong unang beses niya akong narinig na kumanta kaya agad akong napamulat.

Fucking crap.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ko ang kanta. May mga lumapit pa nga sa'king lalaki na nagpapirma sa palapulsuhan nila at hinalikan ako sa pisngi. Oh well, no big deal about that.

Tinanguan ko si Joe na nakangiti sakin, the guitarist. He still seemed satisfied with the song tonight kahit na kakaiba 'yon sa kadalasan naming tinutugtog.

Namataan ko si Zionne na nakaupo na ngayon sa table na inuupuan ni Gichi. Sinenyas niya sa'kin yung isang room sa taas kung nasaan si Veyron. Tumango naman ako.

Pinagawa niya 'yong kwartong 'yon para tuwing may gig ako dito sa bar ay hindi na ako nag-aalala kay Veyron at para na rin hindi ko na kailanganin pang maghanap ng yaya. That room's soundproof at nandoon lagi si Lizel, his sister.

"What the fucking hell happened to your voice?!" bungad ni Gichi na nagpataas ng kilay ko. Am I bad tonight?

Hindi niya na ako pinansin pa at mukhang abalang-abala siya sa cellphone kaya ipinagkibit-balikat ko nalang.

"You were amazing..." ani Zionne bago ako makaupo sa gilid niya.

Isang beses kong napansin ang pag-angat ng tingin ni Gichi dahil lalo silang nagdikit na dalawa.

"Thanks, Z... Don't worry, that's just for tonight. Back to the usual sa next gig."

"No, that's fine. I prefer hearing your voice with songs like that actually." ngumiti siya bago bumaling sa counter kung saan may ilang natapon atang drinks.

Tumingin siya sakin at tumango naman ako agad. Ilang saglit lang ay tumayo na siya para i-check 'yon kaya umusog ako palapit kay Gichi.

Abala pa rin siya sa cellphone kahit kapansin-pansin ang pagtingin ng ilang mga lalaking foreigners dito sa kanya.

"Do you want something?" tanong ko sa kanya matapos ang ilang minuto.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon