"PAKAWALAN ninyo ako dito, parang awa n'yo na. Nakikiusap ako...pakawalan ninyo ako." sigaw ni Angela habang walang tigil sa pagkatok sa pintuan ng silid.
Magdamag siyang walang tigil sa kasisigaw at pag-mamakaawa na pakawalan siya ni Jaspher.
Halos manghina at mawalan na ng boses si Angela dahil sa kaiiyak nito. "parang awa n'yo na.... pakawalan ninyo ako!" ito ang mga katagang paulit-ulit sinasambit ng dalaga.
KINAUMAGAHAN, maagang bumalik si Jaspher sa mansyon upang kumuha ng ilang gamit at pera na kanyang gagamitin.
Sa gate palang ay sinabulong at tinanong na siya ng mama nito..
"Hijo, where have you been? Magdamag kang wala dito ah." anang Mommy nito nang salubungin siya."Ma, kasama ko ang mga kaibigan ko kagabi. You know naman, new year diba? kaya nagkaroon ng konteng kasiyahan. Hayon, nakainom kaya I decided na magpalipas nalang ng umaga kasama nila" pagsisinungaling nito.
"Really?"
"Yes Ma, kahit tanungin mo pa ang barkada."
"Hmp, sabagay malaki ka na, hijo. You know what is rigth, and what is wrong."
"Offcourse Ma... and I promise you, i never make mistake na ikapapahamak ko." pag-yayabang pa ng binata.
"Okay! Anyway, sasabay ka ba samin ng Dad mo na magbreakfast?"
"No Ma, thanks nalang. May kukuhanin lang ako sa room ko, then later aalis din ako."
" What? kararating mo lang, tapos aalis karin kaagad? Saan ka naman pupunta?"
"Ma, saka ko na sasabihin sayo ha. Nagmamadali lang ako. Bye Ma!" anito at walang lingon na tinalikuran ang kanyang Mommy.
Iiling-iling nalang ang Gng na sinundan ng tingin ang anak. Palibhasa'y nag-iisang anak, pinababayaan ang anumang gustong gawin ng binata.
SAMANTALA, parang nakokonsensya naman si Totte sa tuwing maririnig nito ang sigaw at daying ni Angela na nasa loob ng silid. Kung pwede nga lang na pakawalan niya ito at palabasin sa kaibigan na nakatakas ang dalaga, ginawa na sana niya. Ngunit nagdadalawang isip siyang gawin iyon dahil alam niyang baka siya ang pagbalingan ni Jaspher ng galit.
Hanggang sa patay malisya, at nagbingi-bingihan nalang siya sa kung anong naririnig.
Ilang sandali ang lumipas, muling dumating si Jaspher sa kanilang hide-out.
"Pare, ang tagal mo! Kanina pa ako nagugutom. May dalaga ka bang pagkain dyan?" salubong ni Totte na halatang inip at gutom na sa pag-hihintay.
"Heto, kainin mo kung anong gusto mo dyan?" sabay abot sa mga dala-dala niya. "Kumusta naman ang pinababantayan ko? Nag-wawala parin ba?"
"Malamang gaya ko, gutom narin yon. Magdamag ba naman na hindi natin pinakain." direktang sagot ni Totte.
"Eh di bigyan mo." kaswal na sagot ni Jaspher sabay sindi ng sigarilyo.
Ganon nga ang ginawa ni Totte. Dinalahan ng pagkain sa loob ng silid ang dalaga.
Pagkapasok sa loob, nakaramdam na naman ito ng awa sa nakitang ayus ni Angela. Ngunit nanatili lang itong tikom para hindi siya mahalata.
"Dinalahan kita ng pag-kain. Heto oh, kumain ka muna." anito at inilapag sa harapan ni Angela ang isang box ng pansit at isang pirasong fried chicken.
"Please tulungan mo ako... gusto ko ng umalis dito, pakawalan mo na ako." mahinang tinig ng dalaga.
"I'm sorry, gustuhin ko man...wala akong magagawa."
"Sabihan mo si Jaspher, pakiusapan mo siya... please!"

BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
RandomAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...