KABANATA 25
HINDI man maipaliwanag ang tunay na nararamdaman, batid ng puso ni Angela na handa na siyang magpatawad sa mga taong nagkasala at nakagawa ng kasalanan sa kanya.
"Siguro nga tama ka Angela, sa Diyos ako dapat magpasalamat dahil dininig niya ang matagal ko nang ipinagdarasal. Pero nagpapasalamat parin ako sa 'yo dahil narito ka ngayon at kasama ang aking apo...Salamat Angela, salamat sa 'yo." wika ni Mrs Madrigal at hindi na napigilan ang sarili at niyakap si Angela.
Hindi naman nakakibo ang huli. Hinayaan ang Ginang na nakayakap sa kanya. Hindi man siya gumanti ng yakap, naramdaman naman niya ang sensiridad na sinabi ni Mrs Madrigal.
Ilan sandali pa ay namalayan nalang ni Angela na may dumadaloy na palang luha sa kanyang mukha. Kasabay niyon ay ang malamyos na tinig na kanyang narinig mula sa likuran.
"A-angela...a-ang i-ibig sabihin ba nito, p-pinapatawad mo na ako." ani Jaspher na halos magkanda bulol bulol sa pagsasalita.
Subalit hindi kaagad sumagot si Angela.
Samantala, kumalas naman si Mrs Madrigal sa pagkakayap sa dalaga habang pinapahid nito ang mga luhang umagos din sa mukha niya. Saka muling nagsalita. "Iho, anak...malaya ka na, napatawad kana ni Angela." anang Ginang.
"Ma...p-pero, kay Angela ko gusto marinig ang sagot." sagot naman ni Jaspher.
"Mama..., magbati na po kayo." singit naman ni Angelo na nun ay pumagitna sa kanila. Sa murang edad nito, tila marami nang naiintindihan sa kanyang paligid. "Ma, diba sabi mo sa 'kin, ipakikilala mo ako sa tunay kong Papa. Eh bakit ang tahimik mo diyan." wika pa ni Angelo.
Nun lang nahimasmasan si Angela at hindi inaasahan na sasabihan siya ng ganun ng kanyang anak kung kaya't lalo lang bumuhos ang kanyang mga luha. Aminado na maraming hirap ang kanyang pinagdaanan, at matagal na panahon bago niya napalaya ang sarili. Kung hindi dahil sa anak niyang si Angelo, siguro hanggang ngayo'y mananatiling nakaukit ang pait at sugat na dulot ng nakaraan. Dahil kay Angelo, ngayon ay handa na itong magpatawad.
"Baby, pwede bang dito ka muna... mag-uusap lang kami sa labas. After that, ipikikilala na kita sa papa mo." nawikang bigla ni Angela.
"Okay Mama...take your time." mabilis na sagot ni Angelo at naupo ito sa bakanteng upuan.
Nangingiti naman si Mrs Madrigal habang pinagmamasda ang kanyang bibong bibo na apo. Hindi maipagkakailang kamukhang kamukha nga iyon ng anak niyang si Jaspher. Samakatuwid ay mag ama nga ang dalawa.
"Jaspher, mag-usap tayo sa labas." ani Angela sa binata at nagpatiuna itong lumabas sa silid.
Nakasunod naman si Jaspher habang naiwan na magkasama sa silid sina Angelo at Mrs Madrigal.
Nang nasa labas na ang dalawa, katahimikan muna ang namigitan sa mga ito. Tila humuhugot muna ng lakas si Angela bago tuluyang harapin ang binata.
"A-angela, anong pag-uusapan natin?" tanong ni Jaspher na kanina pa hindi mapakali. Kinakabahan ito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Magkagayunpaman, ang kasiyahan sa kanyang puso ay naroroon at hindi niya malilimutan ang araw na 'yon na muli nitong nasilayan si Angela. Ang babae na nasa kanyang harapan ay hindi na gaya ng dati na palaging sumisigaw dahil sa galit. Ngayo'y ibang Angela na ang kanyang nakikita. Ang Angela kung saan ay ang totoong dalaga na kanyang nakilala noon na mahinahon.
"Matagal kong pinag-isipan ito. Siguro nga kailangan ko nang palayain ang sarili ko para narin sa ikatatahimik ng buhay ko." paunang bungad na wika ni Angela.
"A-anong ibig mong sabihin?" painosenting tanong ni Jaspher. Kahit ang totoo'y nauunawaan naman niya ang ibig sabihin ng kaharap.
"hindi ba't gusto mo nang kapatawaran? Ngayon Jaspher...pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanan at kahayupang ginawa mo sa akin. Oo aaminin ko, hindi ganun kadali ang magpatawad. Masakit, napakahirap at imposible ang gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ko. Akala ko, magiging masaya ako kapag nakikita ko na pinaparusahan ang taong bumaboy sa pagkatao ko. Akala ko, ganon kadaling tanggapin sa loob ko na nakaganti narin ako. Pero nagkamali ako. Dahil habang tumatagal at lumilipas ang panahon, lalo ko lang nararamdaman ang sakit. Sa totoo lang, hindi ako patahimikin ng konsensya ko dahil sa ginawa mong pagpapatiwakal. Konsenya na meron ako at wala ka nun. Jaspher.....gusto ko na rin ng katahimikan kaya nagpunta ako dito. At si Angelo, oo tama ang iniisip mo...anak mo siya. Siya ang batang bunga ng kahayupan mo sa akin noon. Ang batang nagturo at naging dahilan kung bakit kailangan kong magpatawad. Siya, siya ang dahilan kung bakit kailangan kong magpatawad at para narin sa ikatatamik nating lahat." mahabang pahayag ni Angela, at di na napigilan ang sarili kung kaya't muli na naman itong napaluha kasabay niyon ay ang malakas paghagulhol... "Huhuhu...." hanggang sa biglang nanlambot ang mga tuhod nito at muntik nang matumba sa kinatatayuan.
"Angela, salamat...hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Matagal kong ipinagdasal sa Panginoon na sana mapatawad mo ako. Inaamin ko, nagkamali ako at pinagsisisihan ko lahat ng kasalanang nagawa ko sa 'yo. Angela, alam ng Diyos kung gaaano ko pinagsisishan ang mga pagkakamali ko, kung kinakailangan, lumuhod ako ng paulit ulit sa harapan mo...gagawin ko. Kahit ano pang parusa ang ipataw sa akin, maluwag kong tatanggapin. Subalit ang marinig ang kapatawaran na mismong galing sa bibig mo ay sobrang napakasaya ko.. Ako na siguro ang pinakamasaya at pinakamaswerting tao sa mundo dahil binigyan muli ako ng Diyos ng pagkakataon na ituwid at itama lahat ng mga pagkakamali ko. Angela, ngayon palang...sinasabi ko sa 'yo, gagawin ko ang lahat para lang maibalik sa dati ang tiwala mo. Tiwala na siyang sinira ko noon. At sana lang, bigyan mo ako ng pagkakataon na magawa ko 'yon, sa'yo at sa anak natin." madamdaming sagot naman ni Jaspher. Kanina pa sana niya gustong yakapin si Angela, subalit nagdadalawang isip ito na gawin iyon. Nababahala siya na baka magbago ang isip ng dalaga kung gagawin niya ang bagay na 'yon.
"Maaring napatawad na kita pero hindi kaya ibalik ang dati. Sana lang, pagkatapos nito huwag mo na kaming gagambalain ng anak ko." ani Angela. Nang mga oras na iyon ay namumula na ang kanyang mga mata.
"P-pero...paano ang anak ko."
"Jaspher, oo nga anak mo siya,pero hindi nangangahulugan na may karapatan kana sa kanya. Dugo mo lang ang nanalaytay kay Angelo, kaya please lang, sana ipangako mo rin na hindi mo siya guguluhin." pagkasabi niyon ay biglang tinalikuran ang binata.
Naiwanan na nakatulala naman si Jaspher. Ang kapatawarang hinihiling ng binata ay nakamit na nito, subalit mas lalo palang masakit ang malaman na wala siyang karapatan sa anak nito kay Angela. Hindi man naranasan ni Jaspher ang pag-aaruga ng isang Ama, ngunit sa kanyang isipan naman ay gusto nitong ipadama kay Angelo ang pagiging ama niya. Subalit paano niya magagawa ang bagay na iyon kung ang pagiging ama niya sa bata ay ipagkakait din sa kanya?
___
MUGTO ang mata nang balikan ni Angela ang kanyang anak.
"Baby, come here...uwi na tayo." aniya sa anak.
"Where is my Papa?" tanong naman ni Angelo.
"Baby, please listen to mama okay...we need to go home now."
"P-pero..."
sa bigla namang dumating at si Jaspher.
"Angela, paki-usap...hayaan mo munang magkakilala kami ni Angelo. Pagkatapos nito, pangako...gagawin ko ang gusto mo." wika ng binata na nun ay pinipigilan lang ang sarili na huwag lumuha.
"Para ano pa? Para makuha ang loob niya?"
"Hindi mo ako naiintindihan, sana lang kahit ngayon lang...makasama ko siya... Pakiusap." ani Jaspher at hindi inaasahan ang kanyang gagawin. Lumapit ito sa harapan ni Angela at lumuhod sa may paanan niyon. "Please Angela, fore give me....kahit ngayon lang." sambit nito at tuluyan nang lumaglag ang mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.
"Papa...." biglang sigaw naman ni Angelo at mahigpit na niyakap si Jaspher.
"Huhuhu...anak ko, anak ko..." usal ng binata habang umiiyak.
******
Maraming salamat sa vote at comments niyo.
BINABASA MO ANG
(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIG
De TodoAng kwentong ito ay mula sa pasaway at malikot kong kaisipan. Susubukan nitong baguhin ang paniniwala at pananaw ng isang tao patungo kung hanggang saan ang kayang gawin ng PAG-IBIG. Ang akala nating imposible ay pwede pala maging posible. Author: L...