REHAS na PAG-IBIG

10.9K 224 8
                                    


KANANATA 15


DAHIL SA SINABING IYON ni Don Julio, halos mawalan ng respito si Jaspher sa kaniya. Pakiwari nito'y wala talagang malasakit ang dad niya.

"Ang hirap sa'yo, Dad...palagi nalang mali ang nakikita mo sa akin. Bakit hindi mo rin tingnan ang sarili mo? Itanong mo kung anong pagkukulang sa'yo, bilang isang ama." pagmamatigas na wika ng binata habang tumatayo ito mula sa kanyang pagkakabagsak sa sahig.

"Tarantado ka pala eh... Kung naging mabuti ka sanang anak, sana hindi ganito ang trato ko sa'yo. Ni minsan, never kang sumunod sa'kin. Isa kang suwail na anak. Do you think, matutuwa ako...Jaspher?"

"It's not my fault kung naging suwail akong anak. You know why, Dad...? because of you! Hindi ko naramdaman na naging Ama ka para sa'kin. Puro nalang business, business ang inaatupag mo. Sa school, kapag nagpapatawag ng meetings ang mga teacher ko, never ka umattend. Kapag may activity na kailangan ang father, wala ka... Kapag nagkakaroon ako ng trouble, pera ang ginagagamit mo matakpan lang ang pagkakamali ko at makaiwas ka sa kahihiyan. Now, Dad, tell me... Do you think, you're a good father to me?" balik na tanong din ng binata sa Daddy niya.

"Ano ba...tumigil na kayong mag-ama sa pag-susumbatan ninyo." singit ni Mrs Madrigal sa dalawa.

"Isa ka pa... Konsintedurang Ina. Palagi mo nalang ipinagtatagol itong suwail mong anak. Palibhasa, nagmana sa kabobohan mo." singhal ni Don Julio sa Asawa.

Napapitlag naman ang Ginang sa sinabing iyon ng asawa.

Samantala, nag-init naman ang dugo ni Jaspher sa Ama. At dahil sa hindi mapigilang damdamin, nagdilim ang paningin nito at bigla nalang sinunggaban ang Dad niya, at isang malakas na suntok ang ipinataw sa mukha ni Don Julio,

Blaggggg.....

Malakas na bagsak ng katawan ng huli sa sahig.

"Hayop ka, Jaspher, hindi mo na ako iginalang. From now on, ayoko ng makikita ang pagmumukha mo sa pamamahay ko." sigaw ni Don Julio.

"okay, fine! Ayoko din naman mag stay sa house na 'toh na may demonyo akong kasama." malagagong sagot ni Jaspher sa Ama,

"Get out......." pasigaw na galit ni Julio sa anak ng marinig nito ang sinabi.

"Hindi mo na kailangan pang ipagtabuyan ako. Kusa akong aalis dito. Sana masaya ka na." sagot ni Jaspher at biglang niya itong tinalikuran.

"Iho, wait... Where are you going..." tawag naman ng Mommy niya na kanina pa umiiyak.

"Hayaan mo na siya, kung pipigilan mong umalis ang magaling mong anak, mas maiging magsama nalang kayo." ani Julio dito.

"How dare you, Julio... Hindi ko lubos maisip na napaka kitid din pala ng utak mo." naluluhang wika ng Ginang at patakbong iniwan ang asawa upang habulin si Jaspher.

"Iho, please come back... Nakikiusap ako, pag-usapan natin 'toh. Ayusin natin ang problemang ito...hindi pa naman huli ang lahat. " tawag niya sa anak.

Dahil sa tawag na iyon, huminto sa paglalakad ang binata at hinarap nito ang Mommy niya.
"No, Ma... Wala ng pag-asa na magkakasundo pa kami ni Dad. Nakita mo naman kung paano niya ako itrato. Hindi Anak ang tingin n'ya sa'kin." pahayag ni Jaspher.

"Kaya nga aayusin diba? Pareho ko kayong mahal ng Daddy mo. Ni isa sa inyo, ayokong malayo sa'kin. Kaya please iho, stay the house." pagmamakaawa ng Mommy niya.

Samantala, buo na ang desisyon ni Jaspher... aalis siya sa pamamahay na iyon. Kaya kahit anong pigil ng mommy nito, umalis parin siya.

"Iho, please come back...please...." humahagulhol na wika ng Ginang.

(COMPLETED)REHAS na PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon