Deny
"That's not my boyfriend." mariin kong sinabi sa tatlo kong pinsan na hindi pa rin tumitigil.
"Siguraduhin mo lang... Itong si Ruffa, minsang na-in love akala mo mababaliw na nung breakup stage. Be careful Vei. Boys these days are..." umiling si Tomlin.
"Excuse me? Ang OA naman ata ng sinabi mo?" sita ni Ate Ruffa sa kanya.
"It's true! That ex-boyfriend of yours cheated with a goddamn shrimp kaya mag-ingat ingat ka sa pagpili ng mapapang-asawa mo." pangaral naman ni Adam kay Ate.
"Pero hindi ka pa talaga nagkaka-boyfriend Vei?" tanong ni Tomlin sakin na inilingan ko rin agad.
"I don't have time for that."
"Then what have you been up to these years kung ganon?" tanong ni Adam habang pinaglalaruan ang buhok ko.
"Just school and friends." sagot ko, "CR lang ako." paalam ko sa kanila.
"Want me to accompany you?" Adam asked at tumayo na rin.
"Hindi na. I can handle." ngiti ko sa pinsan. Nagmature na talaga siya.
Dumiretso ako sa comfort room para umihi saglit pero nang lumabas ako ay may biglang humitak sa braso ko.
Naghuhuramentado ang puso ko dahil sa kaba at gulat. Lalo pa nung makita kong si Titus 'yon.
Kakawala na sana ako pero kinulong niya ako sa pagitan ng dalawang brasong nakadikit sa pader.
"Let go, Titus." matalim ang tingin ko sa kanya.
"Who's that guy?" mas matalim ang tingin niya sakin pero isinantabi ko ang kaba at pilit 'yong pinalitan ng inis.
This guys just won't quit! Kailangan ko pa bang isupalpal sa kanya na girlfriend niya 'yong kaibigan ko kaya dapat siyang magtigil-tigil sa mga ganitong galawan? Leche.
"Why do you care?" nagtaas ako ng isang kilay, "Stop asking too much questions, will you?"
"Not until you tell me who that guy is." mariin niyang sabi at hindi pa rin kinakalas ang titig sa mga mata ko.
"Adam." inirapan ko siya, "Pwede nang umalis?" sarkastiko ko siyang tinanong.
"Lakas makatsansing e. Ikaw naman... nagpapahawak!" nanggagalaiti niyang bulyaw sakin.
"What the hell's with you?! Ano bang problema mo ha?" iritado ko rin siyang binulyawan. Gagong 'to!
"Just... fuck it Vei. Fuck." mariin siyang pumikit at nang dumilat ay namumula na ang mga mata niya.
Nanlambot ako sa pinapakita niyang expression. Hindi ko na maintindihan. Lalo akong naguguluhan sa ikinikilos niya at naiinis ako doon.
"I helped you pursue her, right?" natigil siya dahil sa tanong ko, "Now tell me Titus, what do you want? May kailangan ka? Okay, I'll help you. But would you please stop the act? Stop acting this way? Because you. Are. Fucking. Confusing. Me."
"I don't need anything." aniya.
"Then what's this all about?" nag-angat akong muli ng tingin sa kanya.
"I don't know. Hindi ko na rin maintindihan." umiling siya at tinanggal na ang dalawang brasong nakapagitan sakin.
"Let's talk some other time. But for now, let's stop talking." nag-iwas ako ng tingin sa kanya at handa na sanang umalis pero nagtanong na naman siya.
"Stop talking? Bakit? Why do we need that?" I can sense the frustration and confusion in his voice.
Imbis na sagutin 'yon ay tuluyan ko na siyang tinalikuran.
Tahimik ako nang makauwi sa bahay. Dumiretso na ako agad sa kwarto ko pagkatapos ihatid yung tatlo sa guest rooms na gagamitin nila.
Nakahiga na ako ng makarinig ng pamilyar na kaluskos sa bintana ng kwarto. Napatingin ako doon.
Not again...
At gaya ng dati, nandito na naman siya sa harapan ko. Dapat ko na talagang matutunan kung paano magsara ng bintana sa gabi kung ayaw kong laging napapasok nitong si Titus.
"Let's talk." aniya nang harapin ako.
"About what? Diba sabi ko naman-"
"Bakit ba ayaw mong makipag-usap sakin? Is this still about that kiss?" pagputol niya sa pagsasalita ko.
"That's not it!"
"I can kiss you harder Vei. Kayang kaya kong papantalin 'yang labi mo sa mga halik ko. So, talk. Answer my questions kung ayaw mong mag-init 'tong kwarto mo."
Ramdam na ramdam ko ang pag-apoy na naman ng pisngi ko. Now I know why I always feel this. Fuck Escarcega, your effects on me.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sunod-sunod niyang sinabi na hindi pa rin halos pumapasok at nagkakasya sa utak ko.
"Tell the truth, gusto mo na ba ako?" tanong niya sa seryosong ekspresyon na lalong nagpakalabog sa didib ko.
God, you don't know how bad I want to answer that question with a yes. How bad I want to tell you that when we first met, I smiled all the way home that day. That I wasn't the girl every boy noticed, but you noticed me and that was everything. That a sea of coffee couldn't intoxicate me as much as a drop of you.
If only I could.
"Hindi kita gusto! Tangina mo ka!" sigaw ko sa kanya at pilit na pinagmukhang nakakatawa 'yon.
Dahil hindi, hindi niya pwedeng malaman na gusto ko siya... Ayaw ko nang pahirapan pa lalo ang sarili ko sa paglayo. I don't want to betray anybody. I don't want to break anyone's soul. I just simply have to deny my feelings... because that's safer.
BINABASA MO ANG
Sugarcoated Karma
General FictionBitter kisses, loathe, missing labels, sugarcoated karma... Can it still find its way to a sweet ending? Copyright © 2017