REHAS na PAG-IBIG

14.5K 271 8
                                    

KABANATA 8

NAKARATING sa kaalaman ni Don Julio na si Totte ay naka- confined sa hospital dahil sa tama ng bala.

Upang alamin ang buong pangyayari sa kaibigan ng anak, ipinasya ng Don na dalawin ito. Ngunit papalabas palang siya sa mansyon ng makita at salubungin siya ng maraming reporter.

"Harangan ninyo ang mga iyan, huwag hayaan makalapit kay Don Julio." ani Marco na kanang kamay ng Don at dali-dali binuksan ang sasakyan para makapasok ang Amo.

Subalit mapilit ang mga reporter. Nang papalabas na ang sasakyan ay humarang ang mga ito sa daraanan nila.

"Stop the car." anang matanda.

"Pero sir, hindi po ba't kayo ang may sabi na hindi pa ninyo kailangang humarap sa media hangga't hindi pa ninyo nakakaharap si Señorito Jaspher." ani Marco.

"Mas lalong magiging big issue ito kung hindi ako magsasalita." anang Don at ito na mismo ang kusang nagbukas ng sasakyan upang humarap sa media.

Nang makita ang Don ng mga reporter, sunod-sunod na katanungan ang sumalubong sa kanya.

"Sir, totoo po ba na ang inyong anak ay pinag-hahahanap ngayon ng mga alagad ng batas? "

"Naniniwala ho ba kayo na may kinasasangkutang illegal na droga ang inyong anak?"

"May mga nakapag-sabi ho na may kinidnap na isang babae ang inyong anak...gaano ho ito katotoo at ano ang dahilan upang gawin niya iyon?."

Ilan lang sa mga katanungan ng mga reporter kay Don Julio at bago magsalita, pinag-isipang maigi ng huli ang kanyang sasabihin.

"Relax lang kayo...hindi pa natin alam ang totoong nangyari. Marahil ay gawa-gawa lang ito ng mga kalaban ko sa negosyo. Alam naman ng marami na kilala ang pamilya Madrigal sa may pinakamalaking negosyo sa bansa. Wala pa namang patunay na ang anak ko nga ang tinutukoy nila. At sinisigurado ko sa inyo, walang sinuman ang makapag-papabagsak sa amin."maikling paliwanag ng Don saka muling bumalik sa loob ng sasakyan.

Nang matapos ang maikling panayam, saka palang tumigil ang mga reporter sa pangungulit na mahingan ito ng pahayag sa bali-balitang nangyayari na may kaugnayan sa kaniyang pamilya.

"Jaspher, ano na namang kalokohan ang pinag-gagagawa mo? malilintikan ka talaga sa akin?" bulong ni Don Julio ng nasa byahe na siya patungo sa hospital na kinaroroonan ni Totte.

------

WALANG KASIGURADUHAN na hindi mahahanap sa lugar na pansamatala ay pinagdalahan ni Jaspher kay Angela, kung kaya't kinausap niya ng maayos si Aling Emelita na kung maaari ay tulungan silang makalayo sa siyudad. Muli ay handa siyang magbayad sa anumang tulong na gagawin ng matanda sa kanya.

"Sir, may alam po akong lugar sa probensya namin. Maganda doon at siguradong magugustuhan ninyong mag-asawa kapag nakarating kayo?" ani aling Emelita

"Talaga ho? Saan naman ang lugar na sinasabi ninyo?"

"Medyo malayu-layo nga lang ho at aabutin ng mahigit isang araw ang byahe. Baka mahirapan ang asawa mo dahil sa nakikita ko sa kanya, hindi pa lubos na malakas ang kanyang katawan."

"Ako na hong bahala Aling Emelita...basta samahan ho ninyo kami sa lugar na tinutukoy mo. Huwag kang mag-alala...ako ang bahala sa gastusin basta mailayo ko lang siya sa lugar na ito."

"Sige ho sir, walang problema. Kailan ho ninyo gustong umalis?"

"Ngayon din Aling Emelita." mabilis na sagot ni Jaspher..

Nang oras ding iyon ay isinaayus ni Jaspher ang lahat. Bawat kilos ay naging alerto siya para hindi na mabulisyaso ang kanyang plano.

Paaalis na sila ng biglang magising si Angela. At dahil masakit pa ang ulo, halos umikot ang kanyang paningin. May narinig siya na mahinang tinig na sa wari'y siya ang kinakausap.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon