REHAS na PAG-IBIG

10.6K 274 11
                                    


KABANATA 27
(Pagpapakumbaba)

PAREHONG hindi inaasahan na magdikit ang kanilang mga katawan.
Kung kaya't ganon nalang kalakas ang kabog ng dibdib ni Jaspher ng mahawakan nito ang kamay ni Angela. Para siyang nakuryente na animo'y noon lamang lumapat ang balat ng huli. Sa bilis ng pintig ng kanyang puso, hindi na nga maitatago pa ni Jaspher ang tunay na damdamin niya para sa ina ng kanyang anak. "A-angela...." bigkas muli nito sa pangalan ng dalaga.

"J-jaspher..." si Angela na tila nakalimutan na nga ang pait ng kanyang nakaraan. At sa pakiwari niya'y ibang tao na talaga ang kaharap niya ngayon. Ang Jaspher na malatigre ang hitsura noon, ngayo'y dinaig pa ang isang napakaamong tupa. Sa pagkakalapat ng kanilang kamay, hindi maipagkakaila na may kakaiba rin ito naramdaman. At nang mapatitig siya sa mata ni Jaspher, nakita niya ang isang butil na parang maliit at bilog na kristal na biglang pumatak sa mula sa kanang bahagi ng mata nito. Hindi alam ni Angela kung ano ang ibig sabihin nun, pero iisa lang ang biglang pumasok sa isip niya, marahil ay masaya si Jaspher sa naging resulta ng pagpapatawad niya. At ganon din naman siya, nakahinga narin ito ng maluwag dahil totoong naramdaman nito na napakasarap pala ang magpatawad.

Walang anu-ano'y namalayan nilang tatlo na magkakayakap na sila. Si Jaspher, Angela, at anak na si Angelo. Napakandang pagmasdan ang tagpong iyon. Parang isang napakasayang pamilya na noon lamang nagkita-kita. Halos bumaha ng luha sa silid na iyon. Pati si Mrs Madrigal, hindi narin napigilan ang sarili kung kaya't napahagulhol siya ng malakas. Hindi dahil may pinagdaraanan ang Ginang, kundi masayang masaya siya sa nasaksihan ng kanyang mga mata.

Ilan minuto din ang lumipas na ang silid na 'yon ay napuno ng mga hikbi, pagsisisi, at lubos na pagpapatawaran. Hanggang sa nagsalita na si Angelo na kanina pa pala nahihirapan huminga dahil sa higpit ng yakap ng dalawang taong nagbuklod upang mabuhay siya sa mundo. "uhumm... Mama, Papa...excuse me for a while," mahinang sabi nito na ipinagtaka ng dalawa kung kaya't mabilis din silang kumalas sa pagkakayakap sa anak.

"Baby, why? Anong problema?" pag-aalalang tanong agad ni Angela.

Si Jaspher naman, nangamba na baka may masakit sa anak. "Anak, may nararamdaman ka ba, may masakit ba sa'yo?" anito.

"Eh muntik na po ako mamamatay, nahirapan kasi ako huminga. Para naman po wala ng bukas sa higpit ninyo makayakap sa 'kin." wika ni Angelo.

"Hehe, anak pasensya na ha..." hinging paumanhin ni Jaspher na kahit namamasamasa ang mga mata ay nagawa parin tumawa ng bahagya. Saka palihim na sinulyapan si Angela.

"Ah Angela...ang mabuti pa mamaya na kayo umalis ng apo ko. Kumain muna tayo." singit bigla ni Mrs Madrigal.

"Oo nga po Mama, tama si lola kumain muna tayo, nagugutom narin po kasi ako." mabilis namang sabi ni Angelo.

Hindi kaagad sumagot si Angela, kung kaya't inisip ni Jaspher na maaaring hindi ito sang ayon sa offer ng Mama niya.

"Mama..." untag ng bata kay Angela

"It's okay anak, may ibang pagkakataon pa naman para makasalo ko kayo sa pagkain. Siguro kailangan na ni Mama mo na makapagpahinga. At ikaw, pag-uwi mo sa bahay, magpahinga kana rin ha. Matulog ng maaga para mabilis kang lumaki." ani ni Jaspher na siyang sumagot sa bata.

"P-pero..." si Angelo na biglang lumungkot ang mukha at hindi naituloy ang sana'y sasabihin.

"Never mind...sige baby ko, sumabay ka sa kanila kumain. Hihintayin nalang kita matapos saka tayo uuwi. Ayos ba 'yon?" ani Angela.

"Hindi ka po kakain?"

"Busog pa naman kasi si Mama. Ikaw na lang kumain ha. Sabayan mo sila. Lalabas lang ako, magpapahangin." aniya, saka pa muling hinarap si Jaspher. "Ikaw na munang bahala sa anak ko, babalikan ko siya mamaya." wika ni Angela.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon