Chapter 1

431 10 1
                                    

Stalk

"Nakapagreview ka ba nang maayos, Vei?" pare-parehas ang tanong ng mga kaibigan ko sakin pagkatapos ng exam namin. In mathematics, particularly. 

"Mukha ba?" inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakadukdok. My head is aching from the stress. 

Hindi napigilan ni Gichi ang halakhak kaya gano'n na rin ang iba. Lecheng utak kasi 'to!

Nang dumating ang hapon ay pumunta muna kami ng cafeteria para bumili ng snacks. Isang subject nalang ang it-take mamaya pero ubos na ubos na ang enerhiya ko.

My nose wrinkled at the thought of these exams' results. Hindi ko alam kung bobo ba talaga 'ko o sadyang taliwas mula sa handouts yung mga nilalagay ng profs sa test paper, e! Kanina sa math, unang tanong pa lang, alam ko nang babagsak ako!

"Have you guys heard? May transferee raw, ah? Gwapo," humagikgik si Yuli.

Tapos na ako sa snacks ko kaya dumukdok nalang ulit ako. Hindi ko alam kung saan nasasagap ni Yuli ang mga gano'ng tsismis, ang lawak ng Canossa, nalaman niya pa 'yon?

Sa aming anim, siya ang mahilig na mag-open ng gano'ng topics. Straight din kami nila Gichi, just like her, pero talagang wala pa sistema namin ang magkagusto sa mga lalaki. Oh, well...

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang matapos ang last subject namin. Mayroon pa bukas pero ayos na 'to! At least tapos na sa Math, bagsak for sure, pero tapos na!

Matapos ng last subject namin ay sabay-sabay na rin kaming pumunta sa parking lot. Finally, tapos na ang araw ng impyerno!

"Vei pahatid ako, please?" baling ni Yuli sakin nang nasa parking lot na kaming anim. Ngumiwi ako nang binalandra niya ang pagp-puppy eyes sakin. 

"Sumabay ka nalang kay Gichi," sagot ko dahil gustong-gusto ko nang humiga sa kama! Ang haba ng araw na 'to para sakin kaya gusto ko nang magpahinga.

"Sige na nga!" ngiwi niya pabalik, "Bukas hatid mo 'ko, ha!"

I nodded at her before she ran towards Gichi's Fortuner. Kaming dalawa palang kasi ni Gichi ang may sariling sasakyan sa'ming anim kaya hatiran kami lagi madalas kapag ganitong uwian na. Minsan naman, nagta-taxi rin sila kapag tinatamad na talaga kaming maghatid.

Traffic na nang pauwi ako dahil rush hour. Bumagal ang takbo ko nang malapit na sa Zenancielo Estates. My head is really aching. Tsaka ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapagkape kaninang umaga kaya baka gano'n.

I then maneuvered my car to enter the said village. Mas mapapabilis ako kung doon dadaan since I've decided to stop by Starbucks to get a cup of coffee. 

Nang lumiko ako sa pangatlong street ay binagalan ko ang pagpapatakbo dahil sa namataang sasakyan. It was one of my choices before getting mine, actually, my first choice but since hirap ang paghahanap, I settled with what I am using right now.

A jet black metallic Porsche Panamera is parked in front of a huge house that is a combination of white and maroon. Binaba ko ang bintana ng kotse ko para mas matignan nang mabuti 'yon. It's just so... sexy to look at! 

Nang matapat ako sa mismong bahay kung saan nakaparada ang sasakyang pinagpapantasyahan ay agad kong natanaw ang may-ari yata na papalabas. 

Kumunot ang noo ko nang matanto kung sino 'yon. He's that guy! From the parking lot yesterday at the coffee shop! Pinigilan kong matawa nang maalala na naman ang banat niya.

Sugarcoated KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon