KABANATA 4

15.6K 278 10
                                    

SA HIDE-OUT kung saan pansamantalang dinala ni Jaspher si Angela, naisipan ng dalaga na magkunwaring mahinahon. Sasakyan niya ang gusto ng binata hanggang sa makuha niya ang loob nito at pagkatapos saka siya gagawa ng paraan upang makatakas.

"Kailangang maging matatag ako. Kailangang gumawa ako ng paraan para maipagtanggol ang sarili ko." anito na kinakausap ang sarili.

SAMANTALA, nagpaalam naman si Totte sa kaibigan na kailangan muna niyang umuwi sa kanila.

"Kailan ang plano mong bumalik?"

"Akala ko ba hanggang dito lang ako? Huwag mong sabihin na hanggang sa magawa mo ang gusto mo eh kasama mo parin ako?" tanong ni Totte

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

"Eh ano?"

"Never mind... sige na makakaalis ka na. Thanks sa pagtulong mo sa plano ko." pormal na sagot sa kanya.

"May problema ba pare? Sabihin mo lang at baka may maiitulong pa ako.?"

"Basta manahimik ka lang.., walang dapat makaalam nito."

"Offcourse! I'm you're friend since grade school palang tayo remember. At lahat ng kalokohan natin, never na lumabas. Ngayon pang malalaki na tayo. Don't worry, kahit labag sa kalooban ko 'yang ginagawa mo, mapagkakatiwalaan mo parin ako." ani Totte at bahagyang tinapik ang balikat ng kaibigan. "So paano, aalis na ko. Mag-iingat ka. At kung sakaling magkaroon ng problema, tawagan mo lang ako."

"Okay, pare, salamat!" tipid na sagot ni Jaspher.

Mahigpit na nagshake hands ang dalawa bago tuluyang tumalikod si Totte.

Tinungo ang kanyang kotse at napababuntong hininga pa ito bago sumakay. Pinagmasdang maigi ang kwarto kung saan nasa loob ang inosenting si Angela.

Pagkalipas ng ilang saglit, umalis narin siya ng tuluyan sa lugar.

Dahil mag-isa nalang si Jaspher, minabuti nitong ilipat ng pinagtataguan si Angela.

Maihahalintulad na ang binata sa isang kriminal na may itinatagong iligal.

"Bangon dyan, aalis tayo!" anito kay Angela at mahigpit na hinawakan ang braso upang pwersahin ito.

"Teka lang...nasasaktan ako. Saan mo ba ako dadalahin?." mahinang wika ng huli habang hila-hila siya ng binata.

"Manahimik ka na lang. Basta sumunod ka ng maayus... hindi ka masasaktan!"

Wala ng nagawa si Angela. Gaya ng nasa isip, kailangan niyang makuha ang loob ni Jaspher upang magawa ang planong makatakas.

Medyo malayu-malayo din ang lugar na pinagdalahan ni Jaspher kay Angela. Umabot ng tatlong oras ang inilakbay nila sa byahe.

Nakakaramdam na ng pagkahilo at gutom si Angela nang huminto ang sasakyan.

"M-may tubig ka ba dyan? Nauuhaw ako."

"Wala! magtiis ka muna."

Muli ay hinawakan nito ang braso ni Angela, pababa sa kotse.

"Bilis...baba."

"Ano ba? Dahan-dahan naman." angal ng dalaga ng maramdaman na nasasaktan na siya.

"Baka gusto mong kaladkadin pa kita?"

"Hayop ka talaga Jaspher. Kung patayin mo nalang kaya ako?"

"Matagal na akong hayop... lion, tiger pa kung gusto mo? Bakit ngayon mo lang ba nalaman?"

"Wala ka talagang konsensya. Ngayon palang, sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo." galit na wika ni Angela.Muli ay hindi na n'ya natiis ang sarili na magsalita ng di maganda.Hindi napigilan na sabihin ang katagang iyon dahil ngayon palang ay sagad hanggang buto na ang galit at pagkasuklam niya kay Jaspher.Tinitigan ng masama ang binata.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon