KABANATA14
UMUUSOK ANG ILONG ni Don Julio na sumugod sa presento upang puntahan ang asawa nito. Subalit sa malas niya'y, hindi na nito naabutan ang mag-ina.
"Sir, sabi sa loob...kaaalis lang po ni Ma'am, kasama ang inyong anak." ani Marco, kanang kamay ni Don Julio.
"Sige na...sakay na at babalik tayo sa mansyon." galit na wika ng huli. "Kahit kailan, kunsentidora talagang ina." wika pa ni Don Julio na ang tinutukoy ay ang asawa.
"Sir...hindi ho ba muna kayo dadaan sa inyong opisina?" tanong ni Marco
"Pinangungunahan mo ba ako sa dapat kung gawin?" wika ng Don.
"S-sir...h-hindi ho! Pasensya na."
"Sige na, paandarin mo na ang sasakyan... Sa mansyon tayo." anang Don.
"O-okay, sir."
-----
MASAYA naman si Jaspher sa pagkakataong iyon, dahil hindi siya nagtagal sa kulungan. Magagawa parin nito ang gusto niya kahit pa sinabihan siya ng abogado na dapat huwag ng gagawa ng mali para hindi mawalan ng bisa ang peyansa sa kanya.
"Iho, gusto mo bang kumain muna tayo sa favorite restaurant mo bago tayo tumuloy sa mansyon." anang mommy niya.
"No, thanks nalang Ma. Gusto ko munang mag rest... Magpaluto ka nalang ng food sa maid natin, then sabay nalang tayo kumain." sagot ng binata.
"Okay, iho...pero promise mo sa'kin na magbebehave ka na ha. Ang daddy mo, galit na galit siya sa nangyari. Sana lang...hindi ito maging dahilan ng pag-aaway namin." pahayag ni Mrs Madrigal.
"Why Ma? Anong problema kay Dad?"
"Never mind nalang, iho... Ang importante, nakauwi ka na sa amin."
"Ma, hayan ka na naman eh, Naiintindihan ko naman na palaging mainit ang dugo sa'kin ni Daddy. Isa pa, simula't sapul...wala siyang pakialam sa'kin. Akala niya, matutumbasan ng pera ang responsibilidad niya bilang ama. but, you know what Ma, hindi naman kayaman ng pamilya ang habol ko. Kaya sana, maintindihan din ni Daddy ang nararamdaman ko kung bakit ako nagkakaganito. Mas maiging gumawa ako ng mga katarantaduhan, atleast...may panahon siya na pag-aksayan ako ng pansin dahil nakasalalay dito ang reputasyon niya. I my right...Ma?" mahabang wika ni Jaspher at humugot pa ito ng malalim na hininga, saka muling nagsalita. "Feeling ko tuloy, hindi si Daddy ang aking ama. Ibang iba ang ugali niya kumpara sa'yo." wika pa ng binata.
"Susshhh... Iho, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Siya parin ang Dad mo, kaya sana unawain mo nalang din siya. Isa pa, andito naman ako... Ako ang magpupuno ng lahat ng pagkukulang ng daddy mo sa'yo." malumanay na wika ng Ginang.
"naku Ma, huwag mong saluhin ang responsibilidad ni Dad. And i'm sorry kung palagi mo nalang ako ipinagtatanggol sa kanya." ani Jaspher na hinawakan ang kamay ng mommy niya.
"Mahal kita anak, tandaan mo 'yan. Hindi kita kayang pabayaan, Kaya sana, mangako kana sa akin na hindi ka na gagawa ng mali na ikapapahamak mo ha..." wika sa binata at nagyakapan silang mag-ina.
Hindi naman nakasagot si Jaspher sa sinabing iyon ng kaniyang Mommy. Mahirap mangako lalo at may dapat pa siyang alamin at tuklasin sa kanyang pagkatao.
Hanggang sa biglang sumagi sa isip nito si Angela... Ang babaeng naging dahilan kung bakit naging malademonyo ang pagtrato niya sa dalaga.
"Ma, 'yung secretary mong haliparot... Nakita mo na ba?" bigla niyang tanong sa ina.
"Si Angela...?"
"Sino pa ba ang secretary mo...hind ba't siya lang?"
"Iho, bakit mo ba kasi ginawa 'yon sa kanya? Mabait naman si Angela. Ang hindi ko lang maintindihan sa'yo, bakit kailangan mo pa siyang itago sa malayo." pagtatakang tanong ng Ginang.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
РазноеAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...