REHAS na PAG-IBIG

13.6K 346 24
                                    


KABANATA 11


DAHIL sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, bigla ay nagalit si Jaspher sa kanyang sarili... Nagwawala, nagsisigaw, at na kulang nalang ay saktan ang sarili.

"How come..... bakit nagkakaganito ako?" malakas na sigaw nito.

Nang mga oras namang iyon ay may dalawang babae na napadaan sa lugar... Nagtaka
ang mga ito kung ano ang nangyayari sa binata, gayong wala naman sila nakikitang kaaway nito.

"Maribel, ang gwapo niya 'noh? Pero ano kayang nangyayari sa kanya?" tanong ni Darlyn sa pinsan nito.

"Aba malay ko... magkasama tayo diba?" mabilis na sagot ni Maribel.

"What i mean...bakit nagwawala yata at mukhang galit na galit... Kilala mo ba kung sino siya?" muling tanong ni Darlyn.

"Hindi... tsaka parang hindi siya tagarito sa lugar natin. Kasi ngayon ko lang siya nakita dito."

"Hmp... baka nagbabakasyon. Halika lapitan natin?" hila ni Darlyn sa pinsan.

"Ano ka ba? Mamaya nyan, samain pa tayo. Hayaan nalang natin siya. Isa pa, kung may problema 'yan... huwag na tayong makialam. Hindi naman natin kilala ang lalaking iyan." sagot ni Maribel ng tumutol siya sa balak ng kanyang pinsan.

"Hay, naku...bahala ka nga... basta ako, lalapitan ko siya, baka may maitulong ako." wika ni Darlyn sabay talikod sa pinsan.

"Hoy, Darlyn... bumalik ka dito... Baka hanapin na tayo ni tita." sigaw ni Maribel sa kanyang pinsan na nun ay naisipan lang nila mamasyal sa lugar hanggang sa makita nila ang isang lalake na nagwawala...at ito ay si Jaspher.

"Haistt... ang kulit din ohh." wika pa ng huli ng hindi ng siya pinansin ng kanyang pinsan.

Samantala, pasemple lang si Darlyn ng lumapit ito kay Jaspher, at malumanay na nagsalita.

"Ahm, excuse me... m-may problema ka ba?" usisa nito.

"At sino ka naman?" supladong tanong ng binata ng balingan niya ang nagsalita mula sa kanyang likuran.

"A-ako si Darlyn...malapit lang kami dito. Baka kasi kailangan mo ng tulong...parang may----"

"Hindi kita kilala kaya 'wag kang makialam..." ani Jaspher at bigla nitong tinalikuran ang babae.

"Grrrr...gwapo ka nga, suplado naman. Kaasar, nagmamagandang loob lang naman ako." ani Darlyn sa sarili ng talikuran at iwan siya ng binata.

"See... nag-aaksaya ka lang ng time sa ganyang tao. Kaya cuz...let's go na." yaya ni Maribel sa pinsan ng lapitan
ito.

"Oo na...ikaw na ang tama." sagot ni Darlyn.

Bago tuluyang lisanin ng magpinsan ang bahay na iyon, parang may kakaibang pakiramdan si Darlyn na hindi nito maipaliwanag sa sarili. Hanggang sa mapalingon siya sa isang kwarto na nakabukas ang binatana. Nakita niya ang isang babae na umiiyak at parang takot na takot.

"Cuz...tignan mo ohh, may girl sa silid na iyon." ani Darlyn.

"Ano ba, umiiral na naman pagkamatsismosa mo...Halika ka na uwi na tayo." wika ni Maribel na hindi nilingon ang itinuro ng kanyang pinsan.

Wala namang nagawa na ang huli kundi sumunod at tuluyang umalis sa lugar. Pero sa isip-isip ni Darlyn, babalik siya sa lugar na iyon upang alamin ang mistersong pakiramdaman niya.

----

SA MAYNILA....

Wala paring balita si Totte tungkol kay Jaspher. Kaya naman, inip na inip na ito at hindi mapakali. Samantalang tatlong araw palang ang nakalilipas simula ng ipahanap nito sa kakilalang investigador. Hanggang sa may mabasa siyang balita sa isang news paper tungkol kay Angela Dela Cruz.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon