REHAS na PAG-IBIG

14.2K 276 8
                                    

KABANATA 6

AYAW isipin ni Jaspher na mahuhulog ang damdamin niya sa dalaga porket naangkin nito ang pagkababae niyon. Kahit kelan hindi 'yon mangyayari dahil hindi si Angela ang klase ng babae na pinapangarap niya.

Bago umalis si Jaspher...inilock nito ng maayus ang pintuan ng bahay, at isinugaradong hindi makakatakas si Angela,

SAMANTALA, hindi tumitigil si Totte na hanapin ang kaibigan. Hanggang sa naisipan nitong puntahan ang rest house nila sa Tagaytay na kanilang bakasyunang magkakaibigan.

"Hindi kaya sa Tagaytay sila nagpunta?" ani Totte, at ibinaling ang sasakyan sa direksyon patungong tagaytay.

"Sana hindi ako pwede magkamali...sana nga nandon si Jaspher. Bahala na, pero kailangang itigil na niya ang kalokohang iyon. Kawawa naman si, Angela." wika pa niya, habang kinakausap ang sarili.

Binabagtas ang kahabaan ng south luzon express way ng may mamukhaan ang sasakyan sa kabilang direksyon ng daanan, pamilyar ito sa kanya kung sino ang nagmamay-ari.

"Sasakyan ni Jaspher yon ah," p-pero saan ang punta? Kasama kaya niya si Angela?" naglalarong tanong sa isip ni Totte.

Nagdadalawang isip kung tutuloy siya o hindi papuntang Tagaytay. Iniisip na baka wala nanaman siyang maabutan. Pero, ewan niya...parang may humihila sa paa nito upang tumuloy sa pupuntahan.

"Bahala na. Baka nandon parin si Angela at iniwan siya pansamantala ni Jaspher. Itatakas ko siya." bulong sa sarili.

-----

Nagwawala naman sa galit ang dalaga ng maiwan siyang nakatali ang kamay at paa. Pati bibig ay binusalan ng panyo para hindi makasigaw.

Pilit na kumakawala ngunit sadyang mahigpit ang pagkakagapos sa kanya.

"Kailangan kong makatakas dito habang wala pa ang demonyong iyon. Pe-pero paano ko naman magagawa kung hindi ako makagalaw ng maayus." sa isip-isip niya

Gustong magsisigaw, subalit mahina iyon para may makarinig sa kanya. Hanggang sa naiiyak na naman ito sa kahayupang ginagawa sa kanya ni Jaspher. Hindi niya alam, kung bakit ganon na lang ang galit sa kanya ng huli.

MAKALIPAS ang dalawang oras, may narinig siyang sasakyan na huminto sa harap ng bahay. Akala niya, si Jaspher na ang dumating. Pero ng marinig ang boses ng lalaki, habang tumatawag.. nasigurado niya na hindi iyon si Jaspher.

"Pare, Jaspher... nandyan ka ba?" dinig niyang tawag sa pangalsn ng demonyong lalaking si Jaspher

"Umungol siya ng buong lakas na kanyang magagawa upang marinig siys ng tumatawag na iyon. Kung sino man ang taong iyon, kailangan niyang humingi ng saklolo upang makatakas siya. Kung kinakailangan ay mag-makaawa...gagawin iyon ng dalaga.

Nakakailang tawag na si Totte, sa saradong rest house na kanyang pinuntahan, subalit walang sumasagot. Inakalang wala ngang tao ng pihitin nito ang door knob ng pintuan at natiyak na sarado.

Ipapasya na sanang umalis ng may maulinigan siyang ungol na tila ba nahihirapan. Dali-daling sumilip sa bintana pero walang makita.

Sinubukang pumunta sa may likod ng bahay sa may bahagi ng silid kung saan nanggagaling ang tinig. Hindi nga siya nagkamali, iyak iyon ng isang babae at si Angela ang pumasok sa kanyang isipan.

Walang anu-ano ay kinuha ang extra key sa sasakyan at sinubukang mabuksan ang pintuan ng kabahayan.

"Angela, ikaw ba yan. " malakas na sigaw ni Totte habang nanginginig na ang kamay sa pagpipilit na maibukas ang pinto.

Tanging ungol at daying ang muling narinig.

"Shit Jaspher, anong ginawa mo nanaman sa kanya." galit na sambit nito.

Nang hindi mabuksan ang pinto, humanap si Totte ng matigas na bagay sa compartment ng sasakyan. Kinuha ang isang tubong bakal at pagkatapos ay buong lakas na hinampas ang door knob ng pinto.

Paulit-ulit na ginawa hanggang sa di nagtagal ay nasira din niya ito. Pagkatapos ay sinipa ang pinto at madali ng bumukas.

Mabilis na tinungo ang silid na pinanggagalingan ng ungol.

"Bulshit...nakalock din."

"Angela! Angela! Angela! Do you hear me? si Totte ito." malakas na sigaw nito habang kinakalabog ang pintuan.

"Uuuuummmmmm..." ungol na kanyang narinig.

"Huwag kang mag-alala, itatakas kita dito."

Muli ay hinampas ng bakal na tubo ang door knob. Tatlong ulit na isinagawa at mabilis naman nabukhan.

Gayon nalang ang pagkagulat nito ng makita ang ayus ng dalaga. Awang-awa siya at biglang naala-alang may kapatid din siyang babae.

Mabilis na tinanggal ang gapus sa kamay pagkatapos ay ang tilang nakatakitp sa bibig. Isinununod na tanggalin ay ang tali sa mga paa.

Umiiyak na nagpasalamat si Angela.

"Huwag ka munang magpasalamat. Kailangan nating makaalis kaagad dito bago dumating si Jaspher."

"Pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sakin." ani Angela na nanginginig ang buong katawan.

"Halika na, Kaya mo bang maglakad?" tanong ni Totte.

Tumango naman si Angela at kahit masakit ang katawan
pinilit niyang makalakad. Subalit mahina ang kanyang mga tuhod. Muntik ng mabuwal, mabuti at nasalo siya ng huli.

"Papasanin nalang kita. Halika!" at binuhat nga ni Totte si Angela hanggang sa makarating sa sasakyan at maipasok siya.

Pagkaraan ng ilang saglit, pansamantalang nakahinga ng maluwag si Angela lalo na ng umalis ang kotseng lulan sila. Tatanawin niyang isang malaking utang na loob ang ginawa ni Totte.

Habang binabay-bay ang daan pabalik sa manila, walang imikan ang dalawa. Sa kasamaang paalad, hindi pa man nakakalayo sa lugar ay bila naman tumigil ang kotse ni Totte. Napansing umuusok ang unahang bahagi.

"Anak naman ng tipaklong ohh..Kung kelan nagmamali, Bakit ngayon pa?" inis na sambit nito.

"B-bakit? May problema ba?"
nag-aalalang tanong ni Angela.

"Nag-overheat ang kotse ko. Dito ka muna at echeck ko."

"Sige, pero bilisan mo ha." ani Angela na biglang kinabahan.

Halos 30 minutes din ang tinagal bago muling nag-start ang car ni Totte. Laking pasalamat ng dalawa lalo na si Angel.

"Wait lang ha, isara ko lang yung hood ng kotse." ani Totte.

Ngunit pagbaba ni Totte ay may biglang humintong kotse sa tapat nila. Gayon nalang ang kanyang pagkulat sa hindi inaasahang pangyayari. At si Angela, halos lumuwa ang mata sa kanyang nakita.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon