KABANATA 2

16.7K 328 8
                                    


DAHIL sa pang iisnab na ginawa ni Angela nag ngitngit sa galit si Jaspher nang gabing iyon. Nakaisip ito ng isang plano para makaganti sa dalaga.

Samantala masaya naman si Angela na nakasama ang mga magulang.

Magbubukang liwayway na nang dalawin ng antok matapos pagsaluhan ang pagkaing inihanda ng kanyang mga magulang. Masayang-masaya sila na nagkasama-sama sa pag-diriwang ng bagong taon.

"Happy new year..., 'Nay, 'Tay! " muli ay bati ng dalaga.

"Happy new year din, anak. Sige na matulog ka na dahil alam naming pagod ka rin."

"Inay, okay lang ako. Hindi ko naman nararamdaman ang pagod sa tuwing makikita at makakasama kayo ni Tatay."

"Ah basta magpahinga ka na muna. At sana naman, anak, huwag mong aabusuhin 'yang sarili mo sa trabaho. Hindi ka na namin masusubay-bayan ng Tatay mo." paalala ng kanyang ina.

"Opo, 'Nay. Sa sige po pasok na ko sa silid ko." nakangiting sagot ng dalaga.

Pagkapasok sa silid,matagal pa bago tuluyang nakatulog si Angela.

Alas-dos na ng hapon ng s'ya ay magising. Mumukat-mukat na tinignan ang relong orasan na suot sa kanyang braso.

"My God! alas-dos na." sambit n'ya at dali-daling bumangon.

Pagkalipas ng ilang minuto, mabilis na inayos ang sarili at dali-daling lumabas ng kwarto.

"Inay, aalis na po ako." tawag ni Angela na hindi magkaintindihan kung ano ang uunahing gawin.

"Ha, saan ka pupunta?"

"Sa trabaho po. Sigurado kanina pa ako hinihintay ni Ma'am sa office."

"Anak, hindi ba't holly day naman ngayon, bakit may trabaho ka pa? Kaya nga hindi na kita ginising ng maaga dahil alam kong wala kang pasok."

"Nay, wala namang holly day sa work ko. Alam nyo po yan. Swerti na lang at pinauwi ako ni Ma'am kahit late na para makasama ko kayo." paliwanag ng dalaga.

"Ganoon ba? Sa mag-iingat ka!"

"Opo Inay, salamat! Si Tatay po pala?"

"Maagang umalis, pero pabalik narin yon. Hindi mo na ba sya mahihintay?"

"Baka po 'di na. Pakisabi nalang na umalis na ako. Hayaan mo Nay, kapag pinayagan ako sa leave na hihingin ko...magbabakasyon tayong tatlo sa province." sabi sa ina para hindi malungkot sa kanyang pag-alis.

"Talaga Angela? Mabuti kung ganon." saad ng ina at biglang umaliwalas ang mukha sa sinabi ng anak.

"Promise, 'Nay!" at yumakap muna ito bago tuluyang umalis.

"Mag-iingat ka." pahabol ng Ginang.

-------

NAKASAKAY na ng jep si Angela , ilang minuto ang nakalipas mula ng makaalis ng bahay, ng biglang makaramdam ng kalungkutan. Namimiss agad ang mga magulang at tila ba matatagalan na ulit bago siya makabalik. Hindi nya alam kung bakit ganon ang biglang pumasok sa kanyang isipan at bigla nalang lumakas ang kabog ng kanyang dib-dib.

"Ano ba, Angela? Ayusin mo nga ang sarili mo. Kung anu-anong pumapasok dyan sa isip mo!" aniya sa kanyang sarili.

SAMATALA si Jaspher at Totte ay buo na ang gagawing plano.

"Pare, talaga bang sigurado ka dyan sa gagawin mo? Hindi kaya mapahamak ka lang?"

"Ano ka ba, Akala ko ba tutulungan mo ako? Bakit ang dami mo pang sinasabi?" ani Jaspher

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon